Napatigil ako at agad na lumingon nang marining ko ang boses ni Ivo na tinawag ako. Bumungad sa akin ang kalalabas lamang sa kanilang bahay na si Ivo. Naglalakad na ito papalapit sa akin. Medyo nakalayo na rin ako kaya naman lumapit siya, hindi naman pweding magsigawan kami sa pag-uusap. “Kararating mo lang?” Tanong niya nang makalapit na sa akin. Tumango ako. “Pasensya na, hindi ako nakapagsabi na pupunta ako. Busy ka pa naman kaya uuwi na lang sana muna ako.” Paliwanag ko sa kan’ya. “Pasok ka muna,” sambit niya. “Ha? Pero busy ka, may ginagawa kayo,” nahihiyang sabi ko. Wala naman akong gagawin kung abala siya. Ayoko namang maging abala sa ginagawa nila. Ayokong iisipin niya ako habang may importante siyang ginagawa. “Patapos na rin naman kami, do’n ka na lang muna sa kwarto ko,”

