Kabanata 16

1597 Words
PINANINDIGAN ni Tammy ang kagustuhang lisanin na ang Hacienda Mercado matapos niyang malaman ang katotohanan tungkol sa pagiging ilehitimo niyang anak ni Markus "Marco" Mercado. She doesn't see any point in staying there anymore. Nakakahiya lang! Isa pala siyang anak sa labas ng nanay niya tapos ang lakas pa ng loob niyang magmaldita sa tunay na Mercado? She felt like her whole life was a complete lie. Kahit pa ilang beses na siyang sinubukang pauwiin ni Teissa, ng mga Mercado lalo ng tiyo Melchor niya, maging ng magkakapatid na Reino De Alba, hindi na nakinig pa si Tammy. With the money Arvind lend to her, Tammy went to Manila and tried to find a job. Hirap na hirap siyang humanap ng mapapasukan na alam niya ang gagawin dahil hindi siya lumaking marunong sa bahay. "Get your stuff and leave! Ang kapal ng mukha mong magtaray sa customer ko!" asik ng matandang babae sa pinasukan niyang informal resto. Naningkit ang mga mata ni Tammy. "Talagang aalis ko! Hukluban ka? Nakita mo nang hinihipuan ako iyang mukhang kulugo mo pang customer ang kakampihan mo?! Akin na ang sahod ko ng isang linggo." "Anong sahod ang pinagsasabi mo eh kulang pa 'yon sa mga nabasag mo?!" Her teeth gritted in fury. Padabog na inalis ni Tammy ang apron sa kanyang baywang at tuluyang tinapon sa mukha ng matandang babae. "Huwag kang magpapakita sa akin sa impyerno baka ako mismo ang mag-letson sayo. Letse!" She stormed out of the place with her bag, her face completely red because of anger and pity to herself. Nang uminit ang sulok ng kanyang mga mata, pumasok si Tammy sa isang eskinita kung saan hindi siya makikita ng mga tao. When she finally settled behind the large trash bin, Tammy stared blankly on the ground. Nanghina ang kanyang mga tuhod at tuluyang umalog ang kanyang mga balikat. Isandaang piso na lang ang natitira niyang pera. Kung uuwi siya ngayon nang walang dalang pambayad, mapapalayas na siya dahil one month lang ang nabayaran niya. Hindi na nga siya nakakain kanina ng almusal at tanghalian kaya halos magkandaduling siya tapos ganito pa magtatapos ang araw niya. She covered her trembling lips to prevent people from hearing her painful sobs. Bakit ba siya pinahihirapan ng langit nang ganito? Was it because she doesn't have any faith in the Almighty anymore? Pinarurusahan ba siya sa mga kabastusan niya? Siguro nga. Pero magiging ganoon ba siya kung nakuha niya ang atensyon na kailangan niya? Kung hindi namatay ang mommy niya dala ang katotohanan tungkol sa tunay niyang ama? Her phone rang. Nang makita ang pangalan ni Argus sa screen ay kaagad niya iyong pinatay. Hangga't maaari ay ayaw niyang makita si Argus dahil kung dati ay ang baba nang tingin niya sa kanyang sarili, mas lalo pa iyong bumaba ngayong nalaman na niyang hindi pala siya anak ng daddy niya. Kahit saang anggulo niya tignan, si Argus ang langit na hindi niya kailanman pwedeng abutin. She will only ruin his good image by letting them engage into something only she will benefit. Hindi niya iyon kaya. Argus is too precious for her para lang hayaan niyang masira ang kinabukasan nito nang dahil sa kanya. Tammy wiped her tears and was about to leave when she saw an old man trying to find plastic bottles inside the bin. Nang makita siya nito ay pagod pa itong ngumiti sa kanya na tila ba kahit napakahirap na ng buhay nito, may oras pa rin ito para bumuo ng araw ng isang tulad niya. Napaiwas ng tingin si Tammy lalo nang kumirot ang kanyang puso. Her eyes stung once more and a lump formed in her throat when she tried to suppress her sob. Hindi lang siya ang minalas sa buhay, pero bakit hindi niya kayang maging katulad ng matanda? Tammy sniffed and opened her purse to get the last one hundred peso bill inside it. Halos ayaw niyang tignan ang matandang lalake habang iniaabot dito ang pera, ngunit nang matanggap na ng matanda, natigilan si Tammy nang may dukutin ito sa bulsa ng jacket na tila tinapay na kabibili lamang. "Nanghihina ka na, hija. Bakit hindi mo tanggapin ang tinapay na 'to?" She stared at the old man for a moment before she shook her head. "Oh, no no. I'm good po. I'll eat sa bahay." Lumawak lang nang bahagya ang ngiti nito bago inilagay nang pilit sa kamay niya ang tinapay saka ito bumalik sa pangongolekta ng basura. Lumunok na lamang si Tammy saka niya ipinasok sa bag ang tinapay. "S—Salamat po." She started walking, ngunit nang malampasan ang matandang lalake, muli itong nagsalita na kinatigil ni Tammy. "Napakaganda ng mga ulap, hindi ba?" "P—Po?" Tinuro nito ang langit na nagsisimula nang maging kahel dala ng papalubog na araw. "Napakaganda ng mga ulap. Kahit may mga araw na madilim ang langit at mabigat ang ulap, napakaganda pa rin. Minsan nakakalimutan ng tao na tumigil sandali at tumingala. Napapatingin lamang ang tao sa mga ulap tuwing dumidilim ang langit at nagbabadya ang ulan..." Ngumiti itong muli. "Ikaw, hija? Kailan ka huling tumingala upang pagmasdan kung gaano kaganda ang mga ulap?" Tammy's forehead creased. Tumikhim na lamang siya at tuluyang umalis, ngunit habang nasa daan pauwi, hindi nawala sa isip ni Tammy ang sinabi ng matanda. Dinukot niya ang tinapay na mainit-init pa saka iyon napagpasyahang kainin habang tinitignan niya ang kalangitan. Nang tila napagtanto ang nais iparating ng matanda, pakiramdam ni Tammy ay nagsitindigan ang kanyang mga balahibo. Napababa siya ng tingin sa hawak na tinapay, at nang lukubin ng kakaibang init ang kanyang puso, humapdi ang sulok ng kanyang mga mata. She sniffed and walked faster after putting the bread back inside her bag. Pinunasan niya ang namuong luha sa kanyang mga mata at hinanda na ang sarili sa paghingi ng palugit sa landlady, ngunit bago pa man nakapasok si Tammy sa gate, napahinto na siya nang makita ang lalakeng nakasandal sa pinto at nakabulsa ang mga palad. Argus... He looked so worried, his handsome face seemed tired and stressed. Tila kulang din ito sa tulog ngunit sa kabila no'n, hindi mapagkakaila ni Tammy kung gaano talaga kagandang lalake si Argus. From his slightly tousled brown hair, to his worried pools and pursing thin lips, that is, without a doubt, the man she's secretly in love with. The man she could never have... Napaiwas siya ng tingin nang tumuwid ito ng tayo saka naglakad palapit sa kanya. Nang tuluyan na siyang narating ay huli na upang makakilos pa siya. Argus pulled her for a tight hug, his arms wrapped around her tightly as if he has no plans to let her push him away again. Halos maiangat pa siya nito sa ere sa higpit ng yakap, at habang nakabaon ang mukha nito sa kanyang balikat, tuluyang nanghina ang depensa ni Tammy. She hugged him back and let him feel that she missed him, too. Uminit naman ang sulok ng kanyang mga mata nang sa wakas, makalipas ang ilang buwan, nadama niyang muli ang kapayapaang si Argus lang talaga ang kayang magbigay. They didn't talk for a few moments as if they just want to let their hearts speak on their behalfs. Saka lamang nito binasag ang katahimikan matapos itong humugot ng malalim na hininga. "This neighborhood isn't safe for you. Kung ayaw mong sumama sa akin pauwi, maiintindihan ko but please, please huwag mo naman akong patayin sa pag-aalala. I've been worried sick about you so please, stop avoiding me already, Tammy." He swallowed and cupped her cheek, his expression was enough for her to realize that for the first time, Argus will no longer take no for an answer. She tried to look away and hide her emotions. "K—Kumain ka na ba?" "We'll eat later. Kunin mo ang mga gamit mo, Tammy. I won't force you to go home gaya ng sinabi ko but I won't leave this place without making sure that you're safe." "But this is—" "Your room is already occupied. Sabi ng landlady two weeks nang delayed ang bayad mo." Hinaplos nito ang kanyang pisngi gamit ang hinlalaki. "Pati ba 'to pagtatalunan natin? Hindi ba pwedeng kahit ngayon man lang ako naman ang masunod?" Tuluyan na siyang nawalan ng lakas na makipagtalo pa nang bumukas ang pinto at iniabot ng landlady ang isang bag lamang niyang gamit. Si Argus na ang kumuha no'n mula sa landlady bago nito pinagsalikop ang kanilang mga palad. Nagwala nang husto ang dibdib ni Tammy. Nawala tuloy siya sa sarili nang lumabas sila sa bukas na gate at dumiretso sa kotse nitong nakaparada sa kabilang bahagi ng daan. When Argus opened the door for her, napabuntong hininga na lamang siya saka tuluyang pumasok. After putting her stuff inside the trunk, Argus went in and started the engine. None of them spoke until they got inside a secured subdivision. Napakunot tuloy ng noo si Tammy lalo nang pitpitan lang ni Argus ang gwardya. Nagmaneho pa ito at nakailang liko pa sila hanggang sa tumigil ang kotse nito sa garahe ng hindi naman kalakihan ngunit maganda pa ring bahay. Argus went out, took her stuff from the trunk, and went to open the door for her. Tinanggap niya ang kamay nito nang palabas na siya ngunit hindi na iyon muli pang binitiwan ni Argus pagtapos. He entwined their fingers again and headed towards the main door. Nang bubuksan na nito ang pinto ay hindi na napigilan ni Tammy ang sariling magtanong. "Is this... yours?" Argus looked at her as he spoke with finality. "Ours from now on..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD