Kabanata 1

1200 Words
“Karissa!” I removed my attention to the book I am reading. My always late bestfriend is here. Good thing I bought a book, kung hindi ay mamamatay ako sa inip sa paghihintay sa kan’ya. “Caitlyn, you’re late.” I pointed out as soon as she sit in front of me. “Yeah, I’m sorry.” Uminom siya sa drinks na in-order ko para sa kan’ya kanina pa. Tunaw na ang yelo noon at pakiramdam ko ay matabang na iyon. Napag-usapan namin na magkita ngayon na sabado, walang pasok. Dahil kailangan namin ng plano, plano kung papaano makukuha ang isang lalaki. “Bakit ba si Ivo pa ang gusto mo?” Tanong niya sa akin. Napaisip naman ako sa sinabi niya, siguro ay nacha-challenge ako. He’s older than me, smart, and handsome so why not? “Ang daming nagkakagusto sa’yo, kahit sa city you’re famous so why do you badly want to date that fisherman?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong ng bestfriend ko. Ohh! Where’s the thrill to those other boys? Sure they got money but I have plenty too. Pero si Ivo hindi siya mayaman pero marami ang nagkakagusto sa kan’ya. Wouldn’t be nice to date him? “Nah! I want Ivo,” sagot ko kay Caitlyn. Nagkibit balikat na lamang siya sa sinabi ko at hindi na nagreklamo. Napag-usapan namin na pupunta kami ngayon sa dagat. In Sta. Ana resort to be exact, doon nagdadala ng mga isda ang pamilya ni Ivo. Nagpahatid kami sa driver namin sa Sta. Ana resort, I called Mommy naman to inform her. Pagkarating namin sa resort ay pinaalis ko na muna ang driver ko, tatawag na lamang ako kapag uuwi na kami. “So what’s the plan?” Tanong sa akin ni Caitlyn. Nagkibit balikat ako, sa totoo lang ay hindi ko rin naman alam kung paano ko lalapitan si Ivo. Hindi naman niya ako kilala, at kung kilala man ay baka dahil sikat ako. Being the only daughter of the richest business man here in Sta. Ana made me famous. Ang bawat makakasalubong ko ay ngumingiti sa akin, ganoon din naman ako sa kanila. I was taught to be kind by my mother. “I don’t know,” natatawang sagot ko kay Caitlyn. Sabay kaming natawa sa aming kalokohan. We came here without a concrete plan. Hinubad namin ang sandals namin nang makarating na kami sa tabing dagat. Marami-rami rin ang mga tao ngayon siguro ay dahil sabado. Natanaw ko sa malayo ang hanay ng mga bangka kung saan nagbababa ng mga huling isda ang mga mangingisda. Hindi ko makita kung nasaan ang bangka nila Ivo. Malikot ang mga mata ko at talagang hinahanap ang binata. “Lumapit tayo,” aya ko kay Caitlyn. Hindi naman tumutol ang kaibigan ko at masaya pa akong hinigit patungo roon. Nang makalapit na kami ay namagha ako sa mga idang dala ng mga mangingisda. Iba’t iba ang mga iyon at aaminin ko hindi ko alam kung anong uri ang mga iyon. Sa sobrang pagkamangha ay nakalimutan ko na kung bakit kami lumapit doon. “They’re cute!” Masayang sambit ko. Caitlyn and I both giggled. Tuwang-tuwa kaming nagtitingin sa mga huling isda. Kung hindi ko lang alam na para sa resort ang mga huli nila ay bibilhin ko lahat. Nakakaawa lang na lulutuin lang ang lahat ng isda na iyon. What if may naiwan silang pamilya? Kawawa naman. Nalungkot ako sa kaisipan na iyon, hindi talaga patas ang mundo. Maswerte ang mga tao dahil walang ibang nilalang na humuhuli sa atin para lang kainin. We can live freely and that’s for us to be thankful. Dahil hindi ako nakatingin sa aking nilalakaran ay hindi sinasadyang nabangga ako. “Ayy!” Gulat na sambit ko nang maramdaman ko ang pagtapon sa akin ng tubig. Mabilis akong napatingin sa mga isdang tumilapon mula sa isang timba. Yumuko ako at akmang pupulutin ang mga iyon para ibalik sa timba nang isang kamay ang sumakop sa kamay ko. Pinigilan nito ang paglapat ng kamay ko sa isda. “Baka masugatan ka,” sambit ng panlalaking boses. I looked up to the owner of the rough hand holding my hand. To my surprise I saw the boy in the first place I was looking for. It’s Ivo… His hair is wet, he’s not wearing any shirt, and when I look at his face he’s frowning. Galit kaya siya? May munting kaba ang nabuo sa aking dibdib, nagalit kaya siya dahil natapon ang dala-dala niyang isda? “S-Sorry,” nauutal na sambit ko habang pinapanood siyang pulutin isa-isa ang mga isda at ibalik iyon sa timba. Hindi siya nagsalita kaya naman mas lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko ay talagang nagalit siya sa akin. Nang matapos na niyang pulutin lahat ay tumayo na siya ako naman ay nakaluhod pa rin sa buhangin at hindi ko magawang tumingala para tignan siya. Natatakot ako na makitang galit siya sa akin. Hindi ko alam na ganito ang magiging epekto niya sa akin sa malapitan. I was confident enough a while ago, pero ngayon ay tila isang tuta ako na tiklop sa kan’ya. Gusto kong magmura dahil tila nanlalambot ang mga tuhod ko, hindi ako makatayo. Bahagyang umangat ang tingin ko nang bitawan niya sa gilid ang isda at naramdaman ko ang mga kamay niya sa magkabilang braso ko. “Stand up,” utos niya habang inaalalayan ako. Nakatayo naman ako at sa wakas ay nagawa ko na rin siyang tignan. His eyes is directed to my cotton shorts. Napalingon din ako roon at nakita ko ang pagkabasa ng laylayan ng aking shorts. “May pamalit ka?” Tanong niya at tinignan na ako sa aking mukha. Hindi ko masalubong ang kan’yang mga tingin. Ganito ba kapag crush mo ang isang tao? Hindi mo matignan? Umiling ako sa tanong niya. Wala naman talaga akong dalang pamalit dahil wala naman sa plano namin ni Caitlyn na maligo. Nandito lamang kami para hanapin siya o makita siya. “Hintayin mo ako rito,” sambit niya bago binitbit ang timba na naglalaman ng isda. Pinanood ko lang siyang maglakad palayo. May kalakihan na ang kan’yang pangangatawan, nakakamangha na pantay ang kan’yang morenong kulay. He’s already twenty one and I am just seventeen. If I ask him to date me pwede naman siguro ‘yon? Mag eighteen na rin naman ako next year. Or hintayin ko na lang na mag-eighteen ako para naman hindi masamang tignan para sa kan’ya? But I like him! “Ang laway!” Napalingon ako kay Caitlyn nang dahil sa tinuran niya. Mahina ko siyang tinulak, hindi naman tumutulo ang laway ko. “Aalis na ba tayo?” Tanong ko kay Caitlyn. I think may progress naman na akong nagawa dahil nakita at nakausap na ako ni Ivo. “Baliw ka ba? ‘Di ba sabi niya hintayin mo raw siya!” Napatango naman ako, oo nga pala. Pero bakit naman kaya kailangan ko pa siyang hintayin? Ilang sandali pa kaming nanatili roon ni Caitlyn para hintayin na bumalik si Ivo. “Here.” Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Ivo. He’s holding a basketball short and a soap. It’s a local brand soap, iyong nakaplastik na nabibili sa tindahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD