Tahimik at para akong lutang habang pauwi kami sa amin. I did not expect to hear that from him. Mas lalong hindi ko inaasahan ang magiging reaksyon ng puso ko nang marinig ang mga katagang iyon mula sa kanya habang taimtim na nakatingin sa akin. Halos magwala ang puso ko at hanggang ngayon ay napakabilis pa rin ng t***k ng puso ko. Kanina ko pa pinapakalma ang damdamin ko pero walang epekto lalo pa’t marahang nakahawak si Kervy sa kamay ko. Gusto kong tumili at ilabas ang kilig na nararamdaman ko pero kasi nasa publikong lugar kami at nahihiya akong makita ako ni Kervy na ganoon. Paniguradong sa bahay ko ito mailalabas mamaya. The way he said those words, it really felt like he was just stating it coming from his heart. Hindi iyon patanong o nanghihingi ng sagot. Pagkasabi niya niyon

