bc

Wild Kisses Of Karissa

book_age16+
184
FOLLOW
3.3K
READ
blue collar
bxg
mystery
brilliant
campus
highschool
small town
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Kagandahan, kasikatan, at yaman lahat ng iyan ay na kay Karissa na. She is the only heir of Alcaraz Vco and Karissa’s clothing line.

She is love by her parents, spoiled by her father and cherish by her mother. Sa pag-aakalang kaya niyang makuha ang lahat, she risk her name and ask Ivo to date her, the town’s crush but she got rejected.

Arsevio Cortez, most commonly known as Ivo is the most handsome man in Sta. Ana. He is every girls dream. Hindi lamang kagandahang lalaki ang mayroon ang binata, masipag at matalino rin ito. Hindi nga lang siya mayaman ngunit nagsisikap naman upang makaahon sa buhay. Nang lapitan siya ng pinakamayamang dalaga sa buong Sta. Ana ay kinailangan niyang tanggihan ito, bagay na kinainis sa kan’ya ng kan’yang ama.

“Pera na pinakawalan mo pa!” Iyon ang sabi ng kan’yang ama.

Hindi kaya ng kan’yang p*********i na marinig sa ibang tao na pera lamang ang habol niya kay Karissa. If he will date the woman, that is when he is already successful.

Ngunit hanggang saan at kailan niya kayang tanggihan ang dalaga kung ito na mismo ang paulit-ulit na lumalapit sa kan’ya. At halos mapamura pa siya nang sabihin nito na liligawan siya ng dalaga.

chap-preview
Free preview
Simula
“Come on, Issa just this one,” Pakiusap ni Argus. Mabilis na tumalim ang tingin ko sa kan’ya nang tawagin niya akong Issa. Nakuha naman niya agad ang ibig sabihin ng matalim na tingin ko sa kan’ya. “Opps, sorry!” Sambit niya at tinakpan ang kan’yang bibig. Napailing na lamang ako sa kan’ya. Alam naman niyang ayokong tinatawag akong Issa. Maraming alaala ang kalakip ng pangalan na iyon. Mga alaalang hindi ko na gustong balikan. “And will you please call me, Ate,” utos ko sa kan’ya. I am four years older than him. “Ayoko nga!” Hay naku napakatigas talaga ng ulo niya. “Isusumbong kita kay Tito Lyndon,” pananakot ko sa kan’ya. He just stuck his tongue out. Hindi manlang natakot, sabagay tinatawanan lang din naman ni Tito Lyndon sa tuwing nagsusumbong ako, ang sabi niya ay okay lang iyon at kapag hindi pa raw ako nag-boyfriend ay ipapakasal niya ako kay Argus. Duh! That’s disgusting, parang kapatid lang ang turing ko sa kan’ya ‘no! He is asking me to go back with him in Sta. Ana para sa birthday niya. He wanted to celebrate it in one resort there. Wala namang problema na um-attend ako ng birthday niya, it’s just that ayokong bumalik ng Sta. Ana. “Bakit ba sa Sta. Ana mo pa gusto mag-celebrate? Can I just skip your celebration? I’ll just treat you an out of the country trip,” I tried to negotiate with him. “What? No!” Reklamo niya. I sighed. Alam ko naman na hindi niya ako titigilan hangga’t hindi ako pumapayag, so I’ll just say yes and titignan ko na lamang kung makakapunta ako. “Fine, pupunta ako,” pagsuko ko sa kan’ya. I am in the city right now, last month ay nasa ibang bansa pa ako pero bumalik ako to manage the company my Mom and Tito Lyndon owned. Kailangan ni Mommy ng pahinga kaya naman nag-stay na lang muna siya sa Sta. Ana with my Dad. Si Mamita naman, my Lola is staying here in the city pero madalas din naman siyang bumyahe patungo ng Sta. Ana. Pumupunta lang siya rito for her check ups. “Promise ‘yan ha?” Pangungulit pa rin ni Argus. I rolled my eyes and nod. Bahala na, kahit ayokong bumalik sa Sta. Ana, I know one day babalik at babalik pa rin ako roon. I just hope hindi kami magkita ng taong ‘yon… Nang sumapit na ang hapon ay umuwi na ako sa mansyon ni Mamita. Inabutan ko naman siya roon ngunit nakaayos na ang kan’yang maleta kasama ang maleta ko? Gulat akong nakatingin sa maleta ko, bakit naman nasa sala rin iyon. “Mamita?” I called my grandma. Lumapit ako sa kan’ya at humalik sa kan’yang pisngi. Nagtataka akong tumingin kay Mamita at nagtatanong ang aking mga mata. “Ohh, honey isasama na kita sa Sta. Ana, your parents miss you so much. Ano ka ba naman ang tagal mo nang nakabalik sa bansa ay hindi mo manlang naman sila dinadalaw isa pa ay birthday naman ni Argus next week so mas magandang maaga kang umuwi,” paliwanag ni Mamita. “Pero Mamita I still have work,” pagdadahilan ko kahit alam kong hindi naman uubra ang dahilan na iyon. Umiling-iling siya sa akin. “Alam mong kayang-kaya naman ni Lyndon at isa pa ay anong silbi ng teknolohiya ngayon? You can work where ever you are, and if you need to sign any papers we have a private plane. Stop making excuses!” Natawa ako kay Mamita talaga namang desidido na siyang isama ako sa Sta. Ana kaya naman hindi na ako nagreklamo pa. Isa pa ay kung mayroon man akong ayaw makita sa Sta. Ana siguradong wala na iyon doon. Mataas ang pangarap niya at alam kong hindi siya magse-settle sa Sta. Ana baka nga nasa ibang bansa na siya at may pamilya na. Napabuntong hininga na naman ako nang maalala ko na naman ang taong ‘yon. Stop thinking about him, Karissa! I was welcomed warmly in our mansion in Sta. Ana. Tinawag na pala ni Mamita kay Daddy na kasama niya akong umuwi kaya naman ang magulang ko ay dinaig pa ang piyesta sa sobrang dami ng pinahandang pagkain. Pero ang pinaka nagustuhan ko sa hinanda nila ay ang ginataan na native chicken. I love that dish so much! Sobrang na-miss kong talaga. “I missed you, baby!” Sobrang mahigpit akong niyakap ni Mommy. “Mom, I’m not baby anymore!” Natatawang reklamo ko sa aking ina at ginantihan ng mahigpit ang kan’yang yakap. “Nah! You’ll always be my baby, kahit mag-asawa ka na ay baby pa rin kita,” sagot niya bago ako pinupog ng halik. “Tama na ‘yan,” reklamo ni Daddy at inagaw niya na ako kay Mommy. Niyakap ako ng mahigpit ni Daddy. Sobrang na-miss ko rin talaga ang mga magulang ko, kung hindi lang nangyari noon ang bagay na iyon ay hindi ako mapapalayo sa kanila. Kinabukasan ay namasyal ako sa mga malalapit na dagat. Na-miss ko rin naman ang mga dagat dito, I used to play in the sand when I was a kid. Dito ako lumaki at nag-aral kinailangan ko lamang talagang umalis. Nabalitaan ko na may binebentang isang property na malapit sa dagat kaya naman hindi na ako nagdalawang isip at nagmaneho patungo roon. Titignan ko lang kung sakaling magustuhan ko ay kukunin ko, kung hindi naman pero imposibleng hindi ko magustuhan kung malapit sa dagat. Pangarap ko talagang magpatayo ng bahay malapit sa dagat. Iyong tipong nakaharap sa dagat para tuwing umaga at gabi ay araw ang una at huli kong makikita. I love sunset, and sunrise. Pagkarating ko pa lang sa lugar ay talaga namang namangha na ako. Marami pang puno sa unahan base sa napagtanungan ko ay papasok pa sa loob para makarating sa tabi ng dagat. Hindi pasok ang sasakyan kaya naman kailangan ko talagang maglakad. Iniwan ko na lamang muna ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada. Maayos naman ang pagkaka-park ko isa pa ay hindi naman madalas daanan ang lugar na ito. Luckily I wore sneakers today, not a sandals. Wala akong kasama at sa tingin ko naman ay hindi ako maliligaw. Iisa lang naman ang daan papasok kaya siguradong hindi talaga ako maliligaw. Nagsimula na akong maglakad at hindi naman ako nagmadali dahil in-enjoy ko na rin ang pagtingin sa paligid. Hindi mainit ang paglalakad dahil sa mga puno, kahit na tanghaling tapat ay hindi na ako nag-alala kahit na wala naman akong dalang payong. Umabot ng labin limang minuto ang paglalakad ko bago ko natanaw ang dagat. Kahit na medyo matagal ang nilakad ko ay talaga namang nawala ang pagod ko sa ganda ng dagat. May ilang taong naliligo sa dagat may mga bangka rin. Siguro ay dahil hinahayaan naman ng may-ari na makapasok ang lahat kaya may mga tao pa rin talagang nagpupunta rito. Hinubad ko ang aking sapatos nang makarating na ako sa buhangin. Napangiti agad ako nang lumapat na sa buhangin ang aking mga paa. May mga nakita akong mga mangingisda ay unti-unti akong naglakad papunta roon. Naisip kong bilhan ng fresh na isda sina Mamita. And I think it’s a nice bonding if we grilled some fish. Nang makalapit na ako sa mga mangingisda ay agad akong nagtanong. “Manong nagbebenta po kayo?” Tanong ko sa isang lalaki na hindi pa naman ganoon katanda. “Ay naku--” hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang lumingon siya sa akin. Tila nagulat ito at para bang nakilala ako. “Karissa! Hindi ba’t ikaw ang nag-iisang anak ni Sanjoe Alcaraz?” Sambit ng lalaki. Naiilang naman akong napangiti kay Manong. Kilala talaga si Daddy sa buong Sta. Ana pero nagulat pa rin ako na nakilala ako ni Manong kahit na ilang taon naman na akong hindi bumabalik. “Nagbebenta po ba kayo?” ulit na tanong ko. Mabilis na umiling si Manong. “Naku, para sa Luna Hotel and Resort lahat ng huli namin,” sagot niya sa akin. Napatango-tango na lang ako. Doon yata gaganapin ang birthday ni Argus. Narinig ko ang makina ng bangkang paparating wala sa sarili akong lumingon sa dagat. Malayo layo pa lang ay tanaw ko na ang isang lalaking nakahubad sakay ng bangka. Malaki ang pangangatawan, tanned ang balat, and his hair is a bit long. Pansamantala akong natigilan, tila tumigil rin ang pag-ikot ng mundo ko. He’s here… Nabitiwan ko ang hawak kong sapatos, tila na-estatwa ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko. “Mang Dani!” Malayo pa lang ay sigaw nito. Mabilis akong tumalikod para hindi niya ako makita. Pakiramdam ko ay mabigat ang mga paa ko. Pakiramdam ko ay nag-echo ang boses niya sa ulo ko. Nanginginig akong nagsimulang maglakad. “Ivo!” Tugon sa kan’ya ng mangingisda. Nagsimula nang bumilis ang paglayo ko nang maramdaman kong nakababa na siya ng kan’yang bangka. “Miss!” Dinig kong sigaw niya kaya naman mabilis akong tumakbo. Lumabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang namumuo sa aking mga mata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.7K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
68.1K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
36.9K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.2K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
239.4K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
91.5K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
47.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook