Get it Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang nakaupo siya sa couch. Para nga siyang kasing edad lang nila kuya Jame Brancen kung makaasta siya. Lalo na sa tindig niya. Kaya ba pinapapasok siya? May parang binulong sa kanya yung babae kaya nilingon niya ito. Tumitig siya dito sandali. Nakagat ko ang labi ko. Nangingilid na sa mga mata ko yung luha. Ganito ba talaga ang gawain niya dito? Alam ko namang pinapamukha niya saking masama siya. Pero ganito ba talaga siya kasama? Yung may iba siyang gusto bukod sakin? Hahalikan na sana siya nung babae nang iniwas niya ang mukha niya doon. Kasabay doon ang pagtatagpo ng mga mata namin. Na kahit may mga lumalagpas sakin sandali pag nawawala rin naman yung pagkakatakip ay nandoon parin ang titig niya sakin.

