HOMBRES ROMANTICOS SERIES 5: ALARIC AEGE ALKAIDE UNTAMED Kabanata 5 AWTOMATIKO RIN ang paghinto ng mga paa ni Saoirse nang tumigil si Ka Fredo sa tapat ng isang pinto sa gawing kanan ng pasilyo. It was the second to the last door sa gawing kanan. Kung hindi siya nagkakamali sa pagbibilang ay mayroong pitong pinto ang naroon. Nasa ikalawang palapag sila ng beach house na pag-aari ng ama ni Alaric na si Alejandro Alkaide. It is a huge beach house na ang kuwarenta porsiyento ay yari sa matitibay at magandang uri ng kahoy. Nakatirik iyon sa mataas ng area ng isla where there were numerous coconut trees at both sides of it at ganoon din sa likod ng bahay. Ngunit bukod sa mismong beach house ay mayroon pang natanaw si Saoirse kanina na ilang kabahayan sa ilang bahagi ng isla. Twenty minu

