Chapter 19

1671 Words
Matapos mananghalian ay pinagpahinga muna kami sa aming silid. Magkatabi ang silid na inookupa namin ni Apol. May sariling banyo pa ang bawat silid. Tumawag muna ako kay Tatay. Ipinaalam ko na maayos kaming nakarating at mainit ang naging pagtanggap sa amin. Inilapag ko ang aking maleta sa kama. Kumuha ako ng pamalit na damit. Medyo maalinsangan ang panahon kaya nagpasya akong maligo muna. Bahagya pa akong nagulat ng paglabas ko ng banyo ay makita ko si Ian na nakadapa sa ibabaw ng kama. Nakapikit ito at mukhang natutulog. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa aking twalya. Nakatapis lamang ako at walang kahit anong suot. Dahan-dahang Lumapit ako sa gilid ng kama. Yumuko ako patalikod kay Ian. Akmang isusuot ko ang aking panty ng biglang pumulupot ang matitipunong braso nito. Pahigang natumba ako sa ibabaw ng kanyang matigas na dibdib. " Ano ba Ian?" angil ko na may kasabay na hampas sa braso nito. Tumawa ito ng malakas. " Namiss kitang yakapin mahal ko," malambing na wika nito sa tapat ng aking tenga. Tumingala ako at nagkasalubong ang aming mga mata. " Para 'yon lang! Nanggugulat ka. Bakit ka ba kasi nandito? " kunwa'y iritadong tanong ko. " Dito rin ang kwarto," anito. Nalaglag ang panga ko sa sinabi nito. " Magkatabi tayong matutulog?" " Oo," Napabalikwas ako ng upo. " Bakit? Naku Ian! Hindi pwede! Baka kung anong isipin ng Mama mo," pagtataboy ko dito. " H'wag kang mag-aalala kung ano man isipin ni mama. Nagpaalam naman ako," anito. Bumangon ito at umayos ng upo sa aking likuran. Ngayon ay nakakulong ako sa matipuno niyang bisig at nasa pagitan ng kanyang mga hita. " You smell so sweet," anito na idinadampi ang tungki ng kanyang ilong sa aking balikat. Maya-maya pa ay ang mainit na labi niya na ang dumadampi sa aking balay. Mumunting mga halik sa aking pisngi papunta sa leeg at pababa sa aking balikat ang dumadampi. Ang kanyang mga palad ay marahang humahaplos sa aking tiyan. " Ian," impit na ungol ko ng naramdaman ko ang kanyang palad na sumapo sa aking dibdib at marahang pumipisil. May kung anong sensasyon at pamilyar na init mula sa aking kaibuturan ang unti- unting nabubuhay ng kanyang haplos at halik. Umakyat ang halik niya sa aking labi. Tuluyang ng matanggap sa pagkakabuhol ang twalya sa aking dibdib. And the next thing I knew, he was on top me. Thrusting deeper and deeper until we both reach our climax. *** Nakatulog ako pagkatapos ng aming pagniniig. Paggising ko ay wala na sa aking tabi si Ian. Agad akong bumangon at nagbihis. Labas na sana ako ng silid ng makarinig ng ingay ng tila ba nagkakantahan na nagmumula sa may bintana. Lumapit ako roon at hinawi ang kurtina. Mukhang nagkakatuwaan ang lahat sa pagkanta sa videoke. Nanatili akong nakatayo at nakatunghay ng ilang minuto hanggang sa napatingala si Apol sa gawi ko. Sinenyasan ako nito na bumaba na siya ko namang ginawa. Agad akong nagtungo sa likod bahay at nakiumpok sa mga nagkakasiyahan. Nagpalingon-lingon ako at hinanap si Ian. Ngunit hindi ko ito nakita. Mukhang nabasa ni Apol ang nasa isip ko. "Umalis kani-kanina lang. May susunduin daw sabi ni Christina," bigkas nito sa akin. Maya-maya pa ay nakita kong gumarahe ang jeep nila. " Oh! Haya'n na pala hinahanap mo," sambit