Seryoso ako Hindi ko alam kung paano kami naging close ng ganito ni Seth. Kung noon ay itinutulak niya ako palayo. Ngayon naman ay siya na mismo ang humihila sakin papalapit sa kanya. Yung tipong kakalabas ko palang ng classroom para hanapin siya ay hihilain niya na ako at itatakbo papunta doon sa likod ng school. Na kahit ang raming nakatinging estudyante sa amin habang tumatakbo ay wala na kaming pakialam. "Ba't ka nagmamadali." Natatawa kong sabi. "May klase pa kasi mamayang hapon. Isang oras lang ang lunch. Ayaw mo namang nagcacut kaya nagmamadali ako." Nilingon niya ako at ngumisi kaya natawa ako. Ang rami kong namataang estudyante na laglag panga nang makita kaming dalawang tumatakbo. "Hindi ba ako nagdedeliryo?! Ngumisi si Seth!" narinig kong sabi ng isang estudyanteng gu

