Walang duda Pagkatapos ng new year ko na nakuha ko yung phone ko. Tuwang tuwa pa nga ako. Itinext ko agad siya. Bumuo agad ako ng mahabang message para batiin siya sa Christmas at yung sa new year. Naghintay ako ng ilang sigundo para sa reply niya kaso dumaan ang ilang minuto ay wala parin. Na pati dalawang oras na ang lumipas ay wala parin. Itinext ko ulit siya. Seth? :'((( Laking tuwa ko nang magreply siya. Halos mapatalon ako dito sa sofa nang tumunog ang phone ko at nang makita ko ang pangalan niya doon. Why are you texting me?! Stop it now Phoebe! Delete my number! Takang taka ako sa reply niya. Ba't ayaw niya? Ano ba talagang nagawa ko? Ano bang ikinakagalit niya? Feeling ko galit ka sakin :((( Ngayon lang kita natext kasi naconfiscate yung phone ko. Hindi na ako nakatanggap

