“Alam mo ba?” Ulit ni Serene bago ako nilingon. Tila tinignan niya kung matatakot ako. Hindi ko alam kung anong itsura ko, kahit naman anong pigil ko ay sadyang kinakabahan pa rin ako. Kahit gustuhin kong maging mukhang matapang ay talagang kinakabahan ako, natatakot ako. Nagulat kaming lahat nang lagpasan siya ni Ivo at dumeretso patungo sa akin. Tila nabastos naman si Serene sa inasta ni Ivo. “Kinakausap kita!” Inis na sambit ni Serene kay Ivo. Hinawakan ni Ivo ang magkabilang balikat ko at gumala ang paningin niya sa aking mukha, maging sa aking dalawang braso. “B-Bakit?” Nagtatakang tanong ko. Nang tila wala naman siyang nakitang kakaiba ay nilingon niya na si Serene. “Anong sasabihin mo?” Malamig na tanong ni Ivo. Tumikhim si Serene dahil mukhang kinabahan ito. Kahit naman mal

