Nagmamadaling pumasok ako ng bahay. Ngunit nakasalubong ko ang mama ni Ian sa may hagdan.
" Oh! Hija," bungad nito sa akin na may matamis na ngiti sa labi.
Nahihiyang ngumiti ako at tumigil sa paghakbang.
" Ikaw ba 'yong narinig kong kumanta? Naku! Ang ganda ng boses mo hija. Totoo nga ang sinabi ni Ian, mala-anghel ang boses mo!"natutuwang puri nito sa akin. Bahagyang nangunot ang aking noo. Narinig na akong kumanta ni Ian? Kailan? Dahil sa pagkakatanda ko ito ang unang beses na kumanta ako sa harap niya.
" Baka naiinip ka na. Mabuti pa mamasyal kayo ni Ian do'n sa boulevard. Tamang-tama! Mapresko na doon pag ganitong oras," dagdag pa ng ginang. Sakto namang pasok ni Ian.
" Ian, anak! Ipasyal mo si Marsha doon sa boulevard. Mukhang naiinip na," nakangiting baling nito sa anak.
I stood still beside his mother. Trying to ignore his intent gaze on me. Tumungo na sa kusina ang mama ni Ian pagkatapos.
Lumapit sa akin si Ian at hinawakan ako sa aking kamay. Matapos ay hinila niya ako palabas ng bahay. Nagpatianod ako at sumunod dito. Pumunta kami sa garahe. Pansamantalang binitawan niya ang aking kamay. Nilapitan niya ang nakaparadang motorsiklo at tinanggal ang nakatakip ditong trapal. Tahimik lang akong nakamasid dito.
Bumalik itong muli sa loob ng bahay. Paglabas ay may tangan ng susi at dalawang helmet sa kamay.
Nauna na siyang sumakay ng motorsiklo. Ngunit iniabot niyang muli ang kanyang kamay sa akin upang alalayan ako sa pagsakay. Ipinatong ko ang dalawang kamay sa kanyang balikat. Pero hinawakan niya ito at ipinulupot sa kanyang beywang, making me hug him from his back. Napalunok ako ng lumapat ang aking dibdib sa kanyang malapad na likod. My heart is starting to beat fast again. Ang init na nagmumula sa magkalapat na bahagi ng aming katawan ay nakakatuliro. Hindi ko tuloy malaman kung saan ba talaga ako kakapit. Sa huli ay hinayaan ko na lang na nakayakap ako sa kanya.
Pinaandar na nito ang motorsiklo.
Habang daan ay pahapyaw itong nagkwento na malapit lamang ang dagat dito sa kanilang lugar. Kilala nga ang isang look pasyalan doon. Ang Legazpi City Boulevard. Napawow ako ng makita ang magandang tanawin. Para kang namamasyal sa Manila Bay. Napakalinis ng tubig. Nagkukulay kahel na ang langit tanda ng papalubog ng araw. Ngunit mas gumanda pa ang tanawin dahil sa perpektong hugis ng Bulkang Mayon sa malapit. It was very scenic and breathtakingly beautiful.
Ipinarada ni Ian ang motorsiklo sa halos dulong parte na ng boulevard.
As soon as I went down the motorcycle, I opened my arms and exhaled a large amount of air to my lungs then release it out. I happily smiled after. Napakapresko ng simoy ng hangin na hinahaluan ng amoy na nanggagaling sa dagat. Pambihira ang pagkakataon na makapunta ako ng dagat. Mabibilang din sa kamay ang makapunta ako ng ibang lugar o probinsiya. Kaya labis akong natutuwa sa pagkakataong ito.
" Ang ganda!" Bulalas ko habang nakatanaw sa kalawakan ng dagat sa aking harapan. Bahagyang lumakas ang ihip ng hangin kung kaya't tumabing ang ilang hibla ng aking buhok sa mukha. Nakangiting hinawi ko ito at iniipit sa likod ng aking tainga.
" Sobra," narinig kong dugtong ni Ian sa aking sinabi. Napatigil tuloy ako sa paghawi ng aking buhok. Diretso siyang nakatingin sa aking mata. Bigla akong nakaramdam ng pagbilis ng t***k ng aking puso. Nanatili kaming nakatitig sa isa't isa. Walang nagsasalita. Hanggang sa humampas ang isang malakas na alon sa hindi kataasang cement barrier.
" Ay!" Natutuwang tili ko ng matamaan ako ng pag-anggi ng tubig.
Agad akong napaatras sa gilid. May mga nakalaan sementadong upuan doon kung kaya't lumapit ako doon at naupo. Sumunod si Ian at naupo sa tabi ko. Lumipas ang ilang sandali ngunit nanatili kaming tahimik habang nakamasid sa dagat. May mangilan-ngilang taong dumaraan. Kung hindi mga nagjajogging ay mga nakabisikleta o kaya naman ay grupo na masayang nagkukwentuhan habang naglalakad. May ilang ding tulad namin na nakaupo sa mga sementadong upuan roon.
Tumikhim ako upang tanggalin ang tila bikig sa aking lalamunan.
" Mas maganda pala ang Bulkang Mayon sa personal," panimulang bigkas ko. Trying to start a conversation between us.
" Yeah, I've been to Japan before and saw Mount Fuji. But for me, Mayon Volcano is far more beautiful," nakangiting sagot nito habang nakatunghay sa Mayon.
" Ang dami mo na sigurong napuntahang lugar, ano?" komento ko.
" Medyo," maikling sagot nito.
Napanguso ako sa sinabi nito. Ano ba naman 'tong lalaking 'to? Ang tipid sumagot.
" How does it feel?" tanong ko.
" Ang alin?" patanong din na sagot niya.
" Ang magtravel. Ang makapunta sa iba-ibang lugar and see beautiful places like this."
" Fulfilling, I guess?" Lumipas muli ang ilang sandali. Nanatili kaming tahimik. Nakikiramdam sa isa't isa.
" Galit ka ba?" maya-maya ay tanong nito.
" Galit? Bakit ako magagalit?" maang-maangang sagot ko.
" Kasi nagseselos ka."
" Hindi nga ako nagseselos."
" Nagseselos ka. Pinsan namin 'yon si Daniela. Anak siya ng kapatid ni mama na nakapag-asawa ng kano." Napataas ang isa kong kilay," Eh, Bakit ka nagpapaliwanag?" masungit na tanong ko. Hindi ko man tahasang maamin pero oo, nagselos nga ako. Ngunit lihim rin akong napangiti. Wala naman pala akong dapat na ipagselos. Pero ayokong ipakita ang tunay na nararamdaman.
" Kasi nagselos ka." sagot niya.
Pagak akong natawa," Hindi nga ako nagseselos."
" Hindi daw. Eh, Bakit nagsabi ako ng I love you wala ka man lang sagot?"
Akmang nagsasalita ako ng matigilan. Napakurap-kurap ako habang nakatutok ang tingin sa kanya. Kung gano'n hindi ako namali kanina. He really mouthed I love you to me earlier. Natutop ko ang aking bibig.
" Y-you love me?" hindi makapaniwang tanong ko.
" Yes. I love you. That's why I asked you to marry me." walang kagatol-gatol na bigkas niya.
" P-pero...kailan pa?"
" Matagal na,"
" Kailan lang tayo nagkakilala Ian."
He reached for my hand and pressed it gently.
" Alam ko. At hanggang ngayon pilit ko pa ring inaalam sa sarili ko kung gaano kalalim ang nararamdaman kong pag-ibig sa'yo. But one thing is for sure. I really love you and I want a commitment...with you that will last a lifetime. That's why I want you to marry me," punong-puno ng intensidad na bigkas niya. I am speechless. And stunned at his confession. His words are very overwhelming that my heart can't take it slowly. The fast beating in my chest is telling me to confessed my feelings for him,too.
But I can't. There's just too many emotions going on inside me that I felt it would affect the way I am thinking right now. Ayokong magpadala sa labis na emosyong nararamdaman. If he really loves me then I appreciate it. But, I won't answer him the way he wants me too. Commitment is one thing but love is another. And once I tell him my true feelings for him there is no turning back. I still want to know him more. And I want him to do the same for me. Maaring naibigay ko na sa kanya ng ilang ulit ang p********e ko. Minsan ko na ring hiningi na maging tapat at magpakatotoo siya sa akin. And now, he's doing it. Pero sa ngayon, gusto ko na munang pag-isipan ang lahat. Maging ang pagtanggap sa alok nitong kasal. Ramdam ko na ang pag-ibig niya para sa akin ay hindi pa sapat. Tulad niyan kanina, nakita ko lang siyang may kasamang iba ay kung ano na agad ang naisip ko. My insecurities is eating me out. And I'm scared that my sudden outburst would affect the way we would look at each other. I believe anyone can't have a peaceful relationship if you can never really feel secure.
" Ian, s-sa tingin ko ay d-apat pag- isipan m-muna natin ng husto ang tungkol sa pagpapakasal," kinakabahang bigkas ko. Bahagya pa akong nauutal habang nagsasalita.
" What do you mean?" Kunot noong tanong nito.
" I-I mean...I think we should still think about on marrying each-"
" I get that part but why?" iritableng putol nito sa sasabihin ko.
Pinakatitigan ko ang mukha niya sa pagbabakasakaling mahanap ang sagot sa tanong nito. Pero wala akong maapuhap na salita.
" Look, I know that everything between us might really be going too fast. But I am telling you what I feel for you because I wanted too. You don't have to answer me right away. But please, don't take back our engagement. I will marry you. You will marry me. And if it's my loyalty that your worried about, I am telling you. My heart's loyalty is yours. Huwag mo sanang pagdudahan iyon. Panghawakan mo ang mga salita ko dahil totoo lahat ng sinasabi ko. At patutunayan ko sa'yo lahat ng ito." malamlam ang matang bigkas niya.
Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ko. Napatingin ako sa aming mga kamay na ngayon ay magkasalikop na.
" Just give me more time. Maybe a day or after Christina's wedding. I want to think this through. Dahil ang gusto ko pag sinagot kita ay hinding-hindi ko na babawiin pa," sagot ko habang diretsong nakatitig sa kanyang mga mata.
His boyish grin stretched on his lips after hearing my words.
" That's enough time for me. Thank you," sagot nito.
Dinala niya ang aking kamay sa tapat ng kanyang labi at mabining hinalikan.
" I love you..." He softly whispered that makes my heart jump out of my chest.