"ARGUS, sandali!"
Hindi na nilingon pa ni Argus ang girlfriend na si Dawn nang takbuhin niya ang distansya mula sa tent ng medical mission patungo sa kanyang kotse. Dawn tried to chase him and was able to catch him before he got inside his car, her face looked so confuse and jealousy was clearly written in her eyes.
"S—Saan ka pupunta?" Her forehead creased a little. "Doon sa... Tammy ba?"
His mind is already clouded with worry that he couldn't think of howto properly respond to Dawn anymore without giving her reasons to be jealous of Tammy. Binuksan niya ang pinto sa driver's seat at binuhay ang makina ng sasakyan bago niya ito sinagot.
"I need to get to Tammy, Dawn. She needs me right now."
Kitang-kita niya ang paglamlam ng mga mata ni Dawn dahil sa naging tugon niya. "And you're gonna leave me here all of a sudden just because another girl told you she needs you?"
He sighed. "Please, Dawn it's not how you think it is—"
Her eyes went bloodshot. "Magsama kayo."
Napaawang ang kanyang mga labi nang layasan siya nito upang bumalik sa tent ngunit wala nang panahon pa si Argus upang manuyo sa ngayon. Nananaig sa kanyang sistema ang takot na kung mahuhuli siya kahit isang menuto lang, may masama nang mangyayari kay Tammy, at hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung sakali.
He clenched his jaw and decided to drive despite Dawn's anger. Natanaw niya na lamang ito sa side mirror na huminto sa paglalakad upang panoorin siyang magmaneho paalis.
He didn't mean to break her heart. It's just that, he has no time to further explain things at the moment. Kailangan siya ni Tammy at... palagi niyang uunahin si Tammy. No matter how stupid or unfair that may sound, Tammy will always be his utmost priority.
Tinawagan niya ang kanyang kapatid na si Arevalo dahil nasa Maynila ang kapatid niyang si Armani. He informed Arevalo about Tammy's situation. Sinabihan naman siya nitong susunod sa lokasyon ng bagong nobyo ni Tammy kasama ang mga pulis. He had no time to go to a police station anymore since his priority is be there before anything even happens to Tammy.
Nakatakbo ito patungo sa tabing dagat at nagtago lamang sa isang nakadaong na bangka. She even had to cover herself with the stinky net to hide herself, kaya nai-imagine pa lamang ni Argus ang kalagayan nito ngayon, nagpupuyos na sa galit ang kanyang dibdib.
He breathed out the heavy air inside his chest as he tightened his grip on the stirring wheel. "I'm coming, Tammy. Walang pwedeng tumarantado sayo..."
NANGINGINIG sa takot na tinakpan ni Tammy ang kanyang bibig nang marinig ang grupo ni Benz na tinatawag ang pangalan niya. They are even laughing while calling her name, teasing her and scaring her purposely.
Hindi niya akalaing ang bago niyang boyfriend na si Benz ay isa palang drug user. Nang dumating siya kanina sa bahay nito, naabutan niya ang mga itong nag-iinuman. Ang usapan nila ay ipakikilala siya sa parents nito. Ilang beses na rin siyang niyaya ni Benz na makipagtalik ngunit dahil kahit na rebelde siya at nag-iinom, iniingatan pa rin ni Tammy ang virginity niya.
She doesn't know why she put so much value into it even when people are already seeing her as a w***e for letting her boyfriends kiss her in public. She tried oral s*x but never really engaged in an actual intercourse. Tila tuwing patungo na roon ay nawawalan siya ng gana... at biglang naiisip si Argus.
"Baka doon nagpunta! Hindi pa 'yon nakakalayo!"
"Hanapin ninyo nang matikman nating lahat. Let's see kung totoo ang sinabi ni boss na masarap nga 'yan."
Muntik na siyang mapahikbi sa narinig ngunit mas diniin niya ang pagtatakip sa kanyang bibig sa takot na marinig siya ng mga ito. She's so scared, her whole body is trembling in fear, and at that moment, her mind screams for help to only one man.
Argus...
Uminit lalo ang sulok ng kanyang mga mata habang pinakikinggan ang mga papalayong sina Benz. Nang akala ay wala na ang lahat ng mga ito, nakahinga siya kahit paano ngunit nang umalingawngaw ang cellphone niya matapos siyang tawagan ni Arvind, nag-panic nang husto si Tammy.
She screamed and tried to fight Benz when he removed the net covering her already naked upper body. Tanging bra na lamang ang nagtatakip sa itaas niyang katawan at nang pilit siyang hinatak ni Benz palabas ng bangka, halos mapadaing siya sa higpit ng pagkakasabunot nito sa kanyang buhok.
"Bitiwan mo ko—ah!"
Bumagsak si Tammy sa buhangin nang isang malakas na sampal ang tinamo ng kanyang kanang pisngi. Nanlabo ang mga mata niya sa kumapal na luha, ngunit pinilit pa rin niyang gumapang palayo rito.
Benz grabbed her and made her lay on her back. Humahampas ang alon sa dalampasigan at umaabot sa kanila ngunit wala itong pakialam. He went on top of her and was about to rip her brassieres when someone hit Benz with a stone on his back. Bumagsak ito sa kanyang tabi, dumudugo ang ulo at nawalan ng malay tao.
