Kabanata12

1073 Words

Masaya pa rin naman ako kahit na hindi kami sumakay ni Ivo sa iisang unicorn. Ang mahalaga ay naranasan kong sumakay sa carousel at si Ivo pa ang kasama ko. Sumakay pa kami sa iba’t ibang rides na naroroon, para sa akin ay date na talaga ito, bahala siya kung sa kan’ya ay hindi ito date. Bakit naman niya ako sasamahan gayong hindi naman niya ako kamag-anak o malapit na kaibigan. Isa pa ay alam naman niya na may gusto ako sa kan’ya at sa ginagawa niyang ito ay binibigyan niya ako ng malaking pag-asa na baka sakaling gusto niya rin ako. “May gusto ka bang kainin?” Tanong niya sa akin matapos naming makasakay sa mga rides. Isa na lang naman ang gusto kong sakyan kasama siya ngunit kung kakain kami ay mas tatagal pa ang oras na magkasama kami. Kahit na hindi naman ako nagugutom ay kakain tal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD