Kabanata 3

1221 Words
“Sigurado ka bang may pasok ‘yon ngayon?” Tanong ni Caitlyn habang nag-aabang kami sa labas ng Sta. Ana university. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam. Hindi ko naman alam ang schedule ng mga klase ni Ivo, nagbabakasakali lang ako na may pasok siya. “Pakiramdam ko lang,” baliwalang sagot ko sa aking kaibigan. “What?!” Halos gusto na akong sapakin ni Caitlyn ng dahil sa naging sagot ko. Pero totoo naman, pakiramdam ko naman ay may pasok ngayon si Ivo. Lunes ngayon kaya tiyak na may pasok siya, hindi ko lang alam ang schedule niya. Kung may klase pa ba siya dahil hapon na. Pagkalabas namin sa aming eskuwelahan ay niyaya ko na si Caitlyn pumunta rito para isuli ang short ni Ivo. “Dapat tinanong mo sa kan’ya ang schedule niya kahapon!” Papaano ko naman gagawin ‘yon? Halos hindi nga ako nakapagsalita noong kaharap ko siya kahapon. Naalala ko na naman ang nangyari kahapon, inulan ako ng panunukso ng magulang ko dahil nahuli nila ako at halata naman daw na may crush ako kay Ivo. “E hindi nga ako makapagsalita nang maayos sa harap niya!” Pag-amin ko kay Caitlyn. Malakas itong tumawa nang dahil sa sinabi ko. “Ikaw? Nahihiya? Talagang tinamaan ka talaga!” Tumatawang sambit niya. Nagkuwentuhan kami habang naghihintay sa labas ng gate ng university. Hindi namin namalayan ngunit halos isang oras na kaming naghihintay doon. Hindi pa naman ako nagpasundo sa driver namin dahil nga balak kong dumaan dito. Pabiro ko siyang inirapan. Halata namang gusto ko talaga si Ivo, gagawin ko ba naman lahat ng ito kung hindi ko siya gusto? “Pero alam mo kahit gusto mo ‘yong tao, umuwi na tayo. Mukhang wala naman siyang pasok, dumidilim na o, wala pang lumalabas na Ivo,” sambit ni Caitlyn. Malungkot akong bumuntong hininga. Baka nga maagang natapos ang mga klase niya, dumidilim na nga at wala pa siya. Siguro ay umuwi na lang muna kami, bukas na lang ulit kami babalik. “Sige na nga, umuwi na tayo. Bukas na lang tayo bumalik.” Bagsak ang balikat ko na tumalikod sa gate ng university. May mga tricycle naman dito na pwede naming sakyan pauwi. “At talagang babalik pa tayo bukas?” Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Caitlyn. Tumango ako. “Oo naman, kailangan ko ibalik sa kan’ya itong short niya ‘no,” sagot ko sa kan’ya habang naglalakad na kami patungo sa sakayan. “Hindi lang naman siguro ‘yan ang short niya! Hindi mo naman kailangan ibalik agad!” Natawa ako sa sinabi ni Caitlyn, totoo naman iyon pero gusto ko lang naman makita si Ivo. Dinadahilan ko lamang naman itong short niya kahit na ang totoo ay gusto ko lang makita siya. Nang makarating na kami sa sakayan ay sumakay na kaming dalawa ni Caitlyn. Kahit na nagsimula nang umandar ang tricycle ay nasa gate pa ang mga mata ko. Si Caitlyn naman ay nasa cellphone na niya ang atensyon. Malamang ay nagtetext ito sa magulang niya dahil late na kami makakauwi. Ako naman ay nagsabi na kanina kay Mommy, at alam naman niya na isusuli ko ang short ni Ivo. Hindi pa kami tuluyang nakakalayo ay nakita ko ang paglabas ni Ivo sa gate. Halos manghaba ang leeg ko sa paglingon, paparahin ko sana ang sinasakyan namin nang mapansin ko ang isang babae na humabol sa kan’ya. Napako ang paningin ko sa kamay ng babae na humawak sa braso ni Ivo. Girlfriend niya kaya ‘yon? Nilingon ni Ivo ang babae at nginitian ito. May sinabi ang babae at sabay silang tumawa. May kung anong kirot ang naramdaman ko sa aking dibdib. Mabilis kong iniwas ang aking tingin sa kanilang dalawa. Girlfriend niya kaya iyon? Pero wala naman akong nabalita na may girlfriend na siya. Malungkot akong nakauwi sa amin at pabagsak na humiga sa kama nang matapos na akong magpalit ng aking damit. Tumatak sa isip ko ang paghawak noong babae sa braso ni Ivo maging ang kanilang mga ngiti at tawa. Tss, kaya ko rin naman siyang patawanin, kahit mag-jokes pa ako palagi para lang ngumiti siya sa akin. Naiinis ako, marunong naman pala siyang ngumiti at tumawa pero bakit noong nakaharap ko siya ay seryoso ang kan’yang mukha. Nakakunot pa nga ang kan’yang noo! Ang unfair naman niya! Inis akong nagtaklob ng kumot at nakatulog na. Hindi na ako nakakain ng dinner sa sobrang inis sa aking nasaksihan. Kinabukasan ay sabay-sabay kaming nag-almusal ng aking mga magulang. Mom got worried dahil hindi ako nakakain ng dinner kagabi. Sinabi ko na lamang na napagod ako kaya nakatulog na ako agad nang hindi namamalayan. “Naibalik mo na ba anak ang short ni Ivo?” Tanong sa akin ni Mommy habang kumakain kami. Nakaramdam ako ng konting lungkot nang maalala ko na naman ang nakita ko kahapon sa gate ng university ni Ivo. Pilit akong ngumiti at umiling kay Mommy. “Hindi po, hindi ko pa kasi siya nakita. Baka po wala siyang class noong hapon,” sagot ko kay Mommy. Tumango-tango naman ito sa naging sagot ko. Si Daddy naman ay nakangisi habang nakikinig sa usapan namin ni Mommy. Malamang ay nang-aasar na naman ‘yan, kung alam niya lang nakita ko hindi na niya ako aasarin. “Babalik ka ba ulit sa university?” Tanong ni Mommy. Umiling ako, sa totoo lang ay gusto ko ulit makita si Ivo ngunit ayoko namang makita ang babae na lumapit sa kan’ya. Nalulungkot ako at naiinis sa nakita kong iyon kaya ayoko na ulit masaksihan pa ang ganoong tagpo. Hindi ko na dinala ang short ni Ivo dahil hindi naman ako pupunta sa eskuwelahan niya. Siguro ay mas mabuting sa Sta. Ana resort ko na lang siya puntahan sa sabado para sigurado pa akong malalapitan ko siya. “Let’s go,” masiglang aya sa akin ni Caitlyn nang sumapit na ang hapon. Nasa classroom pa kami at nag-aayos ako ng mga gamit ko para makauwi na. “Ha? Saan tayo pupunta?” Tanong ko sa kan’ya. Wala naman kaming usapan na gumala ngayon. Hinampas niya ako sa balikat at pinanlakihan ng mga mata. “Hindi ba at babalik tayo ngayon sa Sta. Ana university!” Pagpapaalala niya sa akin. “Ahh,” walang gana kong sambit. Hindi ko pala nasabi sa kan’ya na hindi na muna kami pupunta roon. “Hindi ko dala ang short niya, isa pa ay hindi naman sigurado kung makikita natin si Ivo. Gagabihin lang tayo sa wala,” paliwanag ko sa kan’ya. Ilang segundo niya akong tinitigan at umastang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Malamang ay nagtataka siya, kahapon lang ay sabik na sabik akong makita si Ivo tapos ngayon ay tila wala akong gana. “Ikaw ba talaga ‘yan?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Lumabas na kami ng classroom at naglakad na patungo sa gate ng aming school. “Huwag mong sabihin na nagsawa ka na agad?” Biglang tanong ni Caitlyn nang makarating na kami sa gate. Sasagot sana ako sa kan’ya nang matigilan ako. Napako ang tingin ko sa isang lalaking nakatayo sa gilid ng gate. Nakasabit sa isang balikat ang strap ng kan’yang backpack. Ang kan’yang mga mata ay direktang nakatingin sa mga mata ko. “Ha? Si Ivo ‘yon a!” Sambit ni Caitlyn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD