Selos Na Selos Pinutol niya rin ang tawag. Ang sabi niya kakain daw muna siya. Hindi niya nasagot yung tanong ko. Ba't ko pa ba kasi yun itinanong sa kanya. Ayan tuloy. Nakokonsensya kasi ako sa tuwing sasagi yang mukha ng girlfriend niya. Eh ang bait nun. Hindi niya ito deserved. Lumabas rin ako ng kwarto para kumain. Kahit papano ay masaya ako dahil nakausap ko siya. Pumasok ako ng kusina at nanghalungkat ng makakain. Ininit ko nalang yung niluto ni ate Snow. Meron dito eh. Habang kumukuha ako ng plato ay kinakanta ko yung sinabi ni Seth na paborito niyang kanta. "Ahhh, ahhh, sige pa." Paulit ulit ko lang yung dinaing. Yung tono hindi ko alam kung anong klase. Madali lang naman kabisaduhin eh. Ano kaya ang whole lyrics nun? Isesearch ko nalang siguro mamaya sa google. Tapos bini

