MATALIM na tinignan ni Tammy ang kapatid na si Teissa nang makita niya itong sumilip sa pinto. Nang makita pa lamang siya ng kapatid ay halos namutla na kaagad ang maamo nitong mukhang hangga't maaari sana ay ayaw niyang basta nakikita.
It irritates her because she knew Teissa will always be the better one. When she once found Teissa's drawings of Armani, she ruined it because she felt like Teissa will also steal her best friend. Hindi pa ba sapat na narito na ang atensyon ng lahat?
"What?" mataray niyang tanong dito nang maibaba niya ang kanyang OJT uniform ng nursing. Huling taon na ito at next year, pwede na siyang pumasok ng medical school at mag-aral maging doktor. Siguro naman hahayaan na siya na magtungo sa Maynila kung sakali.
"Uhm... ate..." Nagkamot ito ng patilya habang nakayuko. Mayamaya ay muli siyang sinulyapan ngunit dahil tinaasan niya ng kilay ay agad ding yumuko.
Napatiklop si Tammy ng kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. "Are you here to waste my time? Again?"
Mabilis na umiling ang labing-walong taong gulang niyang kapatid. Mayamaya ay lumapit ito sa kanya at kinuha ang kanyang kamay upang ilagay ang nakatago sa likod nito kaninang sobre. Nang tingalain siya ni Teissa, sinubukang salubungin ng natatakot nitong mga mata ang kanyang mataray na titig.
"Kasi... naghihigpit si lolo sayo. Ang sabi ni Manang ay... binawasan ang allowance mo para hindi ka makagala pagkatapos ng OJT mo. Inipon ko, ate baka... hindi ka kasi sanay na bawas ang... baon mo."
Iyon lang ang sinabi nito saka na halos takbuhin ang distansya mula sa kanya patungo sa pinto. Napatulala naman si Tammy sa kapatid, ang dibdib ay halos sumikip nang husto.
Nang tuluyang lumapat ang pinto ay napaupo nang tuluyan si Tammy sa gilid ng kama. Tinitigan niya ang sobre at matapos lunukin ang barang namuo sa kanyang lalamunan, binuksan niya ang maliit na sobre.
Different bills were inside, probably around five thousand pesos in total, at sa loob din ng sobre ay may nakatiklop na maliit na note kung saan mayroong isinulat ang kanyang kapatid.
"Mag-iingat ka sa first day ng OJT mo, ate. Ang ganda-ganda mo sa uniform mo. Sana makapag-picture tayo para malagay ko sa kwarto. Proud na proud ako sayo, ate kahit hindi ka pa ganap na nurse. I love you, ate Tammy. Sana maging close na tayo."
Her chest tightened and her tears begin to form. How dare that girl make her feel this way?! Dapat ay galit siya. Dapat ay wala siyang maramdamang awa o ano pa man. Her anger is her only defense, but Teissa's softness is ruining her defense effortlessly kaya nga ayaw niyang nabibigyan ang kapatid ng pagkakataon na makausap siya nang maayos. She keeps on pushing Teissa away not just because she hates her but because Teissa is too good to be her sister. Napakalayo nila at habang tumatanda si Tammy, napagtatanto niya na ang galit niya ang naging paraan niya upang itago ang katotohanan.
She's terrified that one day, Teissa will see how weak she really is... and her sister will get disappointed, too. Teissa's the only one looking up to her now despite her bad reputation. Takot siyang lubusang makilala ng natitirang taong inosente ang pagtingin sa kanyang pagkatao.
That will surely bruise her stupid little sister, at sa kabila ng sama ng ugali ni Tammy, a part of her wanted to protect Teissa's heart. Maybe that's why she didn't want Teissa to entertain her feelings for Armani, too. Hindi lang dahil para siyang aagawan ng kaibigan, kun'di dahil alam niyang sa kabila ng lahat, Teissa's heartbreak will be her heartbreak, too.
She just doesn't know how to be a big sister. She doesn't know how to show compassion. No one really prepared her for the job, and maybe that's what made her want to leave even more. Because her greatest failure is... failing to be the ideal sibling to Teissa.
Nilukot niya ang papel at sinara ang envelop bago siya lumabas upang hanapin si Teissa. She doesn't need her savings. Kaya niyang magtiis. Ayaw niyang bigyan ng pag-asa ang kapatid niyang darating ang araw na magiging maayos sila dahil alam ni Tammy sa kanyang sarili ang totoo.
She's too damaged already to even have the chance to become better. She will only disappoint Teissa, at baka kung ito na ang mamuhi sa kanya, maging bato nang tuluyan ang kanyang puso.
Pinuntahan niya ang silid nito ngunit wala si Teissa roon kaya nagsimula siyang maglibot, ngunit nang mapadaan sa study room ng tiyo Melchor niya at nadinig niya itong kausap ang kanyang lolo tungkol sa isang planong kasal, sandaling napahinto si Tammy at nagtago upang makinig.
"Nagkapirmahan na kami. Nangako siyang ibabalik sa atin ang Hacienda kung sakaling si Teissa mismo ang humingi ng annulment."
Parang umakyat lahat ng dugo ni Tammy sa kanyang ulo. Tama ba ang narinig niya? Teissa is... getting married of to someone?
Her teeth gritted as anger rose from her chest. Nang pabalang siyang pumasok ay halatang nagulat ang mga ito lalo nang makita ang matinding galit sa kanyang mga mata.
"Tammy—"
"Ipinagkasundo ninyo si Teissa para sa Hacienda?" putol niya sa kanyang tito Melchor.
Bumuntong hininga ito. "It's not what you think—"
"Sagutin niyo ko, tiyo! Pinagkasundo niyo ba sa kung sinong poncio pilato ang kapatid ko para lang sa lugar na 'to?!"
"Tammy, tone it down baka mamaya—"
Pumatak na ang luha niya sa galit at nang subukan siyang hawakan ng kanyang tiyo ay hinawi niya ang kamay nito. Her eyes narrowed at him and her lolo, making sure they would see the fury in her pools.
"How dare you..." She fisted her hands. "Bakit hindi ako? Bakit hindi na lang ako?! Ako ang walang patutunguhan ang buhay! Ang dami niya pang pangarap! She's too innocent and fragile for marriage! She couldn't even let a freaking carabao get slaughtered!" Napahikbi siya sa galit... at awa sa kapatid. "Bakit ninyo kailangang traydorin nang ganito ang kapatid ko?!"
Lumamlam ang mga mata ng kanyang lolo. "Tammy, I had no choice. Si Teissa ang gusto—"
"You're so unfair! Akala ko noon ay sa akin ka lang magiging unfair pero hindi, Lo! Kung sa akin ninyo ito ginawa baka maunawaan ko pa pero... God, this is Teissa we're talking about! She's eighteen, for Christ's sake!"
"Tammy, kumalma ka muna," pilit na alo ng kanyang tiyo ngunit hinawi niya ulit ang kamay nitong sinubukang humawak sa kanya.
"No, Tito I had enough." She sobbed. "You are so unfair. Baka naman kaya ka ganyan, Lo kasi totoo ang chismis na narinig ko na hindi naman talaga ako anak ni daddy? Na iba ang nakabuntis kay mommy at inako lang ako ni daddy? You know how much that unfair treatment damaged me? Sobra, Lo. Pero may ginawa ba kayo? Wala. You have always been unfair to me. Why not be unfair to me now? Matitiis ko naman dahil matagal na kong nagtitiis!"
"Tammy, please—"
Her lolo bowed his head. "Hindi ka anak ni Marco, Tammy..."
Halos tumigil ang kanyang mundo. She was... only kidding. Walang chismis. She was just testing him but...
"W—What?"
Suminghot ito habang pilit kinakalma ang sarili. "Hindi kayo pareho ng ama ni Teissa—"
"Papa! Please, let me take care of this!"
Tumingin ito sa namutla niyang tiyo. "Melchor, huwag na nating ipagkait ang katotohanan..."
Parang nanghina nang husto si Tammy. Nawalan siya ng lakas na makinig pa sa mga ito. Nang mabitiwan niya ang sobre at sumabog sa sahig ang mga perang inipon ni Teissa, tuluyan siyang tumakbo palabas. Her heart banged so loudly as if it was dying and just trying to stay alive. Halos magkandalaglag na siya sa hagdan habang pababa upang umalis, at nang makasakay siya sa kanyang kotse, tuluyang pinaharurot ni Tammy ang sasakyan paalis.
She couldn't believe that it was the reason why she felt excluded. She couldn't believe that the reason why her lolo loved Teissa more was because... she's not a real Mercado.
Siya itong sampid na ang kapal ng mukhang magrebelde at makimudmod ng atensyon sa hindi naman pala niya kamag-anak. Gusto tuloy niyang pagtawanan ngayon ang sarili niya dahil siguro iniisip ng mga Mercado ay sobrang kapal naman ng mukha niyang mag-demand eh wala naman pala ni isang patak ng dugo ang mga ito na nananalaytay sa kanyang katawan.
Pinanagutan lang siya ng tatay ni Teissa. Hindi siya bunga ng pagmamahal gaya nito, at para sa isang anak, sa isang inakalang tunay na anak, napakasakit na malaman iyon.
She sobbed and tightened her grip on the stirring wheel. Bakit ba ang malas-malas niya? Bakit ba kailangan niyang danasin lahat ng ito? Bakit siya pa?
She stopped her car and banged the stirring wheel. "Bakit ako pa?! Bakit sa'kin mo ginagawa lahat nang 'to?! Ano bang kasalanan ko sayo?! Hindi ako kasing lakas ng iniisip mo kaya bakit ako pa?!"
Humagulgol siya nang tuluyan habang ang kalangitan ay nagsisimula nang kumulog. Nang tuluyang pumatak ang malakas na ulan, natulala na lamang si Tammy habang dumadaloy ang kanyang mga luha pababa ng kanyang mukha.
Pinapangako niya sa kanyang sarili na oras na siya na ang magkaroon ng anak, hinding-hindi magiging bunga ng pagkakamali ang kanyang baby. She will make sure that her child will be born out of love and not of a mistake, and no man will suffer just to take someone else's responsibilities. Pangako iyon ni Tammy sa kanyang sarili...