Balik eskuwelahan na nga at sariwa pa rin sa isip ko ang naging date namin ni Ivo, well siguro para sa akin lang date iyon pero okay lang ang mahalaga ay naging masaya ako ng gabing iyon at sana ay siya rin. “Mukhang masaya ka a!” Puna sa akin ni Caitlyn. Mabilis akong lumapit sa kan’ya. Nasa gate ito at mukhang hinihintay lamang naman talaga ako para sabay kaming pumasok sa loob ng eskuwelahan. Nang makalapit na ako ay umangkla na ako sa kan’yang braso at nagsimula na kaming maglakad papasok. Kinuwento ko sa kan’ya ang nangyari sa perya, agad niya akong hinampas sa aking balikat. “Oh my gosh ka! Ang swerte mo naman,” bulaslas niya. Tumawa ako at hinawi ko pa ang buhok ko bilang pagyayabang sa kan’ya. We laughed together, hanggang sa makarating kami sa aming classroom. Pagkapasok pa l

