Chapter 18

1380 Words
" Jay ikaw na muna bahala dito. Ang tatay h'wag pababayaan. Marami pang laman ang ref. Pero may iniwan na akong pera. Budget nyo kung sakaling may kailanganin pa. Boyet, Otep tulungan 'nyo ang kuya Jay 'nyo ha! Ang pasaway walang dagdag baon. " Ate ang o.a. mo! Ilang araw ka lang naman mawawala pero kung makapagbilin 'kala mo mag-aabroad!" komento ni Jay sa akin. " Siyanga naman anak! 'Wag mo na kaming masyadong alalahanin. Kaya na namin. Mag-enjoy ka sa pupuntahan mo," si Tatay naman na nakangiti sa akin. " Ate! Andito na sundo mo!" humahangos na wika ni Otep papasok ng bahay. Sa makalawa na gaganapin ang kasal ni Christina. Sa probinsiya nila sa Bikol ang magiging venue nito. Mas maaga ng isang araw ang nakuha nilang flight kaya sasamantalahin na rin nila para makapagbakasyon. Bitbit ang isang maliit na maleta at hand carried bag ay lumabas na ako. Agad akong nilapitan ni Ian paglabas. "Good morning sweetie," nakangiting bati nito sa akin sabay halik sa aking pisngi. Bigla ang paglakas ng pintig ng aking puso. Simpleng halik lamang sa pisngi pero dumadagundong na agad ang dibdib. "G-good morning too," nauutal na tugon ko. Kinuha niya ang aking maleta at pinagkawing ang aming kamay. " Tay, alis na po kami," paalam niya kay Tatay. 'Tsaka ko lang naalalang lumingon sa aking likuran. Pero teka, Tama bang rinig ko? Tinawag niyang 'tay ang tatay ko? Nangingiting mukha ng Tatay at ng mga kapatid ko ang aking nalingunan. " Alis na po kami 'Tay," " Ingat kayo anak," " Malelate na tayo! Bilisan 'nyo na! Hi Tito! Goodbye Tito!" ang maingay na si Apol na bumaba na rin pala ng sasakyan. Ayos na ayos at akala mo donya. Nakashades at may abaniko pang tangan sa kamay. " Hindi ka naman ready Apol?" sarkastikong komento ko. " Ay, hindi talaga! Hinding-hindi!" natatawa na lang akong sumunod na dito sa pagsakay ng van. Ako, si Ian, si Apol at ang boyfriend nitong si Anton ang magkakasamang bumiyahe. Imbitado rin si Apol sa kasal kahit na hindi ito kasali sa wedding entourage. Huling lumulan si Ian. Pagsakay ay umakbay siya sa akin. Bahagyang nagkabuhol Ang aking hininga sa ginawa nito. Hindi nakalusot sa pandinig ko ang pagsinghap ni Apol na kinikilig pa sa aming likuran. Nilingon ko ito at inirapan. It's almost lunchtime when we arrived at the airport. " Kuya Ian!" Isang may katangkarang lalaki ang tumawa kay Ian. Moreno din ito at may katangkaran. May pagkakahawig ito kay Ian. They almost have the same built of body, too. Mas nakaka-intimidate nga lang ang dating ni Ian. Francis has an aura of a boy next door. Nevertheless, they both look handsome on their own. "Francis!" tawag naman ni Ian dito. Nang magkalapit ay nagyakapan ang dalawa. Masayang nagkamustahan muna ang mga ito bago bumaling sa amin. " Siyanga nga pala! Ito ang ate Marsha mo. Si Apol at boyfriend niya si Anton. Mga dating kaklase sila ng ate Christina mo." Isa-isa niya kaming kinamayan. " Nice to finally meet you ate Marsha. Totoo nga ang kwento ni kuya. Mas maganda ka po sa personal," Nahihiyang napangiti ako sa sinabi nito. " N-nakukwento ako sa'yo ng kuya mo?" nang-uusisang tanong ko. " Oo naman ate! Pati kay Mama at Papa," nakangiting sagot pa nito. " Tsk! Mamaya na kwentuhan. Tara na! Anong dala mong sasakyan?" awat ni Ian dito. " Yong jeep kuya," maliksing sagot ni Francis. Naglakad na kami papunta sa