Pati ako Lumabas nga kaming dalawa. Laking tuwa ko at nasa tambayan si Yui kasama si Stolich. Hindi niya alam itong napasukan ko. Ramdam ko ang pagtitig ng lahat sa amin. Lahat ng estudyanteng nadadaanan namin. Yumuko nalang ako para walang makasalubong na tingin. Ba't ba ako napasok sa ganito? "You're uncomfortable." sabi niya sakin kaya inalis niya rin ang kamay niya sa balikat ko. Ibinulsa niya nalang 'yon at seryosong napatingin sa harap. "K-Kasi... kasi hindi naman tayo." sabi ko. "I told you, I can be your boyfriend. Walang kaso yun sakin. Ba't ayaw mo?" Napatingin siya sakin. Hindi ako makaimik. Ayokong gawing rason si Seth. Siguro kailangang wala akong pagkatiwalaan sa oras na 'to. Na kahit ang sarili kong anino ay hindi ko mapagkakatiwalaan. Hindi ko pa lubusang kilala s