ni Apol. Lumingon ako sa aking likuran. Buong tamis akong ngumiti pagkakita kay Ian. Ngunit agad din nangasim ang mukha ko ng may biglang sumulpot na babae sa gilid nito at iniangkla ang braso sa braso ni Ian. Tila may tumarak na punyal sa aking dibdib na nagdulot ng kirot sa aking pagkatao. Kanina lang ay magkatabi kami sa kama. Tapos ngayon, may kasama siyang isang sexy at magandang babae. Hapit na hapit ang suot na damit na umabot lamang sa gitna ng hita nito ang haba. Litaw na litaw ang makinis at mapuputi nitong mga binti. Mahal ba tela dito sa probinsiya? Kinakapos kasi ang suot nito. Ang dibdib naman nito ay halos lumuwa na dahil may kalakihan na nga ay labas pa ang cleavage. Bigla akong nanliit at napasapo sa aking size thirty-four cup b na dibdib. Maaring mahal ang tela dito pero mukhang mura ang gatas. Sagana sa laki ang dibdib no'ng babae. Matangkad ito at mukhang may dugong banyaga. Agad akong umiwas ng tingin ng makaramdam ng insekuridad. Pinagdiskitahan ko na lamang ang nakalapag na pagkain sa platito at dinampot iyon. Wala sa loob na isinubo ko ang piniritong pagkain na nakabalot sa lumpia wrapper. " Marsha sili 'yan!" narinig kong awat sa akin ni Apol. Pero huli na dahil naisubo at nanguya ko na ito. Agad binalot ng anghang ang aking buong bibig. Wala pa naman akong hilig sa maaanghang pagkain. Natatarantang pinaypayan ko ang bibig. Nang makita ang basong nakalapag na may lamang malatubig na likido ay agad ko itong itinungga. Ngunit naibuga ko rin dahil sa mapait nitong lasa. " Alak yan!" sigaw naman ni Apol. Sunod-sunod akong napaubo. " Ayos ka lang ba?" tanong ni Ian na nakalapit na pala sa akin. Marahang humahaplos ang kanyang palad sa aking likuran. " Okay lang ako," masungit na sagot ko. Pairap ko itong tinignan. Inabutan naman ako ni Anton ng isang baso ng malamig na orange juice. Nakahinga ako ng maluwag ng maubos ko ang laman nito. Naupo si Ian sa tabi ko habang ang kasama nitong babae ay sa kabilang gilid nito pumwesto ng upo. " Hi, I'm Daniela." Pagpapakilala no'ng babae sabay about Ng kamay nito. " Hindi ko tinatanong," paismid kong sagot. " What?" tanong nito. " Ha?Ah,eh! Marsha," ani ko sabay abot ng kamay nito. " Oh! I like your name. It's sounded like my Lola's favorite TV show back in the eighties, John and Marsha." Nakangiti pa nitong komento. Hilaw akong ngumiti. Napabaling ako ng tingin kay Apol ng marinig ko ang nakakaloko nitong pagtawa. Naiinis na pasimple kong hinila ang dulo ng buhok nito. " Oh! I like your name, it's sounded like my Lola's!" Nang-aasar na ulit ni Apol sa sinabi nito sa maarteng tono." Matanda ka na raw besh! Pang-lola na pangalan mo!" Humahagikhik pang dugtong nito. " Tumigil ka diyan Apolinario kundi kakalbuhin kita!" Nakasimangot na sita ko na may halong pagbabanta. Tahimik lang na nakikinig si Ian sa tabi ko. Pasimple pa nitong ipinatong ang braso sa sandalan ng inuupuan ko. Nagmukha tuloy itong nakaakbay na sa akin. Nagpatuloy ang kasiyahan. Manaka- naka akong kinakausap ni Ian. Tinatanong kong nauuhaw ba ako o nagugutom ngunit pana'y iling lang ang sagot ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Pero nababalot ako ngayon ng sobrang iritasyon at inis na hindi ko mawari. Panay ang dantay ng kamay sa hita at