Nauna nang umuwi sa akin si Caitlyn, hindi muna kami tatambay ngayon sa coffee shop. Baka magsawa na rin ako kung palagi kong makikita si Ivo, pero sa tingin ko naman ay malabong mangyari iyon.
Pagkalabas ko ng school ay nandoon na ang aming driver na si Mang Istong. Pansin ko na hindi ito mapakali at panay ang tingin sa kan’yang cellphone. Nang makalapit ako sa kan’ya ay agad ko itong tinanong.
“Ano pong problema?” Nag-aalalang tanong ko.
Paglingon niya sa akin ay bakas na bakas ang pag-aalala sa kan’yang mukha. Ano kayang problema? Maging ako ay kinabahan.
“I-Ihahatid na po kita nang mabilis. Kailangan kong umuwi dahil may emergency sa bahay,” sagot nito sa akin.
Kung kailangan niyang umuwi, dapat umuwi na siya hindi naman niya ako kailangan ihatid.
“Kailangan ko isugod sa ospital ang aking bunsong anak,” maluha-luhang dagdag pa nito.
“Naku! Umuwi na po kayo, dalhin niyo na iyang sasakyan para magamit niyo. Huwag niyo na ako isipin kaya ko naman po mamasahe,” natatarantang sambit ko.
Hindi na siya dapat nag-aaksaya ng oras dito. Kaya ko naman umuwi mag-isa, marami naman akong pweding sakyan.
“P-Pero…”
“Naku, ako na pong bahala magpaliwanag kay Mommy, maiintindihan niya po iyon,” I assured him.
Sobrang buti ng puso ni Mommy, alam na alam kong ganito rin ang sasabihin niya kung sakali mang siya ang nasa sitwasyon ko.
“S-Salamat!”
Nagmamadali nang umalis si Mang Istong, sana naman ay maging maayos ang kan’yang anak.
Sa ngayon ay mag-aabang na lang ako ng tricycle na pwedi kong sakyan pauwi.
Tumawid na ako sa kabilang kalye dahil doon ang hintayan ng sasakyan. Habang nakatayo ako sa tapat ng coffee shop ay sinilip ko sa loob kung naroon si Ivo ngunit hindi ko ito nakita. Bumaling na lamang muli ako sa kalsada para mag-abang ng masasakyan. Mukhang walang trabaho ngayon si Ivo o baka naman may klase pa siya. May copy naman ako ng class schedule niya ngunit tinatamad akong tignan iyon.
“May hinihintay ka?”
Napalingon ako sa kalalapit lamang sa akin na si Ivo. Nandito siya! Akala ko ay hindi siya pumasok ngayon sa trabaho dahil hindi ko siya nakita kanina nang sumilip ako sa loob.
“Tricycle,” matipid na sagot ko.
Bahagyang kumunot ang kan’yang noo.
“Hindi ka ba susunduin ni Mang Istong?” Nagtatakang tanong niya.
Kilala niya pala ang driver namin.
“Pinauwi ko na, may emergency sa bahay nila,” paliwanag ko.
Tumango-tango naman siya sa naging sagot ko.
“Ikaw pauwi ka na ba?” Tanong ko sa kan’ya.
Gusto ko sanang sabihin na sabay na kami umuwi, total iisang way lamang naman ang pauwi sa mga bahay namin. Mauuna lang madaanan ang mansyon namin bago ang kanilang bahay na sa dulo pa.
“Oo,” maiksing sagot niya.
Tumango-tango lang ako, kahit gusto kong sabihin na sabay na kami ay hindi ko ginawa.
“’Yong jacket mo nasa bahay pa.”
Nakalimutan ko i-check kung nalabahan na ba iyon. Mabuti na lang at palagi niya akong pinapahiram ng mga gamit niya, may dahilan ako para i-approach siya.
“Okay lang hindi ko pa naman gagamitin,” sagot niya at kumaway sa paparating na tricycle.
Kahit na sobrang simple lang ng interaction namin ay sobrang kinikilig ako sa loob. Nang tumigil na sa harapan namin ang tricycle ay tinignan niya ako.
“Sakay na,” utos niya.
Sumakay naman ako sa loob, ang akala ko ay sa likod ng driver siya sasakay ngunit nagulat ako nang tumabi siya sa akin. Bago pa man umandar ang sasakyan ay nag-abot na siya ng bayad.
“Bayad manong, dalawa.”
Mabilis akong napalingon sa kan’ya, bakit naman binayad niya rin ako. Tila kinikiliti ang puso ko. Hindi ko alam kung ganoon ba talaga siya sa lahat ng nakakasabay niya o sa akin lamang.
“May pamasahe naman ako,” nahihiyang sambit ko.
Saglit niya akong nilingon bago tinuon ang tingin sa kalsada.
“Alam ko,” sagot niya.
I bit my lower lip to prevent myself from smiling. Alam niyang may pamasahe ako pero gusto niya lang akong ilibre.
“S-Salamat.”
Malayo-layo rin naman ang byahe namin kaya naman talagang sobrang saya ko dahil magkatabi kami. May bagay na gustong-gusto kong malaman sa kan’ya at sa tingin ko ay mas mabuting itanong ko na iyon sa kan’ya ngayon.
“Uhh…”
Lumingon siya sa akin at hinintay akong magsalita kung ano man ang sasabihin ko. Hindi ko magawang tagalan ang tingin niya, natutunaw ako.
“M-May girlfriend ka raw?” Hindi siguradong sambit ko.
Pakiramdam ko ay uminit ang aking leeg at umakyat iyon sa aking mukha. Mas lalo na akong hindi makatingin sa kan’ya. Pakiramdam ko ay masyado akong feeling close para itanong sa kan’ya ang bagay na iyon.
I heard him chuckle.
Bahagya ko siyang nilingon at inabutan ko pa ang pagtaas ng sulok ng kan’yang mga labi. Ang guwapo niya lalo kapag nakangiti!
“Do you think I still have time to be in a relationship?” Nangingisi niyang tanong.
That hit me. Oo nga pala, ang dami niya nang iniisip para asikasuhin pa ang pakikipagrelasyon. His schedule is so full. Nag-aaral siya habang nagpa-part time job, sumasama pa siya sa pangingisda ng kan’yang ama. I wonder if relationship never really crossed his mind.
“Pero sabi nila may girlfriend ka,” pilit ko.
Bumuntong hininga siya sa sinabi ko. Nilingon niya akong muli at tinitigan.
“Huwag kang maniwala sa ano mang maririnig mong sinasabi nila. I am not dating anyone, not until I am successful,” seryosong sabi niya habang nakatitig sa akin.
Nakatitig lang din ako sa kan’ya. Sa sinabi niyang iyon ay parang mas lalo akong humanga sa kan’ya. He really knows his priority. Dating is not in his mind right now. Gustong-gusto ko siya, paano kung gusto ko siyang maging boyfriend? Papayag kaya siya?
Hindi naman ako magde-demand ng mahabang oras mula sa kan’ya. Ayos lang din sa akin ang ganitong simpleng interaction kung sakaling magiging boyfriend ko siya. Kaya ko namang irespeto ang oras niya, ang priorities niya. Hindi niya ako kailangang gastusan kung sakaling magde-date kami, kahit ako na ang gumastos.
“Anong iniisip mo?” Tanong niya habang nagtititigan kaming dalawa.
Napaiwas ako ng tingin sa kan’ya. Gusto niya bang marinig na sabihin kong iniisip ko kung gaano ko siya kagustong maging boyfriend? Na okay lang kaya sa kan’ya kahit na mas bata ako kumpara sa kan’ya?
Medyo malapit na kaming makarating sa mansyon. This is my only chnace, hindi ko alam kung kailan ulit ako magkakaroon ng pagkakataon na makausap siya. It’s now or never.
“I like you and I want you to be my boyfriend.” I confidently told him while staring at him.