Anong dahilan Naligo nga kami ni doon ni Yui. Tawa lang kami nang tawa. Picture nang picture. Pwede nang gumamit ng gadgets eh. Para daw may remembrance kami. Pinaghiwalay yung lalake at babae. Nasa kabilang spring sila. Ang sarap sa pakiramdam nung tubig ng hot spring. Narerelax talaga yung buo mong katawan. Para kang hinihele sa sobrang gaan ng pakiramdam mo. Nang matapos rin naman kami ay bumalik rin kami sa tents namin. Laman ng utak ko si Seth. May kakaiba talaga sa kanya eh. Bakit kaya? Pinakuha ulit kami ng sanga para sa bonfire. Linga ako nang linga sa paligid pero hindi ko natatagpuan ang imahe niya. Bigla naman sana siyang sumusulpot pag mag-isa ako o kaya ay umaaligid lang siya sakin. Pero ba't ngayon? Ba't wala siya? Kinagabihan ay hinanap ko siya. Hindi ko talaga siya

