Kenneth's POV "Saan na ang ginawa naming cake ni Air?" tarantang tanong ni Water habang hinahanap ang cake. Mabilis namang lumabas sa kusina si Flame habang dala ang cake na nakalagay sa hindi ko alam ang tawag dito. "Dito natin ilagay" Tinitigan ko ang tinutukoy nilang cake. Bakit parang hindi naman nila nagaya ang hitsura ng cake sa mundo ng mga ordinaryong tao? Parang pinaglaruan ng bata dahil kung saan-saan na nakalagay ang icing at iba pang sangkap nito. Ginawa pang rainbow ang kulay. Cake ba talaga ang ginawa nila? "Alam ko ang tingin na yan. Hindi ako expert sa paggawa ng cake." masamang tingin na sabi sa akin ni Water. Napalunok ako ng laway sabay iwas ng tingin. Sungit talaga. Bumalik ako sa ginagawa ko nang naka chill lang samantala ang iba ay natataranta na sa kanilang mga

