Namamanhid ako habang sakay ng elevator. Mag-isa ako at tulala sa pinto niyon habang paulit-ulit na sumisigaw sa utak ko ang katotohanan na nabuntis ako ni Bench. Akala ko, sa oras na bumalik si Kervy ay ang tanging poproblemahin ko lang ay ang konsensya ko at kung paano ko maibabalik ang init ng pagmamahal ko kay Kervy pero hindi pala. Mas malala pala ang kailangan kong harapin at wala akong maisip na matinong solusyon upang resolbahan itong problema na ito. F*ck, this is not supposed to happen in the first place. Matagal na rin naman akong nag-shots pero bakit ngayon lang pumalya? Kailan ba ang huli ko? Hindi ko na rin maalala dahil masyadong naging occupied ang utak ko nitong nakaraang mga buwan. Pagkabalik ko sa condo namin ay mabuti na lang at tulog pa si Kervy. Muli kong sinuot ang

