Ianah's POV Hawak ko parin ang papel na inabot sa akin kanina ng isang estudyante sa paaralan. Naglalakad ako ngayon papunta sa tinutukoy na lugar ni Hero. Bakit nagpadala siya ng sulat? Nakakapagtaka. Ang sabi niya ay sasabay siya saamin ni Water kaya bakit nagbago ang isipan niya? Kay Hero ba talaga ang sulat na ito? Hindi ko mapigilan na magtaka dahil pwede naman niyang ipaabot saakin ang lugar na paggaganapan ng last training namin kaya hindi na niya kailangang magpadala ng sulat. Kung kanya nga ito ay hindi ko alam na ganito pala ang handwriting niya. Hindi sa minamaliit ko pero parang mas maganda pa ang handwriting ng grade 1 kaysa sa kanya. Nagsasabi lang ng totoo. Ang g**o ng pagkakasulat niya at may pa heart emoji pa siya na siyang mas lalong pinagtataka ko kung siya ba tal

