“I am going to court you and we’ll make it official to everyone. We have a lot of time in this world to know each other better. Seryoso ako sa’yo, Suzetthe kaya gusto ko na mas makilala ka pa nang maigi. And that goes the same with me,” he said softly.
“I want you to know me deeper. I will bare myself to you at wala akong itatago. I will prove myself to be worthy of you and know that we won’t rush things here. Let’s just enjoy each other. Enjoy having me by your side and you have full control on your answer. I will never pressure you to say yes to me,” dagdag pa nito.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Tila parang natutunaw ang puso ko dahil sa sinasabi niya. I can feel his sincerity with all the words he said to me. At sa mga panahon na nagkasama kami ay kahit papaano, kilala ko siya kapag ganitong seryoso siya. He meant everything he said.
Hindi siya basta-basta nagbibitiw ng mga salita na hindi niya pinapatunayan. I knew it. He stick with his principles and he is really disciplined in following it.
Napatitig ito sa akin. Nahalata ko sa mukha niya ang kaba dahil sa katahimikan ko. He reached for my hand and held it softly.
“Am I being too much? Nabibigla ka ba? Ito ang iniiwisan ko kaya sabi ko sa sarili ko ay uuntiin ko lang ang pagpapaalam sa’yo. If you think that I’m being advanced then just tell me,” nag-aalalang sabi nito. Umiling ako sa kanya.
“No, Kervy. Sa totoo lang ay para akong lumulutang kaya hindi ako makapag-isip ng mga salitang sasabihin ko. I already told you everything a while ago and now that it’s your turn to speak, gusto kong marinig at maintindihan lahat ng sinasabi mo. You’re not even aware that you’re making me happy just by hearing everything you just said,” nangingiti kong sabi.
Smile slowly crept on his lips. Tila nakahinga ito nang maluwag dahil sa sinabi ko.
Sabay kaming napalingon sa harap nang makarinig ng yabag na papalapit sa amin. Hindi nagtagal ay nakita namin si Sister Anne na sinisilip kami. She smiled when she saw us.
“Tinitignan ko lang kung ayos lang kayo. Saka oras na rin kasi para isara itong bahagi ng library. Anong oras na rin kasi,” malumanay na sabi nito.
Nagpasalamat kami ni Kervy dahil sa pagpayag nito na makapag-usap kami ni Kervy doon. Nauna kaming bumalik ni Kervt sa lamesa namin habang si Sister Anne naman ay naiwan doon para ayusin ang mga gamit.
Sinimulan ko na ring iligpit ang mga notebook ko at ang mga librong hiniram ko dito sa library. Ganoon din ang ginawa ni Kervy. Hindi ko maiwasang matitig sa kanya dahil sa ngiting hindi mawala sa mga labi niya. His face looked so bright and happy. I’m glad that I’m one of the reasons he felt that way.
Nang matapos kami ay nagpaalam na kami kay Sister Anne. Madilim na sa labas pagkarating namin sa mismong simbahan. Tanging ang ilaw na lang sa altar ang bukas. Huminto si Kervy sa tapat ng holy water at saglit niyang inilubog ang kanyang daliri doon upang mag-sign of the cross. I did the same and looked straight on the altar.
Thank you, Lord. Your response was fast.
Hinatid niya ako sa building. I invited him over. Testing him if he would really stick with his principles even after knowing what I felt about him. Hindi naman talaga kasi ako ang tipo ng tao na masyadong conservative. Wala namang kaso sa akin kung dadalaw siya at pupunta sa unit ko. Siya lang naman itong may pinanghahawakan talaga.
“Hindi naman porket nanliligaw ako sa’yo ay magiging kampante na akong pumunta lagi sa unit mo. I still find it odd lalo pa’t hindi pa naman tayo at hindi ko pa nakikilala ang mga magulang mo. I respect you and your parents,” wika nito.
Napahinga ako nang malalim saka ngumiti sa kanya. I already expected that. Tinanggal ko ang seatbelt at hinarap siya.
“Salamat, Kervy. Thank you at pinakinggan mo ako. It really means a lot for me.” I said gently.
“Your opinions matter the most. I will always listen to you because I believe that communication is the key to a good relationship. As long as we understand each other’s feelings then everything’s going to be fine…” Hindi ko na mapigilang mapahagikgik.
“You’re so full of wisdom, Kervy. Ang layo naman sa Kervy na nakilala kong takot sa ipis at makulit. I liked it both though,” magaang sabi ko. Napahalakhak ito at napakamot sa batok.
“Hindi naman kasi talaga ako makulit. Mabait ako, Suzetthe. Gentleman at understanding. Kusa lang talagang lumalabas ang side ko na iyon kapag kasama kita eh,” biro nito. Umangat ang isang kilay ko at tinukso siya.
“Wala na, ang hangin na. Okay na sana eh…” asar ko dito. We both laughed. Seconds later, he stopped slowly and looked at me with tender eyes. His smile was so genuine that it could almost melt my heart. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin. I took a soft sigh. Sh*t. I’m falling fast.
“Thank you, Suzetthe. Thank you for giving me a chance,” he said gently.
“You deserved it, Kervy.”
Malaki ang naging pagbabago sa amin ni Kervy mula noong naging malinaw ang lahat sa pagitan naming dalawa. We are now very open to each other. Sinisikap naming kilalanin ang isa’t-isa and I’m actually surprised that even after months of being friends with him, mayroon pa rin talaga akong bagay na hindi nalalaman sa kanya.
As the days goes by, I felt like I’m more and more close to him. Everything between us was so healthy. Wala akong makitang malalang flaw kay Kervy. Mas ako pa nga ang dahilan kung bakit kami minsan nagtatalo and we won’t call it a day unless we fixed the fight and reconcile.
Ayaw niyang lumilipas ang isang araw na magkaaway kami. Hindi niya matiis na kausapin ako kahit na ako ang madalas… o palaging mali. He is really that ideal guy every woman could ask for.
Everyone in school was already aware of what we are. Although kahit wala pa namang confirmation ay alam kong mayroon na silang iniisip sa amin. It’s a good thing also na naging public na ang panliligaw sa akin ni Kervy dahil malalaman na ng mga girls na off-limits siya.
Yes, manliligaw ko pa lang si Kervy pero binabakuran ko na. Doon din naman kami pupunta. Gusto ko na nga siyang sagutin agad pero sa tuwing nararamdaman ni Kervy na hihirit na ako ng ganoon ay inuunahan niya ako.
“Don’t rush yourself. Wala pa ngang isang taon na nanliligaw ako sa’yo tapos gusto mo na ako kaagad sagutin,” paalala nito. Hindi ko napigilang panlakihan siya ng mata.
“You’re planning to court me for a year? Seryoso ka ba, Kervy!?” gulat kong sabi. Ang tagal niyon ha! Bakit kailangan pang patagalin ang panliligaw kung alam ko naman na sa sarili kong handa na akong maging girlfriend niya? He is the perfect boyfriend and I can’t wait to officially have him para naman magkaroon na ako ng karapatan.
“If that’s the time needed for you, or for us then its okay. Handa naman akong maghintay sa’yo. Besides, I want to meet your family first. Gusto kong magpaalam ng personal sa kanila. Hindi mo pa nga sinasabi sa kanila na nanliligaw ako sa’yo,” nagtatampong sabi nito.
“Balak ko kasi sana na ipakilala ka kapag boyfriend na kita para isahan na lang,” paliwanag ko. Awtomatiko ang pagkunot ng kanyang noo.
“Hindi pwede sa akin ‘yon, Suzetthe. Gusto ko makapagpaalam sa kanila na nililigawan kita. Ayaw mo kasi ibigay ang number nila eh. Edi sana tinawagan ko na sila noon pa. Wala silang malay na may nanliligaw sa anak nila,” iling na sabi nito.
Maka-ano naman itong si Kervy! Akala mo ang laking problema.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Nagulat na lang ako na last day na pala ngayon bago ang Christmas Break. Sinabihan ko na si Kervy na uuwi ako ng Cebu para makasama ang pamilya ko sa Pasko.
I already booked the ticket and everything is set when he decided to go with me.
“Ha? Bakit sasama ka?” nagtataka kong sabi dito.
“I will formally introduce myself to your family. Hindi rin naman ako magtatagal doon at uuwi rin ng ilang araw bago ang Christmas’ Eve. Hindi kasi talaga ako mapanatag na nanliligaw ako sa’yo nang walang consent ng magulang mo. Pakiramdam ko ay illegal ang ginagawa ko eh,” wika nito.
Hindi ko na siya pinigilan pa sa gusto niyang mangyari. I should be glad dahil sa pinapakita niyang ito ay nalalaman ko kung gaano siya kaseryoso sa akin. He got some courage to face my family. Bihira lang ang ganyang lalaki kaya okay lang sa akin.
Habang inaayos ko ang ilang damit na dadalhin ko ay nakatanggap ako ng tawag mula kila Mama. Mabilis kong sinagot iyon.
“’Nak, kailan ang luwas mo rito?” tanong ni Mama.
“Sa makalawa po, Mama. Nakahanda na po ang ticket ko. Ngayon po ay nag-aayos na ako ng mga damit ko,” wika ko. Rinig ko ang saya sa kanila. After how many months ay makakauwi na ako ulit.
Kakaiba ang excitement ko ngayon dahil marami ang nabago sa buhay ko mula nang dumating si Kervy. Kung noon ay atat na atat akong dumating ang mga ganitong bakasyon para makaluwas ng Manila, ngayon ay hindi ko na namamalayan ang araw dahil lagi akong masaya na kasama siya. Kahit papaano ay napupunan ni Kervy ang lungkot na nararamdaman ko mula sa pagkakalayo ko sa pamilya ko.
He didn’t know how much impact he have caused in my life in a good way. Wala pa kaming relasyon niyan pero napupunta sa magandang landas ang buhay ko. Paano pa kaya kapag kami na talaga. I’m sure, magiging masaya lang kami palagi.
Isang araw bago kami umalis patungong Cebu ay lumabas kami ni Kervy. Balak ko kasing mamili ng pang-regalo kila Mama at maging sa mga kapatid ko. Nakaugalian ko na iyon mula nang mapadpad ako sa Manila. Mula sa ipon ko ay bumibili ako ng mga gamit na alam kong ikakatuwa nila.
Babayaran ko na sana iyon nang unahan ako ni Kervy. He gave his card to the cashier.
“Ako na doon, Zetthe. Wala kasi akong maisip na ibibigay sa kanila dahil hindi ko pa naman sila kilala kaya hinayaan na lang kitang mamili tapos ako ang magbabayad para atleast ‘di ba? Galing sa ating dalawa ang regalo,” nakangiting sabi ni Kervy. Aba, wise.
We took advantage of the free gift wrapping at pinabalot namin ang mga pinamili namin. Hindi naman malalaki iyon kaya hindi hassle kung dadalhin sa flight patungong Cebu.
Sa araw ng flight ay sinundo ako ng hindi pamilyar na sasakyan sa building. Kervy already mentioned it na ang gagamitin sa pagsundo sa akin at sa paghatid sa amin na sasakyan ay ang isa sa mga family car nila.
Magkatabi kami sa back seat. Ang laki ng sasakyan at hindi ko mapigilang mapatingin lagi sa driver ngunit tutok lang ito sa pagmamaneho. Isang beses niya lang akong binati kanina tapos ay diretso na ang tingin nito palagi sa daan.
Mabilis lang ang flight namin at hindi mamalayan na nasa Cebu na pala kami. Tinulungan ako ni Kervy sa mga dala ko habang hinahanap ang cellphone ko para tawagan sila Papa. Napagkasunduan kasi na susunduin ako dito katulad ng dating ginagawa.
Inikot ko ang tingin ko sa paligid upang hanapin sila ngunit hindi ko pa sila nakikita. I tried texting them and calling both of my parents pero out of reach pa. Mukhang nasa biyahe pa sila ha.
Nilingon ko si Kervy at nakitang tahimik ito. Napangisi ako at mahina siyang binangga sa braso.
“Kinakabahan ka ba?” asar ko dito. Kumunot ang noo nito at umiling. Hinintay ko siyang magsalita pero wala akong naririnig.
“Eh bakit ang tahimik mo riyan?” tanong ko pa dito. He took a deep breath.
“This is my first time here in Cebu. Naninibago lang ako, Suzetthe.” I chuckled. Parang hindi naman.
Maya-maya ay nakarinig ako ng pagtawag sa pangalan ko.
“Ate Suzetthe!” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Boses iyon ng sumunod kong kapatid. Sa tabi niya ay ang bunso namin. Tumakbo ito palapit sa akin. Sa likod nito ay ang mga magulang ko.
Bumungad sa akin ang yakap ng dalawa kong kapatid ko. Ang lalaki na ng mga kapatid ko ah!
“Suzetthe…” wika ni Papa. Maligaya ko silang niyakap ni Mama. Sobrang na-miss ko ang pamilya ko.
Nang matapos ang kaunting kamustahan at yakapan ay humiwalay ako sa kanila saka nilapitan si Kervy. Lahat sila ay natuon ang atensyon sa kasama ko. Malapad akong ngumiti sa kanila.
“Ma, Pa, si Kervy po. Manliligaw ko.”