"PERO IKAW ang kusang nagpunta sa bahay ni Mr. Benz Tuazon, hindi ba?"
Napakunot ng noo ang lumuluhang si Tammy sa tanong ng babaeng officer. Nasa holding room siya ng presinto para sa pormal na pag-file ng report, at habang mag-isa siya kasama ang officer, hindi niya mapigilang magtaka kung bakit ganoon ang tanong sa kanya.
"Does it... matter?"
Hindi niya nagustuhan ang paghugot nito ng hininga pati ang pagtuwid nito ng upo. "Miss Mercado, tinatanong ko lang kung ikaw ang kusang nagtungo sa lugar na iyon."
"Yes! Pero hindi ako nagpunta roon para mangyari sa akin 'to!"
"Calm down. Tinatanong lang kita." Nagsulat ito sa notebook. "Ilang beses ka nang nakarating doon?"
"Ngayon lang."
"Noon, saan kayo nagkikita?"
"Sa bahay ng isang kaibigan niya."
"At ano ang ginagawa ninyo?"
Her forehead creased even more. "We drink with his friends. That's it."
"Ilan ang babae kapag nag-iinom kayo?"
She swallowed. "Isa ko lang minsan."
Muli itong bumuntong hininga. "Alam mo ba na isa mo lang ding babae kanina?"
Lumapat nang tuluyan ang mga palad niya sa mesa. "Ang sabi niya ay ipapakilala niya ako sa parents niya kaya ako nagpunta ro'n."
"Pero ang sabi mo rin ay isang oras ka pang nanatili roon kanina bago naganap ang habulan at pagtatangka. Kung may masama ka nang kutob at hindi natuloy ang pagpapakilala sayo, bakit hindi ka umalis kaagad?"
Her eyes blinked as anger rose from her chest. "Are you serious right now? Sinasabi mo bang choice kong mag-stay at ipahamak ang sarili ko?!"
"Miss Mercado, wala akong sinasabing gano'n. Ang nais ko lang maintindihan ay bakit hindi ka pa umalis noong may pagkakataon ka kung pakiramdam mo pala ay may hindi tama sa nangyayari—"
"Because I trusted them dahil ilang beses ko na silang nakasama sa inuman pero wala silang kahayupang ginawa!"
"Iyon na nga, Miss Mercado. Bakit ka kasi nakikipag-inuman sa mga lalake lalo kung isa mo lang na babae?"
She laughed, iyong tawa na hindi makapaniwala. Her back even rested on her seat as she watched the lady officer's poker face. Nang hindi na nakapagpigil ay naikuyom niya nang tuluyan ang kanyang mga kamao kasabay ng paglamig ng kanyang ekspresyon.
"You know what? Maybe this is the reason why some victims of abuse are scared to seek help. Kasi nabiktima na sila, kung tanungin pa sila ay parang sila pa rin ang may kasalanan." Tumindig siya at pinunasan ang kanyang mga luha. "Just because I put myself in that situation doesn't mean I also permitted them to harass me. Magkaiba ang desisyon kong magtiwala sa desisyon nilang sirain ang tiwala ko. Sana wala kang anak na babaeng naliligaw rin ng landas o nagrerebelde nang hindi siya mapunta sa sitwasyon kong ito kung saan ipinamumukha mo sa aking kahit saang anggulo ko tignan ay ako ang may kasalanan dahil lang ako ang nagtungo roon."
"Alam mo, Miss Mercado bilang babae, responsibilidad nating protektahan ang mga sarili natin. Kung alam mo na delikado, huwag kang tumuloy. Kung alam mong mababastos ka, iwasan mo. May mga kaso kaming natatanggap na ang babae ang nagpi-frame up sa mga lalake. Maayos ang pamilya ni Mr. Tuazon kaya kita kinakausap nang malaman natin kung ano talaga ang puno't dulo. Hindi kita hinuhusgahan gaya ng pinaparatang mo."
Her teeth gritted. "I can't believe I'd hear those words from a fellow woman. What a shame..."
Tuluyan niya itong iniwan at masama ang loob na lumabas ng silid. Naiintindihan na niya ngayon. Maraming takot magsumbong kapag naaabuso dahil parang kasalanan pa nila na nangyari iyon. Nagkamali siyang nagtungo siya roon pero hindi ibig sabihing kasalanan na rin niyang ninais siyang pagsamantalahan.
Sino ang matinong taong nanaising maabuso? Hindi siya makapaniwalang dahil lang maayos ang records ni Benz at siya itong suki ng presinto dahil sa gulo at inom, wala na siyang pagkakataong maging biktima.
"What happened?" bungad ng kanyang tiyo Melchor nang salubungin siya paglabas niya ng holding room.
Galit siyang nagpunas ng luha. "Wala ho tayong mapapala. Ako pa ang pinalalabas na may kasalanan."
Gumuhit ang matinding galit sa mga mata nito. Nang muntik nang mag-amok ang kanyang tiyo, kinaladkad na lamang nila ni Arevalo si Melchor palabas upang hindi na magkagulo pa.
"Let me take care of it, Ninong aalamin ko anong nangyari. Relax lang kayo. Ang mabuti pa siguro ay umuwi na muna kayo ni Tammy. Pauwi na rin naman si Armani para asikasuhin 'to dahil wala sa bansa ang parents namin kasama si kuya Arvind," ani Arevalo.
She sniffed ang shook her head. "Gusto kong puntahan si Argus. Kasalanan ko naman bakit siya nabugbog. Siya ang tinawag ko dahil nagpa-panic na ako at siya ang una kong naisip kahit na hindi naman 'yon marunong makipag-away. Ni hindi nga ata marunong sumuntok kahit mahina."
Arevalo sighed. "He doesn't like hitting back people. Iyong away nga lang nila ni Arvind ang sama na ng loob niya na nagawa niyang makipag-away. You know my baby brother. He's definitely a baby up until now."
She sighed and swallowed the lump in her throat. "I'll see him and apologize for what happened." Tumingin siya sa kanyang tiyo. "Pakitignan niyo na lang po si Lolo. Pasensya na po kung naabala ko pa kayo wala rin pala tayong mapapala."
Lumambot ang ekspresyon ng kanyang tiyo. "It's not your fault I failed to protect you, Tammy..."
Napariin ang lapat ng kanyang mga labi dahil sa nahimigang lungkot sa tinig ng kanyang tiyo. Great. Now they have more reasons to tie her in this province. Lalong hindi na siya papayagang mag-aral sa ibang lugar o magtrabaho man lang.
"Pakihatid na lang po ako sa ospital, tiyo kung pwede."
Tumango na lamang ito at giniya siya patungo sa sasakyan matapos makapagpaalam kay Arevalo. Hindi na siya umimik pa habang nasa byahe kahit na ramdam niya ang kagustuhan ng kanyang tiyo na makausap pa siya.
Nang malapit na sa ospital, tuluyan itong bumuntong hininga at binasag ang katahimikan sa loob ng sasakyan. "Gusto ko lang malaman mo na naniniwala ako sayo, Tammy at hindi ako titigil hangga't hindi ko napagbabayad ang mga lintik na gumawa nito sayo. Hindi mo man maintindihan kung bakig ka binibigyan ng curfew o pinaghihigpitan, sasabihin ko pa rin. May mga taong mapagkakatiwalaan mo dahil pakiramdam mo ay hindi ka nila kailanman tatarantaduhin, pero responsibilidad din naming siguruhing hindi ka makikitaan ng sinoman ng butas o kapintasan para lang basta ka na lang tarantaduhin. It is not our choice to be abused, but it is our responsibility to also prevent abuse from happening."
Napatingin siya rito at inis na kinuyom ang mga kamao. "My bad reputation is not a ticket for anyone to abuse me!"
"Tammy, that's not what I'm saying—"
"Iyon 'yon, tiyo! Dahil lang masama ang tingin sa akin ng lahat, hindi ibig sabihing pwede na akong bastusin nang gano'n!"
"Calm down, hindi mo ako kaaway, anak—" Napahinto ito bigla at naiwas ang tingin kasabay ng paglunok nang huminto ang kotse sa harap ng ospital. "We don't have to fight over this. Trabaho kong pangalagaan ka dahil hindi mo iyon kayang gawin mag-isa sa lahat nang oras. From now on, I will pick you up at school. I need to track your phone and know where you're going kapag aalis ka. I will monitor you—Tammy!"
Galit siyang nagmartsa palabas ng kotse at dire-diretsong pumasok sa loob habang pigil ang kanyang mga luha. That's it? That's their solution? Ang mas paghigpitan siya? Eh 'di parang mas pinamukha lang na siya kasi ang pakawala kaya iyon nangyari!
She wiped her tears and stormed towards the room Arevalo mentioned. Umaasa siyang kapag nakausap na si Argus, kahit paano ay gagaan na ang kanyang mabigat na pakiramdam. His presence heals her so much that she felt wounded in the passed six months that they didn't see each other after she chose to cut their communication from preventing his girlfriend from getting jealous of her.
Ngayon lang... Kahit ngayon lang, gusto niyang makimudmod ng oras para makasama ito dahil hindi niya na talaga kaya ang bigat ng kanyang pakiramdam ngunit nang makapasok siya sa loob at nakita niya si Dawn na nakaupo sa gilid ng kama ni Argus habang hawak nakapatong ang isang braso ni Argus sa hita nito, parang sinuntok ang kanyang dibdib. Mayroong pinag-uusapan ang dalawa na nakakatawa, at sa mga mata ni Argus, napansin niya ang kakaibang saya.
Saya na hindi dahil sa kanya kun'di dahil sa girlfriend nito...
Napatingin sa kanya ang mga ito, at nang makita niya ang paglamlam ng mga mata ni Argus dahil sa pag-aalala, para siyang sinampal ng katotohanan.
Dawn can give him happiness and peace of mind because Dawn is a well-mannered, very graceful and classy woman. Habang siya? Puro na lang sakit ng ulo at problema ang kaya niyang ibigay o idulog kay Argus.
While Dawn is the breath of fresh air for Argus, she is the toxic air that suffocates him and sucks the life out of him... at ang sakit-sakit no'ng isipin.
She took in a sharp breath then flashed a bitter smile. "Thank you for saving me. Hindi na ito mauulit pa."
Tumalikod siya at nais na sanang lumabas nang magsalita si Argus. "Pwede ba tayong mag-usap man lang bago ka pa hindi na naman magparamdam?"
Nilingon niya ito, ngunit nang makita niya ang selos at lungkot sa mga mata ni Dawn na nakatitig kay Argus na nasa kanya ang buong atensyon, sumikdo ang kanyang puso.
Oras na kausapin niya ito, maaaring mawala rito si Dawn. He's going to lose such wonderful woman for a trash who's only good at making trouble. Kaya bago pa pumatak ang mga luha niyang dalawa ng nanikip na dibdib, basag na siyang ngumiti at umiling.
"I just came to say thanks and... good ridance..."