HOMBRES ROMANTICOS SERIES 5: ALARIC AEGE ALKAIDE UNTAMED Kabanata 26 “ANO ANG IBIG SABIHIN NITO, ALARIC?” Gilalas si Alicia nang madatnan nitong hinahakot na palabas ng tinitirahan nitong bahay ang mga gamit nito na karamihan ay mga personal na gamit lamang nito. Kasama na rin ng mga gamit na pag-aari ng mga step children ni Alicia na sina Callista at Tobias. “Obviously I am taking back this house. Sa pagkakatanda ko ay ako pa rin ang may-ari ng pamamahay na ito.” Alaric looked down at his mother with a stoic expression on his face. Sa labas ng gate ay naroon ang dalawa sa apat na mga isinama niya para nga maglabas ng mga kailangang alisin mula sa pamamahay na iyon. Wala nang natitirang malasakit si Alaric sa kanyang sariling ina matapos ang gabi na iyon na tila naging pagwawakas sa

