“Baby, what happened?” Tanong ni Mommy nang makauwi na ako.
Her eyes is directed to the shorts I am wearing. Alam niyang hindi ito ang suot ko nang umalis ako at wala rin naman akong ganitong shorts. Obviously panlalaki ito kaya imposible na magkamayroon ako ng ganito.
“Natapunan po ako ng tubig sa Sta. Ana resort kanina,” sagot ko kay Mommy.
Biglang nag-alala ang mukha ni Mommy. My mother is too soft when it comes to me, tila ba kahit lamok ay ayaw niyang makakalapit sa akin.
“Are you okay?” Tanong ni Mommy.
Lumapit siya sa akin at sinuri ang buong katawan ko. Natatawa ako sa kan’ya, minsan talaga ay over reacting na rin ang aking ina.
“My, tubig lang iyon. I won’t get scratch with water,” natatawang sambit ko.
Ngumiti si Mommy at hinalikan na lamang ako sa aking noo.
“Fine, go to your room maligo ka. Palabahan mo na ‘yang short na ‘yan, make sure to return that to whoever the owner is,” bilin niya.
Tumango naman ako. I love how my Mom trust me, hindi manlang niya tinanong kung kanino ang suot ko. She’s over protective but not strict.
Umakyat na ako sa aking kuwarto at naligo. Matapos kong magbilhis ay katulad ng sinabi ni Mommy ay pinalabahan ko na ang shorts ni Ivo. Napangiti naman ako nang maisip na may dahilan ako para muling makalapit sa kan’ya. Little by little mapapalapit ako sa kan’ya, I’m sure he’ll like me and date me.
Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil sisimba kami.
“Princess, let’s go,” aya ni Daddy.
Ang kanang kamay niya ay nakapalupot sa bewang ni Mommy at ang kaliwa naman ay nasa kamay ko. Wala ngayon si Mamita kaya kaming tatlo lamang ang magkakasamang sisimba.
Pagkatapos naming magsimba ay nagtanong si Daddy kung saan namin gustong kumain. Wala naman ako maisip kaya tumingin na lamang ako kay Mommy, I’ll let her decide.
“Hmm… I’m craving for sea foods, love,” sambit ni Mommy.
Tumango-tango sa kan’ya si Daddy, mukhang alam ko na kung saan kami kakain. Bahagyang uminit ang mukha nang maisip kong makikita ko si Ivo. Mukhang kahit linggo ay kikiligin ako.
“Is it okay to you, baby?” Tanong sa akin ni Mommy.
Mabilis akong tumango at baka magbago pa ang isip niya.
Ngumiti si Daddy at nagmaneho na patungo sa Sta. Ana resort. Tahimik lamang ako habang nasa byahe ngunit marahan kong kinakagat ang pang-ibabang labi ko. Gusto nang ngumiti ng mga labi ko ngunit baka naman magtaka ang mga magulang ko kung bakit ako ngingiti.
Nang makarating kami sa resort ay nag-park lang si Daddy bago kami pumasok sa loob. Madalas na rin naman kaming kumain sa mga restaurant dito kaya naman kilalang kilala na kami.
Ang kaibahan nga lang noon ay wala naman akong ibang gustong makita rito kundi ang dagat ngunit ngayon ay gusto kong masulyapan si Ivo.
“Are you looking for something?” Tanong ni Mommy habang kumakain na kami.
Napalingon ako sa kan’ya at akala ko si Daddy ang tinatanong niya ngunit sa akin siya nakatingin.
“Po?” Takang tanong ko kay Mommy.
“Baby, kanina ka pa lingon nang lingon,” natatawang sambit ni Mommy.
Napatingin din ako kay Daddy na nagbabalat ng mga hipon para sa amin ni Mommy. Tumigil ito sa ginagawa niya at ngumisi sa akin.
Napanguso naman ako, pakiramdam ko ay tinutukso nila ako. Alam kaya nila na may crush na ako?
“W-Wala naman po,” nahihiyang sambit ko.
I know my parents are cool, maiintindihan naman nila kung may nagugustuhan na ako dahil normal naman sa edad ko ang magka-crush. But I think they won’t like it if they learned that I am doing the first move.
“Alright, just finish your food at pwede ka na mamasyal. Pwede mo na hanapin kung ano o sino man iyong hinahanap mo,” natatawang sabi ni Mommy.
“Mommy!” Reklamo ko dahil sa himig ng pagkakasabi niya noon ay halatang nanunukso ito.
Sabay lamang silang dalawa na natawa sa akin. Napailing na lamang ako at hinayaan sila sa pang-aasar nila.
Matapos nga naming kumain ay namasyal na kami sa tabing dagat. Hinayaan ko sila na magsolo muna. Hinayaan ko na maglambingan na muna silang dalawa, alam ko naman na dahil sa trabaho o sa business namin ay hindi na nila ganoong nae-enjoy ang oras sa isa’t isa.
Hinubad ko ang sandals ko at naglakad sa buhangin. Doon sa abot ng tubig ako naglakad, natutuwa ako habang hinahampas ng alon ang aking mga paa.
Natanaw ko ang mga bangka ng mga mangingisda at mukhang kararating lamang ng mga ito. Naging malikot na naman ang mga mata ko at natagpuan ang bangka nila Ivo. Nandoon siya at tinutulungan ang kan’yang ama sa pagbababa ng kanilang mga huling isda.
Gusto ko siyang lapitan ngunit pakiramdam ko ay maaabala ko lamang siya sa kanilang trabaho. Mahalaga iyon para sa kanila, tatlo silang magkakapatid at tanging ama na lamang nila ang bumubuhay sa kanila. His mother left with another man. Isa rin siguro iyon sa dahilan kaya naman kahit noong bata pa lamang siya ay tumutulong na siya sa kan’yang ama. Kahit na ngayong nag-aaral na siya ng kolehiyo ay tumutulong pa rin siya, bukod doon ay may mga part time jobs pa siya.
May kung ano sa loob ko ang nalungkot para sa kan’ya ngunit lamang naman ang paghanga. Mas lalo akong humahanga sa kan’ya lalo na at alam kong ginagawa niya rin ang lahat ng iyon para sa kan’yang mga nakababatang kapatid.
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ako sa kanila. Nadala na rin ni Ivo sa restaurant ang kanilang mga huli. Pabalik na siya sa kanilang bangka nang nagmamadali akong naglakad papalapit sa kan’ya.
Hindi niya ako pansin at deretso lang siya patungo sa kanilang bangka. Nakalusong na siya sa tubig at naglakad na siya papalapit sa bangka nang tawagin ko siya.
“I-Ivo!” I tried to shout his name pero pakiramdam ko ay naging bulong na lamang iyon.
Napayuko na lamang ako at nahiya sa sarili ko. Hindi naman niya narinig, nakakainis bakit ba ang hina ng naging sigaw ko.
Mabuti na lamang din at mukhang wala rin namang nakarinig sa mga taong malapit sa akin. Tumigil na ako sa paglalakad at nilaro na lamang ang paa ko sa tubig. Parang gusto ko na lang tumakbo sa malalim at lumubog. Pakiramdam ko ay napahiya ako sa aking sarili.
“Bakit?”
That manly voice…
Mabilis tumaas ang aking tingin at halos magliwanag ang mukha ko nang makita si Ivo sa harapan ko. Narinig niya ako!
Marahan kong kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko. He’s here in front of me! Kinikilig ako!
“Bakit?” Ulit niya nang hindi ako nakasagot sa unang tanong niya.
“Uhh…” napalunok ako.
“Tinawag mo ako ‘di’ba?” Tanong niya sa akin.
Marahan akong tumango, tinawag ko nga siya ngunit hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kan’ya.
“Tungkol sa short ko?” Hula niya.
Mabilis akong tumango, mabuti na lamang at naisip niya iyon. Mapapahiya sana ako kung wala akong masasabing dahilan kung bakit ko siya tinawag.
“H-Hindi ko pa dala ngayon,” nahihiyang sambit ko sa kan’ya.
Tumango-tango siya habang nakatingin sa aking mukha. Nag-init ang pisngi ko dahil sa pagtitig niya sa akin. Pakiramdam ko ay matutunaw ako.
“Ibalik mo na lang kung kailan tayo muling magkita,” sambit niya.
Tumango-tango ako, nagkaroon ako ng dahilan para puntahan siya sa kan’yang university.
“Sige,” nakangiting sagot ko sa kan’ya.
Tumango siya at nagpaalam na.
“Alis na ako,” sambit niya at tinalikuran na ako.
Gusto kong magtatalon habang nakatingin sa likod niya na naglalakad papalayo sa akin.
“Ehem!”
Halos mapatalon ako sa gulat nang may tumikhim sa likod ko. Dahan-dahan akong lumingon doon at napangiwi nang makita ang magulang ko.
“So… sa kan’ya ba ang suot mong short kahapon?” Tanong ni Mommy at tumaas pa ang kan’yang kilay.