Kabanata 66

2125 Words

Isang linggo ang lumipas at hindi ko mahanap sa sarili ko ang lakas ng loob para simulan ang pag-amin kay Kervy. Sa mga nagdaang araw ay napakabigat ng dibdib ko at pakiramdam ko ay mag-isa lang akong lumalaban sa problemang ito. Wala na akong narinig pa mula kay Bench mula noong huli kaming mag-usap. Napakademonyo niya talaga. Wala siyang pakialam kahit na nabuntis niya ako. Ni hindi manlang siya nagbigay ng effort para suportahan ako dito. Talagang bumalik lang siya sa America at siguro ay nagbubuhay binata na ulit doon. I doubt if I’m the only woman he got pregnant. Sigurado akong ilan na rin kaming nabiktima niya pero lahat ng iyon ay malamang na tinakasan niya. Walang hiyang lalaki! Ngayon ay mag-isa tuloy akong namomoblema. Laking pasasalamat ko na nga lang din at wala akong ibang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD