In hell Tinititigan ko lang si Seth habang nakaupo kaming dalawa dito sa bermuda grass. Hindi na kami umakyat sa puno eh. Mas gusto niya daw humilata dito. Nakatukod ang magkabila niyang kamay sa likod na parang hihiga na siya habang nakapikit ang mga mata niya at nakatingala. Dinadama niya yung hagalpak ng hangin. Ako naman itong nakasquat sa harapan niya. Ang perpekto niyang tingnan. Yung nakadepina niyang panga, matangos na ilong, masyado iyong nakakaakit. Unti unting napadilat ang mga mata niya na agad dumirekta sakin. Ewan ko, sa tuwing nakakasalubong ng mata niya ang mga mata ko ay humahataw agad ng malakas ang pintig ng puso ko. "Makasalanan na akong tao pero sa oras na 'to mas lalo tuloy akong naaakit na gumawa pa ng kasalanan." Napatitig siya ng seryoso sakin. Hindi ko talaga

