“Anak! Grabe, glowing na glowing ka ha! Nagkakalaman ka na rin! Magandang bagay talaga na nakauwi na si Kervy,” bati ni Mama pagkakita niya sa amin sa resort. Lumapit kami ni Kervy sa pamilya ko at magalang itong bumati sa mga magulang ko. Ngiting-ngiti naman sila Papa kay Kervy. Of course, they’re happy. Libre sila dito at wala talaga silang gagastusin sa buong stay nila dahil sagot ng pamilya ni Kervy. Nakapagbakasyon sila dito ng wala sa oras. Lumapit din sila Tita Kia at Lola Lian kila Mama upang bumati. This is not the first time they will be meeting each other pero ito ang unang beses na magkakasama ang pamilya namin para sa isang bakasyon. I think, the purpose of Kervy’s grandmother for inviting my entire family is to know them well so that the two families will be closer. Hind

