The evil's side Pumunta ulit kami doon sa hilig niyang tambayan. Hindi ko alam kung magkacut na naman ba 'to. Wala kasing sinasabi. "Magkacut ka?" Napatingala ako sa punong inaakyatan niya. "Hindi. Nandito lang ako para tumambay. Magpahangin." Napalingon agad ako sa kanya. Hindi siya kagcacut? Talaga? "Seryoso?" Lumukot agad ang ekspresyon ng mukha niya. "Bakit? Gusto mong magcut ako? I can't leave you alone here. Eh buntot ka nang buntot sakin. Hindi ako nakakapagcut nang maayos dahil sayo." Napangiwi siya habang ang lapad naman ng ngiti ko. He cares for me now. Ang saya! "Gusto ko matutong umakyat diyan sa puno." Tumingala ulit ako. Feeling ko kasi ang sarap umupo doon sa taas. Yung nililipad rin ng hangin yung buhok ko. "Hindi ka marunong. At baka malaglag ka." sabi niya. "Gusto

