Time flies so fast when you’re happy. Hindi mo na mararamdaman ang paglipas ng bawat araw, buwan at mga taon kapag masaya ka sa buhay mo. Nakakatakot nga dahil sa sobrang saya ko sa mga nakalipas na taon ay baka may matinding balik na lungkot iyon sa akin. Life isn’t always full of happiness and surprises. Life isn’t always about the good things. It doesn’t work that way. Darating at darating ang panahon na dadaan ang matinding delubyo sa buhay natin na susukat kung gaano tayo katatag. Kung gaano tayo naniniwala na malalagpasan natin ang bawat problema na ibinabato sa atin ng tadhana. Iniisip ko kung anong klase kayang problema ang mangyayari sa akin. Will it be related to my almost perfect relationship with Kervy? Will it be about my family or myself? Wala akong nakikitang butas sa bu