Nagtahip ang dibdib ni Tammy sa takot. Nanginig ang kanyang katawan nang hawakan siya ng taong gumawa no'n ngunit bago pa siya makasigaw, niyugyog na ng lalake ang kanyang mga balikat.
"Tammy! Tammy, ako 'to!"
Her heart throbbed when she heard the familiar voice. "A—Argus?"
Hindi na ito nakasagot nang marinig nila ang mga parating na kaibigan ni Benz. Tuluyan siyang binuhat ni Argus at tumakbo ngunit dahil karga siya ay hindi ito ganoon kabilis na nakatakbo. Nang maabutan sila ng mga ito, pinalibutan sila ng apat na mga kaibigan ni Benz, lahat ay mulat ang mga mata at malalaki ang ngisi dahil sa tinirang pinagbabawal na gamot.
Binaba siya ni Argus at niyakap habang nagpapalit-palit ang tingin nito sa mga nakapalibot sa kanila.
Napahikbi si Tammy sa sobrang takot. "Argus..."
His hold tightened. "Shhh, I won't let them hurt you... I won't let anyone hurt you..."
Ngumisi nang mas malapad ang pinakamalaking kaibigan ni Benz. "Totoy, ibigay mo na lang at lumayas ka rito. For the sake of my boss, I'm not gonna touch you... but if you will insist playing the hero part, baka maisama kita sa ililibing ko mamaya."
Nadama niya ang pagpuyos ng dibdib ni Argus ngunit hindi dahil sa takot kun'di sa matinding galit na lumukob sa puso nito.
"Mamamatay muna ko bago niyo makuha 'to..." may paninindigang ani ni Argus habang kinukulong siya sa mga bisig nito.
Nagtawanan ang mga kaibigan ni Benz. Mayamaya ay nagsimula na ang mga ito sa pananakit kay Argus. Bumagsak silang pareho sa buhangin at nakapaibabaw sa kanya si Argus, ngunit kahit anong suntok at sipang tinatamo nito, humihigpit lamang lalo ang yakap sa kanya ni Argus.
He groaned when someone hit him on his head. Tila nahilo ito at ang dugo ay pumatak din sa kanyang mukha. Halos mawalan ng lakas si Tammy lalo nang makitang ininda nito ang matinding sakit, at nang magtama ang tingin nila ni Argus, pakiramdam niya ay nilamutak nang husto ang kanyang puso matapos itong basag na ngumiti at bumulong.
"I won't... let them hurt you..."
Napahikbi nang tuluyan si Tammy saka siya nagmakaawa na tigilan nang mga ito si Argus ngunit hindi siya pinakinggan. They would even laugh maniacally as if it was fun to hurt Argus. Kada daing nito, siya ang lubos na nasasaktan ngunit hindi pa rin siya pinakawalan anumang hatak ang gawin nito upang bitiwan siya.
"Tama na!" She cried harder. "Tama na!"
Argus groaned in pain, his face buried on her shoulder when he received a hard kick on his side. Humigpit nang husto ang yakap nito sa kanya, ang katawan ay nanginig dala ng matinding sakit na naramdaman dahil sa malakas na sipa.
Tammy can't help but blame herself. Sana hindi niya na lang ito tinawagan. He's risking his own life just to protect her from those men who wanted to abuse her. At kahit na gaano kasakit ang tinatamo nitong sipa at suntok, kahit alam niyang nahihirapan na ito nang lubos, hindi siya binitiwan. Hindi siya hinayaang makuha mula rito.
Muling kumuha ng bato ang isa at akmang ipupukpok na kay Argus nang makarinig sila ng warning shot. Nang mapalingon si Tammy sa mga parating, halos mapahikbi siya nang makita ang kapatid ni Argus na kasama ang mga pulis. Even Arevalo is holding a gun in the air, his teeth was gritting as he c****d the gun again after giving the warning shot.
Nagsipulasan ang mga kaibigan ni Benz na hinabol naman ng mga tropa ni Arevalong pulis. Nang lapitan sila ni Arevalo, saka lamang siya binitiwan ng halos hindi na makatindig na si Argus.
The moment they got on their feet, Argus was already trembling in so much pain, ngunit mas inalala pa rin siya nito dahil kahit na halos hindi na kayang tumayo nang mag-isa, hinubad nito nang pilit ang t-shirt na suot para lamang isuot sa kanya.
Tammy sobbed as Argus put his shirt on her. Malalim ang bawat paghinga nito, halatang hirap na manatili pang gising. Nang maisuot ang damit sa kanya, tumingin sa kanyang mga mata ay pabagsak nang mga mata ni Argus. His trembling hand cupped her face before he leaned to kiss her on her forehead. Napahawak siya sa braso ni Argus at ang mga mata niya ay pumikit. Her lower lip trembled as she sobbed, at nang masaganang pumatak ang kanyang mga luha, nayakap niya nang tuluyan si Argus.
Humagulgol siya nang tuluyan sa dibdib nito habang yakap siya nang mahigpit, ang nanghihinang kamay ay marahang hinaplos sa kanyang ulo kasabay ng pagsinghot nito.
"Let's go, Tammy..." nanghihina ang tinig nitong sabi.
Her shoulders quaked. "T—Thank you, Argus... Thank you..."
Marahan nitong hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo bago ito nagpakawala ng malalim na hininga. "I will never let anyone hurt you. As long as I'm alive, no one will ever manage to lay a finger on you. I promise, Tammy... I promise you that..."