parking area kung saan nakaparada ang jeep. " Bes, mukhang meeting the family na ang ganap mo! Ikaw na ba susunod na ikakasal?" bulong ni Apol sa gilid ko. Siniko ko ito at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hiningi ni Ian ang susi sa kapatid nito at nagsabing siya na lang ang magmamaneho nito. Sa tabi ng driver's seat niya ako pinaupo. Isang kindat ang ibinato niya sa akin bago tuluyang pinaandar ang jeep. Biglang Bumilis ang pagtahip ng puso ko sa aking dibdib dahil doon. Pinilit kong ibaling ang tingin sa daan ngunit di ko mapigilang mapasulyap sa kanya. Naglalabasan ang ugat sa kanyang braso sa tuwing kakambiyo o mamaniobrahin ang manibela. I've seen him drove his car before but him driving a jeepney is more captivating. He looks so hot doing it. Parang sanay na sanay ito sa ginagawa. Ang sarap niyang pagmasdan. Agad akong nagbawi ng tingin ng bigla itong bumaling sa akin. I bit my lips and clear my throat. " Nandito na sila!" narinig kong sigaw ng isang may katandaang babae pagkaparada ng aming sinasakyan. Tumingala ako at pinagmasdan mula sa aking kinauupuan Ang kabuuan ng bahay. It's an old ancestral house. Dalawang palapag ito na nakatayo sa gitna ng isang malawak na bakuran. Mukhang panahon pa ng Kastila ito naitayo base na rin sa disenyo ng kabuuang bahay. Tinulungan ako ni Ian na makababa ng jeep. Hawak kamay na naglakad kami paakyat ng hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng kaba. " Ian,hijo!" Bati kay Ian ng isang medyo may edad nang ginang. " Ma," nilapitan ito ni Ian at hinalikan sa pisngi. Masayang niyakap naman ito ng ginang. " Si Papa?" kapagkuwa'y tanong habol na tanong ni Ian. "Nasa likod bahay. Kasama ang mga tiyuhin at mga pinsan mo. Siya na ba si Marsha?" tanong nito habang humahakbang palapit sa akin. Alanganing ngiti ang pumunit sa aking labi. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib. Kinakabahan ako na di ko mawari. Palangiti at maamo ang bukas ng mukha ng ina ni Ian. Pero labis na kaba ang nararamdaman ko ngayong kaharap ko ito. " Siya ang mama ko, si Mrs. Rebecca Navarro. 'Ma so Marsha po," masayang pagpapakilala ni Ian. "Ikinagagalak kitang makilala hija," anito at niyakap ako ng mahigpit. Nag-aalangan man ay gumanti na rin ako ng yakap sa ginang. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap nito. It feels so welcoming and very motherly. " Nice meeting you din po," nahihiya na ganting bati ko. " Marsha!" narinig kong tawag sa akin ni Christina. Masayang nilingon ko ang kaibigan. Lumapit ito sa akin at nakipag-beso. " So totoo nga! Kayo na ba ni Kuya Ian?" naniningkit pa ang matang tanong nito habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Ian. " Ahmm..." hindi ako nakasagot sa tanong nito. Naumid bigla ang aking dila. Eh, bakit ba kasi ako ang tinatanong niya? Ayoko namang ako pa ang magsabi dahil pihadong kukulitin lang ako nito. May usapan kami ni Ian na dapat ang tatay ang unang makaalam ng tungkol sa relasyon naming dalawa. " Naku! ako rin gusto kong malaman ang real score. Napakashowy ng dalawang 'yan! Waiting din akong may umamin," ani Apol na nakatayo na sa tabi ni Christina. " Tama na muna ang daldalan. Halina kayo at mananghalian na tayo!" paanyaya ng mama ni Ian. Iginiya niya kami sa isang maluwag na bulwagan. May isang mahabang lamesa kung saan nakahain ang aming pananghalian. