Lumapit si Kervy sa kanila at nagmano. Titig na titig sa kanya ang mga magulang ko habang ang dalawang kapatid ko naman ay kuryosong nakatingin sa kanya.
“Magandang hapon po sa inyo. Ako po si Kervy Ariston at nanliligaw po ako sa anak ninyo,” seryosong sabi nito. Nagkatinginan ang mga magulang ko bago alanganing ngumiti sa kanya. Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Kervy. Hindi ka pala kinakabahan ah.
“Sasama siya sa atin pauwi ngayon, Pa. Pero mag-check in siya sa malapit na hotel at doon mag-stay talaga. Pabisitahin lang muna natin sa bahay,” magaang sabi ko.
Sumang-ayon sila Mama. Kinuha ni Papa ang gamit ko pero nagprisinta si Kervy na siya na ang magdadala ng mga iyon. Hindi rin naman tumanggi si Papa at hinayaan si Kervy sa gusto nitong gawin. Todo pa-impress naman ang manliligaw ko! Ang sarap niyang asarin mamaya ha.
Nagtungo kami sa sasakyan namin. Mayroon kaming isang sasakyan na talagang masasabi naming sa amin. Talagang pinag-ipunan nila Papa iyon at sinikap na matapos bayaran ng limang taon. Hindi naman siya kalakihan. Sapat lang para magkasya ang pamilya namin at ang ilang mga gamit kapag may plano kaming magbakasyon sa katabing probinsya ng Cebu.
Magkakatabi kami ng mga kapatid ko at ni Kervy sa upuan. Hindi ko mapigilang mapatawa dahil ang bunso kong kapatid ay panay tingin sa kanya. Ngayon lang kasi sila nakakita ng lalaki na malapit sa akin. Lalo na ng lalaki na kasabay kong umuwi galing Manila at ipinakilala sa kanila bilang manliligaw.
“Anak, kumain na ba kayo? Kain na lang muna tayo sa labas dahil hindi naman kami nakapaghanda ng pagkain. Wala ka naman kasing sinasabi na may kasama ka palang uuwi. Edi sana ay nagluto ako sa bahay kahit papaano…” wika ni Mama.
Naramdaman ko ang pagsulyap sa akin ni Kervy. Paniguradong magtatampo na naman ito sa akin dahil hindi ko sinabi na kasama ko siyang uuwi. He already reminded me many times before we flew here. Sadyang nakakalimutan ko lang talaga na tumawag kila Mama dala na rin ng pagiging busy sa school at sa paglilinis ng bahay.
I glanced at him and I saw him looking at me seriously.
“Okay lang ba sa’yo iyon?” mahinang tanong ko sa kanya.
“Oo, ayos lang.” Muli kong binalingan sila Mama at pumayag na dumaan muna kami sa isang restaurant upang kumain.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng Aristocrata. Wow, na-miss kong kumain dito kasama sila. Nasa Manila ang main branch ng restaurant na ito at ilang beses na rin kaming nakakain ni Kervy doon pero iba pa rin kapag kasama ko ang pamilya ko. Mas masarap kumain kapag mas marami kami.
Naunang naglalakad sila Mama habang kami naman ni Kervy ay sabay habang nasa likuran. Narinig kong bumulong ito.
“You didn’t tell them…” Napangiwi ako. Sabi ko na eh.
“Nakalimutan ko, Kervy. Sorry,” bulong ko pabalik dito. Narinig ko ang paghinga niya nang malalim.
“It’s okay. Atleast, they already knew of my existence. Mas masarap kasi talaga sa pakiramdam kapag legal. Wala tayong kailangan itago,” kalmadong sabi nito.
Napaka-transparent niya talagang tao. Hindi niya ugali na nagtatago sa akin. As much as possible, he wanted me to know everything from him starting from the things he was doing to the thoughts that was running inside his head. Wala siyang alinlangan sa pag-share sa akin ng mga gusto niyang i-share sa akin.
I truly appreciate it. Sino ba namang babae ang hindi matutuwa kung walang nililihim sa’yo ang lalaki? That was every woman’s dream. To meet the man who would let you invade his privacy for the better reasons. Besides, kung alam mo sa sarili mong walang tinatago ang boyfriend mo sa’yo ay hindi ka magkakaroon ng pagkakataon para pagdudahan siya. Malabong magkakasiraan kayo dahil very open kayo sa isa’t-isa.
Doon naman kasi nagsisimula ang lahat. Sa secrets at miscommunications. Iyon ang puno’t-dulo ng mga problema sa bawat relasyon.
Magkatabi kami sa upuan habang kumakain. My parents were asking him some random things. Ito ang unang beses na nagkita at nagkakilala sila kaya naman hinahayaan ko sila na kilalaning mabuti si Kervy. I’m actually excited of their thoughts with him. I’m pretty sure that it will all be good. Maganda ang impression ko kay Kervy noon at tiyak ko na ganoon din sila.
“Magka-batch pala kayo ni Suzetthe? Pero iba lang ang major ng course niyo?” tanong ni Papa.
“Opo. More on math or accounting part po ang kurso ni Suzetthe at ang sa akin naman po ay sa business po talaga. Pero halos nasa iisang building lang po kami madalas kaya nagkakasama kami,” malumanay na sabi ni Kervy.
“Gaano ka na katagal nanliligaw sa anak ko?” kuryosong tanong ni Papa.
“Mag-dalawang buwan na po. Gusto ko po sanang humingi ng dispensa dahil ngayon niyo lang nalaman ang tungkol sa bagay na ito. Gusto ko po sana na ipaalam din sa inyo kaagad ang tungkol dito pero hindi po kasi binibigay sa akin ni Suzetthe ang contacts ninyo kaya wala po akong idea kung paano ko kayo makakausap,” nahihiyang sabi nito.
Lumitaw ang ngiti ni Papa. Si Mama naman ay napahagikgik saka napatingin sa akin.
“Pasaway talaga iyang anak kong ‘yan,” natatawang sabi ni Mama. Napailing si Papa.
“Alam mo, iho. Hindi naman ako mahigpit tungkol sa mga ganitong bagay. Nabigla pa nga ako na ngayon lang may pinakilala si Suzetthe sa akin na manliligaw. Akala ko kasi sa oras na makawala sa amin ang batang iyan ay magwawalwal ng sobra sa Manila. Iniisip ko pa baka ilang beses ng nakapagpalit ng boyfriend ito nang wala manlang sinasabi sa amin,” sambit ni Papa.
Napanganga ako sa nalaman. Grabe naman pala! Ngayon ko lang nalaman na ganoon pala ang inaalala ni Papa sa akin ha!
“Papa naman! Grabe ka! Hindi naman ako pakawalang babae,” depensa ko. I heard Kervy chuckled. Ganoon din ang mga kapatid ko at sila Mama.
“Hindi mo maiiwasan sa akin na mag-isip ng ganoon lalo pa’t malaya kang gawin ang mga bagay na gusto mo habang nasa Manila ka at narito kami sa Cebu. Mabuti na nga lang at anak kita at matino ka. Nagmana ka talaga sa Mama mo,” biro pa ni Papa. Napailing na lang ako.
“Pero seryoso, Kervy. Ngayon pa lang kita nakita at nakilala pero ang gaan na ng loob ko sa’yo. Kitang-kita kung gaano ka kabait at ayoko mang sabihin pero nakukuha mo na kaagad ang tiwala ko. Ayos sa akin ang panliligaw mo kay Suzetthe. Basta ay hayaan niyo munang makatapos kayo ng pag-aaral. Huwag niyong gawing hadlang ang sarili ninyo at ang kung anong meron kayo para hindi makamit ang mga pangarap niyo sa buhay,” mahabang sabi ni Papa.
“Ako rin. Gawin ninyong inspirasyon ang isa’t-isa at huwag kayong magmamadali sa mga bagay-bagay,” dagdag ni Mama.
“Makaano naman kayo, Ma, Pa. Nanliligaw pa nga lang sa akin si Kervy. Para naman akong mag-aasawa kung makahabilin kayo kay Kervy,” naiiling na sabi ko. Kervt smiled sweetly.
“It’s fine, Suzetthe. Normal lang para sa mga magulang mo ang magbigay ng payo. We’re lucky enough na hindi sila nagalit dahil nilihim mo sa kanila na may nanliligaw pala sa’yo. You should be thankful because they are obviously supportive of everything you’re doing,” wika ni Kervy. ‘Yan na naman po siya sa words of wisdom niya. Lalo na naman niyang mapapahanga sila Mama dahil sa mga sinasabi niya eh.
Nang matapos kaming kumain ay halos gustong sagutin ni Kervy ang kinain namin pero pirmi ang paghindi nila Papa. Bisita namin siya at hindi hahayaan ng mga magulang ko na ito ang gagastos sa amin dahil lang sa manliligaw ko siya.
Muli kaming bumalik sa sasakyan upang tuluyan nang makauwi. Nang makarating kami sa bahay ay walang mapaglagyan ang tuwa ko. Finally, I’m home. Na-miss ko ang kwarto ko!
Muling tumulong si Kervy sa pagdadala ng gamit ko. Sinabihan siya ni Papa na huwag nang ibaba ang mga gamit niya dahil sasamahan siya ni Papa sa malapit na hotel kung saan siya pwedeng mag-check in mamaya. Hindi kabisado ni Kervy ang pasikot-sikot dito at baka mapagsamantalahan siya dito lalo pa’t halata sa kanya na may pera siya.
Pagkapasok ay nanatili kaming lahat sa sala. Katamtaman lang ang laki ng aming bahay. Dalawang palapag iyon. Nasa baba ang sala, kusina, common bathroom at bahagi kung saan pwedeng maglaba. Sa taas naman ang mga kwarto namin na may kanya-kanya ng banyo. Kahit hindi sobrang malaki ang bahay ay wala namang kaso. Ang mahalaga ay malinis para maganda pa rin tignan.
Iniwan ko muna sila saglit upang umakyat sa kwarto ko. Tinulungan ako ng dalawa kong kapatid na iakyat ang mga gamit ko. Hindi ko naman na tatanggalin iyon sa maleta para hindi hassle kapag magliligpit na ako pabalik ng Manila.
Nagpalit ako ng damit at kaagad ding bumaba. Nadatnan ko ang mga magulang ko na masayang nakikipagkwentuhan kay Kervy. Kervy looked so attentive to them and the way he genuinely smiled to my parents make my heart full. He looked to my parents with respect and I admired him more for that.
What more can I wish from him? He is almost perfect. Napakaswerte ko dahil pinaglandas kami ng tadhana. Kung sino man ang nagnakaw ng sa akin noon, sana masarap ang ulam niya dahil hindi niya alam kung ano ang blessing na naging kapalit ng ginawa niya. Pero siyempre, sana tumigil na siya sa pagnanakaw.
Malapit nang magdilim nang magpasyang magpaalam si Kervy. My parents already urged him to stay here with us. Sobrang laki na kaagad ng tiwala nila kay Kervy at kuhang-kuha na kaagad nito ang loob nila to the point na hahayaan nilang dito sa amin mag-stay si Kervy ng ilang araw bago ito bumalik ng Manila.
But Kervy without his principles is not Kervy.
“Sa hotel na lang po ako, Tito. Nakakahiya naman po sa inyo. Nanliligaw pa lang po ako kay Suzetthe. Sobrang thankful na po ako sa init ng pagtanggap niyo sa akin. It’s already too much if you’ll let me stay here. Ilang araw lang din naman po ako dito at babalik din po ako ng Manila,” maligayang sabi ni Kervy.
Walang ibang nagawa ang mga magulang ko. Nagpaalam lang saglit si Papa para magbanyo bago sila umalis ni Kervy. Si Mama naman ay nagpaalam na sa amin upang umakyat sa taas. Naiwan kaming dalawa ni Kervy sa sala.
I couldn’t hide my smile when I faced him.
“So how was it? Kunwari ka pang hindi kinakabahan samantalang hindi na kita makausap kanina sa airport sa sobrang tahimik mo,” asar ko sa kanya. Napakamot ito sa ulo at mahinang natawa.
“Fine. Hindi mo naman maaalis sa akin na kabahan. Normal na iyon dahil haharapin ko ang mga magulang mo. But really, I’m so thankful. You are blessed to have them as your family. Hindi ko expected na ganito ang magiging pagtanggap sa akin ng mga magulang mo. I’m so happy, Zetthe…” he said softly. I reached for his hand.
“Masaya rin ako dahil tanggap ka nila Papa. Kuhang-kuha mo na nga kaagad ang loob nila. You’re really that great. Hindi lang ako ang nakuha mo, may bonus pang mga kasama,” biro ko dito.
“It’s my pleasure. I liked your family as well. I can’t wait for you to meet mine too. I’m sure, they will love you too.” I sighed softly. Ngayon pa lang ay medyo kinakabahan na ko. Totoo nga at naiintindihan ko kung bakit kabado si Kervy kanina. Meeting the parents is really nerve-racking.
“Welcome to Cebu and welcome to our little family, Kervy. I hope you’ll enjoy your first time stay here,” nakangiting sabi ko. His face softened.
Marahan niyang kinuha ang kamay kong nakahawak sa kanya. Maingat niyang hinaplos ang palad ko saka seryosong tumingin sa akin. I can feel how gentle he was and how genuine his personality. Kung sasagutin ko siya, from which I’m sure that I will do, I know, I made the right choice.
“I’m sure I will. This is your hometown and I would love to come back here with you every time just to see you enjoy with your family.”