Mali Excited akong pumunta sa library. Hindi ko alam kung bakit. Kasi feeling ko magkikita na naman kami. Para kaming may lihim na relasyon. Oo parang ganoon na nga. Ako itong nagmumukhang malandi. Pero kahit anong iwas kong wag iyong gawin, wag pumasok pero parang may sariling isip ang nasa loob ko at kusa akong tinutulak papasok doon. Kasi, may mga bagay na kahit mali ay ginagawa mo. Kahit masama ay ginagawa mo. Dahil alam mong magbibigay ito ng saya sayo at gusto iyon ng buong pagkatao mo. Na kahit masama gusto mo nalang isipin na yun ang tama. Pinapaniwala mo nalang ang sarili mo. "What's with your smile Phoebe?" tanong sa akin ni Kent habang papunta kami doon sa library. Bigla nalang kasi itong sumusulpot sa tabi ko. Namamalayan ko nalang na nakakasabay ko na pala siyang maglakad