hampas sa braso ni Ian si Daniela habang nagkukwentuhan. At sa tuwing may sasabihin ay bumubulong pa sa tenga ni Ian. Sa sobrang inis ay muli akong tumungga sa baso ni Apol na may lamang alak. Napangiwi ako ng malasahan ang pait at gumuhit ang init nito sa aking lalamunan pababa sa aking sikmura. Ngunit, parang nagustuhan ko pa ito. Nang maubos ay muli akong nagpasalin kay Apol. " Malalasing ka 'nyan," awat sa akin ni Ian na pinigilan ako sa tangkang paglagok muli ng alak. " Pakialam mo!" matapang na sagot ko sabay tabig sa kamay nitong nakahawak pa rin sa aking braso. Wala itong nagawa ng dire-diretso kong ininom ang laman ng baso. Nang-uuyam na iwinasiwas ko pa ang baso sa mukha niya. " Oh! My gosh! I know that song. Can I sing?" Ani ni Daniela sabay tayo mula sa kinauupuan nito at lumapit sa harap ng TV. " Nagseselos ka ba?" Muntik ko ng maibuga ang iniinom sa tanong ni Ian. Bahagya pa nitong iniusod ang inuupuan upang mas magkalapit pa sila. " Ako? Nagseselos?" maang na tanong ko. " Hindi ba?" patanong na sagot rin nito. " Ewan ko sa'yo!" sa halip ay sagot ko. Sakto namang muling naupo si Daniela kung kaya't hindi na ito muli pang nakapagsalita. " Hey guys! You should sing, too." bigkas ni Daniela na proud na proud sa kinanta. "Oh, haya'n si Marsha! Magaling kumanta 'yan," baling ni Apol sa akin. Akmang tatayo ako ng iabot sa akin ang mikropono. Nagsipaglingunan naman ang lahat sa kanya. Maging si Ian ay manghang nakatingin sa kanya. " H-ha?" Gulat na reaksyon ko. Oo, kumakanta ako dati. Dati akong miyembro sa choir ng simbahan. Pero hindi na ngayon. Matagal na akong walang ensayo. Baka mapahiya ako. Nagpapasaklolong napatingin ako kay Apol. Pero ang hitad, pumipindot na pala ng numerong kakantahin ko. " Go Marsha!" boses naman iyon ni Christina na nasa gilid na pala ni Apol. Walang hiyang mga 'to! Mga kaibigan ko ba talaga 'to? Mapapasubo ako ng wala sa oras. Nahihiyang tumayo ako sa malapit sa harap ng videoke. Itinutok ko na lang ang paningin sa screen ng t.v. It's an OPM song. Pero ang rendition ng isang babaeng mang-aawit ang tumutugtog. Nagpalakpakan ang mga naroon ng pumailanlang ang aking boses. Napalingon ako sa gawi nila Apol. Ngunit ang matamang tingin ni Ian ang sumalubong sa akin. "Yan ang manok ko!" Narinig kong pabirong sigaw ni Apol. Nagtawanan tuloy ang lahat. Kahit ako ay natawa sa biro ng kaibigan. Nakangiting muli kong ipinagpatuloy ang pag-awit. Isang lingon kay Ian ang aking ginawa. But when our eyes met, he mouthed the words " I love you." Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Ibinaling ko ang paningin sa aking harapan at nagpatuloy sa pagkanta. Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos. Maging si Daniela ay masayang pumapalakpak. Kagat labing humakbang ako papalapit sa dating inuupuan. Ngunit papalapit ng papalapit ay pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko kinakaya ang bigat ng mga titig sa akin ni Ian. Maging ang aking paghinga ay pinipigilan ko na rin. He just mouthed I love you to me. Maybe I was just mistaken. Maybe I'm just assuming things. " Punta muna ako sa banyo!" natatarantang paalam ko sabay lapag ng mikropono sa mesa. Nagmamadaling pumasok ako sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD