NAUPO si Tammy sa tabi ng halatang problemadong si Armani. Sinama siya ng kanyang tiyo Melchor sa bahay ng mga Reino De Alba matapos nilang magkaayos kinabukasan magkatapos nilang mag-usap ni Argus. The past few weeks since she and Argus got back to having constant communication again, the weights she was feeling had finally been lifted.
"What's up, boss?" biro niya sa kaibigang naging sandalan niya rin kahit paano noong mga panahong hindi niya nakakausap si Argus.
Armani let out a heavy sigh. "I'm losing interest in law school. Pakiramdam ko ginagawa ko na lang 'to to please my parents."
Umismid si Tammy. "My uncle always says that we have to know what will make us want to chase our dreams. We need something or someone who will motivate us to do better, to make ourselves proud. Sabi niya noong nahanap niya ang kanya, doon siya nagpakatino sa buhay. Sino o ano ba ang iyo?"
Sandali itong natigilan at mayamaya ay tumingin sa kanya. She c****d her brow at him, wanting him to spill the tea she's craving to know but Armani just looked away as if he's got no plans to tell her anything. Sa huli ay bumuntong hininga na lang ito at hinagod ang palad sa buhok.
"I'm sorry if I wasn't here when the incident happened. Lagi na kitang pababantayan, Tammy. Kung wala man ako rito, I'll make sure some people will keep an eye on you so you won't get into trouble again." Ngumiti ito at ginulo ang kanyang buhok. "I got your back, Tammy just don't give me headaches."
Napangiti si Tammy sa narinig. Mayamaya ay sinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ni Armani saka siya humikab. "Grabe, ang baho ng net. I'm so proud of myself I didn't puke."
Armani chuckled softly. "May hangganan naman pala ang kaartehan natin."
She spat his arm while grinning. Masyado siyang kumportable kay Armani marahil dala na rin ng kaalaman na hinding-hindi naman ito magkakagusto sa kanya. She's free to joke around and tell people she's into Armani because there's zero chance that he's going to like her.
Hindi katulad ng sa kanila ni Argus...
Saktong ginugulo ni Armani ang kanyang buhok nang pumasok ng bahay sina Dawn at Argus. Argus was laughing about something Dawn told him, but the moment he saw what's happening at the living room, his wide grin slowly faded. Nang tignan ito ni Dawn ay napansin ni Tammy ang pagtamlay ng mga mata ng girlfriend ni Argus.
Argus took in a deep breath before he flashed a fake smile. "Kuya, mag-stay si Dawn dito ng isang araw kasama si Trejah. They'll use Arida's room if... that's okay."
Napabaling si Tammy kay Armani. Arida is very precious to Armani. Bunsong kapatid ito ng mga Reino De Alba, at tila kahit pitong taon na itong patay, hindi pa rin nakakalimot si Armani, lalo na si Arevalo na hanggang ngayon ay sinisisi ang mga magulang ng mga ito kung bakit namatay ang bunsong kapatid. Magmula rin nang mawala si Arida, naging hands on na ang mag-asawang Reino De Alba sa mga anak lalo na kay Argus na sinasabing may pinakamahinang loob.
Tammy doubts that. Argus may not be physically tough like Arevalo, Armani and Arvind but he has a very strong personality. His mind and his heart are his best assets anyway.
Lumunok ang yumukong si Armani. "Iyong... kwarto ko na lang. Baka... doon sa kwarto rin ni Arida matulog na naman si Arevalo kung malasing mamaya. Alam mo naman kapag nandito kami sa bahay. Hindi maiiwasan ang inuman." Tumingin ito sa kanya. "Are you going to drink tonight?"
Tammy smiled and tried to ignore Argus' warning stares. "Sure. Kayo naman ang kasama, 'di ba? Hindi mo naman ako pababayaan."
"Oo naman. You're safe here, Tammy hindi rin ako masyadong iinom ngayon." Tumikhim ito at tumingin kay Argus at Dawn. "Since gagamitin nina Tammy at ninong Melchor 'yong dalawang guest room, ako na lang ang matutulog sa kwarto ni Arevalo mamaya. You wouldn't want the girls to stay at his stinky room," biro nitong kinatawa nila lalo nang makitang pumasok ng sala si Arevalo galing sa gym ng bahay.
"You motherfuckers really love to backstab me. Palibhasa..." He sneered and glanced at Dawn. Sandaling nagkatitigan ang dalawa bago tumikhim si Arevalo at bumaling kay Tammy. "Solve na problema sa mga gago. We just have to find out kung sino 'yong boss na sinasabi nila. Looks like someone ordered the harassment. Malaki yata ang utang na droga ng mga gunggong na 'yon sa boss nila at ang utos ang kabayarang hiningi."
Napakunot ng noo si Tammy saka sila nagkatinginan ni Argus. Mayamaya ay napalunok siya nang makita kung papaanong dumilim ang ekspresyon ni Argus dahil sa binalita ng kapatid nito.
"Will you take care of Tammy's case, kuya?" seryosong tanong ni Argus.
Arevalo nodded. "Nag-usap na kami ni Ninong."
"Good." Kinuha ni Argus ang kamay ng girlfriend nito saka naglakad patungo sa hagdan habang nagsasalita. "Because I'm going to include myself in your team. There's no way they'll get away with it..."
MALUTONG ang tawanan sa may pool area ng mansyon ng mga Reino De Alba dahil sa mga kalokohang biro ni Arevalo. Argus and Dawn refused to drink but they still sat on the table with them to bond with them. Halatang na-miss rin ni Argus ang mga kapatid nito kaya panay na rin ang sabay nito sa biro ng kapatid.
They all got tired because they went horseback riding earlier. Magkasama sila ni Armani sa iisang kabayo kanina at nag-uusap tungkol sa mga plano niya oras na payagan siyang mag-aral sa Maynila. They even talked about her uncles plan to offer the hacienda as an extension for the ranch Armani and his brothers are planning.
Their topics are so casual. Sadyang kumportable lang sila ni Armani dahil alam nilang hindi nila magugustuhan ang isa't isa kahit na magyakapan pa sila maghapon. There's just no spark at all. Not even a slight shiver or a broken butterfly inside her belly. Kaya malaya rin siya na makipagbiruan dito, ngunit nang makauwi sila kasama ang mga kasama, napansin niyang iba na ang timpla ni Argus.
Tammy grabbed Armani on his nape so she could whisper him something after she remembered when Arevalo once fell on his face and just dozed off on the pool side after getting too drunk. Nagtawanan sila ni Armani dahil sa kanyang sinabi ngunit nang mapatingin siya sa direksyon ni Argus, napansin niyang madilim na ang ekspresyon nito habang nakatutok sa kanila ni Armani ang malamig nitong pares ng mga mata.
Napatikhim siya sandali nang sikuhin siya nang mahina ni Armani upang sabihin niya ang tinawanan nila. Parang bigla siyang naaligaga dahil sa dilim ng tingin ni Argus lalo nang ipatong ni Armani ang braso nito sa sandalan ng kanyang upuan. Gosh, if Argus' eyes were lazer beams, baka na-barbeque na ang braso ni Armani lalo na noong kinalabit pa siya nito at nginisihan upang buyuin siyang asarin si Arevalo.
Napansin niyang napadampot bigla si Argus ng beer na kabubukas lang ni Arevalo para sa sarili nito kaya nang maisara ni Arevalo ang ice box at nakitang iniinom na ni Argus ang beer, napaawang ito ng mga labi.
"Lintik ka, kanina ko pa 'yan pinalalamig!"
Armani and Arvind laughed. Maging si Dawn ay natawa sa reaksyon ni Arevalo ngunit simpleng pilit na ngisi lang ang sinagot ni Argus. Hindi tuloy maiwasang magtaka ni Tammy. Anong nangyayari sa loko-lokong ito eh hindi naman ito umiinom?
"Why are you drinking?" wala na sa sarili niyang tanong saka ito tinaasan ng kilay. Nakalimutan niyang nasa tabi lamang nito ang girlfriend na si Dawn.
Argus moved his jaw while staring coldly at her. "Wala namang nagsabing bawal, Tammara."
Napaawang siya ng labi at nang makabawi, naningkit ang mga mata niya rito. "Really now, Saint Argus? Akala ko ba first honor tayo sa langit, hmm?"
Bumuhanglit ng tawa ang siraulong si Arevalo. He even whispered something to Dawn until the two finally engaged into a conversation Tammy didn't like at all. Kilala niya si Arevalo. Kabisadong-kabisado na niya ang mga galawan nito, at alam niyang ang mga tinging ibinabato nito ngayon kay Dawn, hindi lang dahil best friend nito si Bucky na nakatatandang kapatid ni Dawn.
Argus jugged the beer even more while staring at her. Aba'y inirapan pa nga siya! Ano bang problema ng mokong na ito at daig pa ang nireregla?
"Iihi lang ako sandali, Argus at titignan si Trejah kung gising pa."
"She's probably awake. Hindi 'yon basta lang makakawala kay mommy, Scarlette," ani Arevalo na ang binanggit ang first name ni Dawn na ang alam nila ay ayaw nitong nagagamit... ngunit bakit parang wala man lang rito nang iyon ang itawag ni Arevalo?
Tumango ito at tinapik sa balikat ang lumalaklak ng beer na si Argus. "Pasok lang ako sandali. Inaayos pa pala ang toilet diyan sa shower room."
"Sige lang," simpleng sagot ni Argus na nakapagpataas lalo ng kilay ni Tammy.
Nang makaalis si Dawn, pinaningkitan niya nang tuluyan ng mga mata si Argus. "Bakit tinotopak ka diyan?"
Argus glared at her. He freaking glared! And the next thing he said almost made her heart jump out of her chest.
"I'll get inside now before I could even speak the words I'm not supposed to say. Kakauwi ko lang. Hindi ko hahayaang mapalayas kaagad ako dahil lang naiinis ako..."