Ba't ang sama mo? "Phoebe. Pansin ko sayo nitong mga nakaraang araw nakangisi ka. Natatakot na talaga ako sayo." Ngumiwi si Yui sakin habang sumusubo siya ng pagkain. Napangiti ako ng matamis sa kanya habang sumusubo ako ng pagkain. Nandito kami ngayon sa cafeteria. "Wala lang. Masaya lang ako. Excited ako sa camping." Napangiti na ako ng malapad. "Ang weird mo." Napangiwi ulit siya. Ilang beses niya nang sinasabi yan sakin. Kumusta na kaya sila ni Stolich? Tinataboy niya parin ba? "Kumusta na pala kayo ni Stolich? May progress ba?" Naigulong niya agad ang mga mata niya. Ba't ganyan siya kay Stolich? Hindi ko talaga maintindihan. Pakiramdam ko kasi gusto niya naman pero taliwas ang inaasta niya. "Oo may progress. Araw araw tumataas ang sungay ko dahil sa walanghiyang dyablo na 'y

