Kabanata 14

1753 Words
HINDI nakagalaw kaagad si Argus nang maabutan si Dawn na nagbibihis na kasama ang kapatid ni TJ na si Trejah. Dis oras nang gabi kung tutuusin ngunit base sa pag-aayos ng dalawa ng mga gamit, alam niyang balak na ng mga itong umuwi. "Dawn?" he called. Napatingin ito sa kanya at basag na ngumiti. Kumunot naman nang husto ang kanyang noo at ang mga paaniya ay tila ba napako na sa may pintuan. "What are you doing?" Dawn straightened her back then tapped Trejah on her shoulder. "We have to go, Argus. Something came up at kailangan umalis nina Trejah. Susunduin kami ni TJ. Papunta na rin siya rito." Tuluyan siyang humakbang palapit sa nobya at hinawakan ito sa siko. "Sasama ka na rin? I can drive you home tomorrow. Personal kitang hiniram sa inyo dapat personal din kitang ibalik." Sandaling umiwas ng tingin si Dawn at tila nag-isip habang nakikiramdam lamang sa kanila si Trejah habang nagsusuklay ito ng buhok. Nang tila makapag-isip si Dawn, muli siya nitong tinignan saka ito pilit na ngumiti. "Can we... talk, Argus?" Hindi niya alam kung bakit iba ang pakiramdam niya sa tono ni Dawn, ngunit imbes na ipahalatang nakaramdam na siya, nilunok na lamang niya ang kanyang laway saka mahinang itinango ang kanyang ulo. He headed towards the main balcony on the second floor. Nakabuntot lang naman sa kanya si Dawn hanggang sa makasandal siya sa railing. Nang humarap siya kay Dawn, sandali siyang natigilan nang walang anu-ano itong yumakap sa kanya kasabay ng paghugot nito ng malalim na hininga na tila mayroong napakabigat na bagay na nais na nitong maalis sa dibdib nito. Argus gulped and hugged her back. Yumuko siya at hinalikan ito sa tuktok ng ulo bago niya ito hinawakan sa baba upang patingalain, ngunit nang magtama ang kanilang mga mata, pakiramdam ni Argus ay nilamutak ang kanyang puso. He suddenly remembered how he acted when they were horseback riding. He kept staring at Tammy and Armani, silently wondering what the two were talking about. Maging ang hindi niya napigilang pagpapakita ng selos kanina sa inuman ay nagbalik sa kanyang isip. He realized that he f****d up big time today. Na siya ang dahilan kung bakit may lungkot ngayon sa mga mata ang girlfriend niya. "Dawn, I-" "Shh..." She cupped his face and tried to force a bitter sweet smile. "You don't have to deny it anymore, and I... won't either." Humugot ito ng malalim na hininga. "Tigilan na natin ang pagpapanggap, Argus, kasi pareho lang din nating pinahihirapan ang mga sarili natin." Lumamlam nang husto ang mga mata ni Argus nang haplusin ni Dawn ang kanyang pisngi gamit ang hinlalaki nito. "Dawn..." She tried to hide the pain through a wider smile. "It's... already obvious. We are... already obvious..." He shut his eyes and tried to draw in a sharp breath. "I didn't mean to make you feel this way. I'm sorry if I hurt you..." "Huwag kang mag-sorry, Argus kasi... kasalanan ko rin. Naging... paraan ko rin ang pagsagot sayo para takpan kung ano talaga ang nararamdaman ko, kung... para kanino talaga ang nararamdaman ko." She swallowed hard. "Noong una kong ipinost ang pictures natin, I was... hoping that Arevalo would at least be jealous. But I got so tired of him treating me as my brother's younger sister. I got so tired and when you courted me, I had hopes that maybe... maybe we'd fit more for each other because we can be both faithful unlike him and... unlike the girl you really like but... in the process of proving to ourselves that we're the perfect match, we became unfaithful to each other, Argus..." Gumuhit ang lungkot... at pag-amin sa mga mata ni Argus, dahil alam niya sa kanyang sarili na tama si Dawn. They tried to be loyal but deep down inside, he knew it will always be Tammy whom he could never afford to lose... at ganoon din si Dawn. Ni hindi nga siya nagselos nang makitaan ng pagkakaintindihan ang kapatid niya ang nobya niya. Mas nagselos pa siya kay Armani at Tammy, kasi maloloko niya ang lahat ngunit hindi kailanman ang kanyang puso. Argus pulled Dawn for a hug. Yumakap din ito pabalik, at sa ilang segundong nasa ganoong posisyon sila, hindi napansin ni Argus ang babaeng nakatanaw mula sa bintana ng guest room. Tammy was there, watching them but the room was too dark for him to even notice her. "Is this goodbye now, Dawn?" mahina niyang tanong. Humugot ng malalim na hininga si Dawn, at kasabay ng pagsinghot nito ay ang tuluyang pagtango. "Huwag na tayong maging selfish sa mga sarili natin, Argus. Sinubukan naman nating pareho 'di ba?" "Yeah... we did." "But it's not enough. Efforts could never surpass what we truly feel..." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya saka siya basag na nginitian. "I still don't regret spending several months with you. You're still the best boyfriend I had." Gumanti ng basag na ngiti si Argus kasabay ng pagkulong niya sa magkabilang pisngi ni Dawn sa kanyang mga palad. Nang halikan niya ito sa noo, halos sabay nilang isinara ang kanilang mga mata. This is them finally being true to themselves. This is them finally freeing each other from something they both know will not really last anymore. At masaya si Argus na isang mature na babaeng tulad ni Dawn ang una niyang naging kasintahan. Hindi man ang babaeng gusto talaga niya ngunit napakagandang karanasan ang maging bahagi ng buhay ni Dawn dahil kahit hindi nila lubos na minahal ang isa't isa, alam nilang kahit paano ay naging maligaya naman sila sa loob ng ilang buwan bilang magkarelasyon. He smiled at her and wiped her tears while she's smiling back at him. "We can still be friends, right?" He laughed softly. "Of course..." MADALING ARAW na ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Tammy dahil sa mga sinabi ni Argus bago ito pumasok kanina ng bahay. She knew she should just shrug it off but a part of her wanted to be selfish, even for once. Gusto niyang maging madamot at maging masaya kahit sandali, iyong walang raramdaming guilt oras na ikatuwa niya na tila nagselos si Argus. But on the back of her mind, there was Dawn. The perfect girlfriend who has the class, the wits, and the ability to keep Argus happy all the time. Habang siya? Saan ba siya mahusay? Sa gulo? Sa pag-disappoint sa pamilya niya? Sa pagsira sa buhay ng mga tao sa paligid niya? She doesn't want to compare herself to Dawn anymore because the truth will always slap her. She acts like a queen bee who has it all when the truth is she lacks everything. She tries to portray this perfect and strong Tammara Mercado so people could not see how damage she is. She bullies her sister because she's terrified that Teissa would realize how better she is than her older sister. Puro lang pagpapanggap at pagtatakip sa tunay na Tammy ang lahat, ngunit sa kabila ng mga iyon, isang tao ang nagawang makita ang tunay na siya. Si Argus lang... Si Argus na ngayon ay natatanaw niya nang kayakap ang nobya nito sa may balkonahe. Si Argus na hinalikan ang girlfriend nito sa noo saka tila may napakagandang bagay na sinabi. Her heart suddenly bled yet she couldn't even stop herself from watching Dawn and Argus from where she's standing at. Para na siyang napako roon at ang kanyang mga mata, ni hindi niya na yata magawa pang ikurap dala ng labis na paninikip ng dibdib niya. Bakit kasi ganito siyang uri ng babae? Bakit hindi na lang siya naging kasing hinhin ni Teissa? Kasing talented at classy ni Dawn? Bakit hindi siya naging maka-Diyos tulad ni Mary? Why does she have to be the Tammy who's only good at ruining her own life? Bakit? Her tears finally fell when Argus cupped Dawn's face. Nang yuyuko na ito at mukhang hahalikan ang girlfriend nito, doon lamang nagawang isara ni Tammy ang bintana upang maisalba ang sarili niya mula sa sakit, pero... naisalba niya nga ba? Kasi kung oo, bakit hindi niya na nagawa pang ihakbang ang mga paa niya patungo sa kama? Sa kinatatayuan niya pa lang, nawalan na ng lakas ang kanyang mga binti upang manatiling nakatindig. She sat on the floor and hugged her knees with one arm while she used her other hand to cover her lips as she sobbed. Masakit na masakit, at hindi niya mapatahan ang sarili. Iba pa rin pala kapag nasasampal na siya ng katotohanang kahit kailan talaga, hindi sila magtatagpo sa gitna. Either way, she will always stay hurting. Kung itutulak niya ito palayo, masasaktan siya. Kung hindi naman, masasaktan pa rin siya dahil alam niyang hinding-hindi siya magiging sapat para sa isang tulad ni Argus. She wiped her tears and was about to stand up when she sawthe door opened. Nang makita kung sino ang pumasok ay agad na iniwas ni Tammy ang kanyang tingin. Arvind sighed as he walked towards her side. Naupo ito sa tabi niya at bigla siyang hinapit upang hayaang umiyak sa dibdib nito. "Cry. Cry all you want." She sniffed and tried to push him away. "We're still not okay. I still hate you for telling bad things about me." Umismid ito. "So trying to help you cut off your brewing romance with my innocent brother was a bad thing, Tammy? Hindi ba dapat mo pa akong pasalamatan?" She glared at him, but somehow, she realized he might actually be right about it. Nang hindi siya nakasagot, muli siyang pinasandal nito sa dibdib at marahang tinapik-tapik ang kanyang likod. "I'm sorry, alright? Kaibigan mo ko, Tammy. Kahit kailan hindi naman kita tatraydorin. I just want to keep you and Argus from going down a road you both might regret taking together." She sniffed. "I know. Shut up now." Arvind sighed and hugged her tighter to comfort her. Little did Tammy know that right when Arvind whispered something a little louder on her ear, papasok na pala sana si Argus, ngunit dahil sa nakitang eksena sa loob ay hindi na lamang tumuloy pa. When Argus left, Arvind slightly loosen his hold on her. "Youll be here on my birthday, right?" "Beech, please. That's still six months from now." Ngumisi ito nang makahulugan. "I know. I just wanna make sure you'll be here." He pushed the few strands of her hair towards the back of her ear. "I can't let my most special guest miss my best birthday ever..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD