Kabanata 12

1662 Words
NANAMLAY kaagad ang mukha ni Argus nang bumukas ang pinto ng kanilang bahay at akala niya'y si Tammy ang dumating ngunit si TJ Romani pala. Naging kaibigan niya ito noon dahil sa isang musical piece na ginawa noon ng ina nito para sa kanyang lolo at lola sa wedding anniversary ng mga ito. Nagkakilala rin ang mga Reino De Alba at ang tiyahin ni Dawn dahil sa mga magulang ni TJ nang minsang atakihin ang kanyang lolo at ang nakapagligtas ng buhay nito ay ang tiyahin ni Dawn na isang mahusay na doktor. Tinawag na niya si TJ dahil nang subukan niyang puntahan si Dawn sa eskwelahan nito para manuyo, nakatikim lang siya ng malakas na sampal at naakusahan pa siyang ginago niya lang ito. TJ smirked at him as if he was able to read his mind. Mas bata ito ng ilang taon sa kanya ngunit may mga pagkakataong tila ang pag-iisip nito ay lamang pa kaysa sa kanya. Nakapamulsa itong nagtungo sa kanyang tapat at umupo sa single-seater couch. Nang matitigan ang kanyang itsura, natatawa itong umiling-iling. "Puta, balita ko nagmukha ka raw kamote, ah? Kingina ka naman, tsong dapat sumuntok ka man lang kahit isa kakahiya ka naman maging tropapips niyan." Bumuntong hininga si Argus. "Paano naman ako susuntok kung ang dami nila? Baka kung bitiwan ko si Tammy ay mahablot. Nagtiwala na lang ako na makakarating ang kuya ko bago pa ako maubusan ng lakas." He reached for his mug of iced coffee to sip some. Nang dumating ang maid ay nag-request na rin siya ng meryenda para kay TJ. "Balik tayo sa usapan tutal wala pala kayong kwek-kwek." Umismid si Argus. "Hindi naman turo-turo ang kitchen namin, bro. Ikaw talaga." "Right. Hay, na-miss ko lang si misis kaya naglilihi na naman ako sa egg waffle." Nagkamot ng ulo si TJ habang nakangisi. Mayamaya ay huminga ito nang malalim saka humawak sa magkabilang arm rest. "Magkalinawan lang, parekoy. Itong Tammy ba ang dahilan bakit umaatungal ngayon si Bukang-liwayway?" Napaiwas siya ng tingin. Noong araw na nagpaalam sa kanya si Tammy, muntik niya nang makalimutang kasama niya sa kwarto si Dawn. Nagpumilit siyang tumayo at humabol kay Tammy kahit na halos hirap siyang maglakad. Dawn slapped him hard and cried. Nang matulala siya kay Dawn, galit nitong pinunasan ang mga luha nito at sinabing kung mahal niya naman pala si Tammy ay dapat hindi na niya ito niligawan pa dahil lang alam niyang may gusto ito sa kanya. He feels guilty but... he knows the bigger reason why he feels heavy these passed weeks is because of Tammy's goodbye. Pinakawalan niya ang mabigat na hangin sa kanyang dibdib. "She's a friend of mine. Kaibigan ko lang at... hanggang doon lang." Natatawang hinilamos ni TJ ang palad nito sa mga mata. "Hay, buhay ano? Hirap kapag involved kaibigan. Puta, relate ako diyan. Ang lamang ko lang, ako pinili ng kaibigan." Ngumisi ito. "Magbihis ka at bibitbitin kita pagbalik ko sa ospital kung nasaan si daddy. Papapuntahin ko kunwari si Dawn nang magkausap kayo. Madali lang masuyo 'yon si Bukang-liwayway. Ipaliwanag mo na lang. Kung ako sayo, huwag mo na lang ding kokontrahin at lalo lang 'yong mag-iisip nang kung ano. Huwag na huwag mong gagalitin kasi alam mo, iyong mga Lindstrom, kung hindi ka nalumpo ng mga nakaaway mo, sa mga 'yon pre solid. Tulog ka kahit hindi ka inaantok. Hindi naman sa tinatakot kita pero alam mo na? Concern lang. Mabuti na lang talaga paborito akong manugang hindi ko dinanas 'yang mga suntok na ganyan pero feeling ko ikaw matitikman mo kaya..." Ngumisi ito nang nakakaloko. "Mag-insurance ka na ngayon pa lang." Napakamot siyang patilya sa mga pinagsasabi nito at imbes na sumagot, tumayo na lamang siya upang magbihis nang makasabay na siya kay TJ patungo ng Maynila upang muling manuyo. Uunahin na muna niyang ayusin iyong sa kanila ni Dawn bago siya makipag-usap kay Tammy. Hindi siya papayag sa pagkakataong ito na maputol ang pagkakaibigan nila nang gano'n-gan'on na lamang. YAKAP ang teddy bear na regalo noon ni Argus, tahimik na lumuluha si Tammy habang panay ang pag-alingawngaw ng kanyang phone dahil sa mga chats at tawag ni Argus. Her heart has been in so much pain since she bid her goodbye to Argus, ngunit mas sumakit pa ang dibdib niya matapos makita kaninang umaga ang IG post ni Dawn Lindstrom kagabi. The two are officially back together... at kahit anong panloloko ang gawin ni Tammy sa kanyang sarili, nasasaktan pa rin siya. She knew the pain she's feeling isn't right. Dapat siya pa nga ang unang matuwa, hindi ba dahil ito naman ang gusto niya. Ang hindi mawala kay Argus ang babaeng alam niyang nararapat para rito. She could never forgive herself if he's going to let Dawn slip away just because of her. Masyado na siyang maraming problemang dinala sa buhay ng mga tao sa paligid niya kaya hangga't maaari, gusto na niyang dumistansya. Suminghot siya at tuluyan nang pinatay ang kanyang phone. Makukuntento na lamang siya ngayon sa teddy bear na bigay ni Argus pati na sa music box na pinakikinggan niya tuwing nami-miss na niya ito. She shut her eyes and tried to sleep while listening to the loud thunders and heavy rain outside, but when the maid knocked on her door and told her that Argus is outside, begging to talk to her, Tammy's heart battled against her mind again. Sa huli ay nagwagi ang lintik niyang puso. Bumangon siya at tuluyang lumabas. Nang makita si Argus na nakasandal sa kotse nito, nakayuko ang ulo habang hindi alintana ang buhos ng ulan kahit walang payong, sumikdo ang kanyang puso. She breathed out the heavy air inside her lungs then walked towards him while holding tightly on her umbrella. Nang mapayungan na niya ito, unti-unting umangat ang ulo ni Argus upang salubungin ang malamlam niyang mga mata. "Pwede na ba tayong mag-usap?" may pagsusumamo sa tinig nitong tanong. Tammy swallowed the lump in her throat then nodded. Pinapasok siya nito sa loob ng kotse at tuluyang sumakay sa driver's seat. They went out for an evening ride while the heaven is crying on her behalf, at nang marating ang harap ng saradong carnival, tuluyang itinigil ni Argus ang kotse. They didn't speak for a few moments as if they're both collecting their thoughts. Nang mapatingin siya rito ay saktong nagawi rin sa kanya ang malamlam na mga mata ni Argus. Her heart suddenly went wild when Argus held her by her nape and kissed her on her forehead. Sumara ang mga mata nito at hindi kaagad inalis ang pagkakalapat ng mga labi sa kanyang noo habang humuhugot ng malalim na hininga. Tammy had to purse her lips together when Argus gently rubbed the tip of his nose on her temple as he swallowed. "We cannot be like this just because we're in a relationship with someone. Hindi pwedeng basta lang natin itapon ang pinagsamahan natin, Tammy. Ang tagal na nating magkaibigan," he uttered in a husky voice as if he's having a hard time controlling his emotions. Nilunok niya ang namuong bara sa kanyang lalamunan. "Ayaw ko lang masira kayo ni Dawn dahil sa friendship natin. I may be a b***h but... I'm not ready to see you lose someone whom you can share forever with." Nadama niya ang magaang paghaplos ng hinlalaki nito sa likod ng kanyang tainga. "But what about us? Can't we stay friends forever, Tammy? Should we really go our separate ways? Are we really ready to abandon our home?" He drew in a sharp breath. "I've been homeless for months already. I just... wanna come home to my comfort person. Naiintindihan naman na ni Dawn. Alam niya naman na hanggang magkaibigan lang tayo..." That last line broke her heart even when she's the one who clearly established their boundary. Hindi niya tuloy naiwasang tanungin ang kanyang sarili. Is she distancing herself to protect his relationship with Dawn or... she's shielding her own heart from getting broken? She's been homeless in the past months, too, and being with Argus right now feels painful but still comforting. Her heart is bleeding but it's still peaceful, yet now that he's telling her that Dawn would understand, bakit parang takot pa rin siya? What is she really afraid of? Her heart screamed the answer to her obvious question, but her mind blocked it to save herself from breaking down. Huminga siya nang malalim at pilit nginitian si Argus nang umayos na ito ng upo habang nakatitig pa rin sa kanya ang tila nagsusumamo nitong mga mata. "I don't think it's a good—" "I'll know my limits." His hand held her arm. "I'll make sure she'll see the difference between you and her just please... don't quit on me, Tammy. Kasi kung ikaw kaya mong itapon, ako ay... hindi talaga. I can't... give up on us. On... our friendship... Kasi iyon na nga lang ang mayroon tayo tapos ay... itatapon pa..." Sumikip ang dibdib niya nang husto. Why? Why did he sound like he's not happy that they're only friends? Hindi ba dapat naman talagang hanggang doon lamang sila? They're out of each other's leagues for her to ever think they'd somehow work as a couple. She's too damaged, too rebellious for him. He'd never consider it, right? Lalo bumalik naman ito kay Dawn... Argus' eyes twinkled with so much sadness. "Please?" He drew in a sharp breath. "Can we just come home already and put an end to this misery? Kasi nahihirapan na ako, Tammy..." Her eyes stung. "Argus..." "Kaibigan lang." His thumb gently stroke her arm. "Hanggang kaibigan lang..." Nagtalong muli ang kanyang isip at puso habang pigil na pigil niya ang kanyang sarili na maiyak, ngunit kahit anong protesta ng kanyang isip, hindi na nakinig ang kanyang puso. Fine. Kung pwedeng makimudmod na lang bilang kaibigan, sige na magpapakatanga na siya. Handa na siya... Huminga siya nang malalim saka unti-unting ngumiti bago tuluyang nagsalita. "Let's... go home then, Argus..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD