Everything was happy and exciting at first. I felt like I’m living a good life now that we’re together. Sabay kaming natutulog sa iisang kama. Siya ang huling taong makikita at makakausap ko sa bawat pagtatapos ng araw at siya rin ang bubungad sa pagsisimula ng bagong kinabukasan. Napakasarap sa pakiramdam tuwing pinagmamasdan siya pagkagising ko. Minsan kasi ay mas nauuna ako sa kanya gumising lalo na noong unang lipat pa lang kami dito. Namamahay pa kasi ako at hindi pa ako sanay. Kahit gaano pa ako kakumportable na kasama si Kervy ay nahihirapan pa rin talaga akong matulog. Now that we’re living together, I got to know him more and deeply this time. Marami akong mga napapansin sa kanya ultimo mga simpleng bagay na hindi ko alam noong hindi kami magkasama sa iisang tirahan. Nakikilal

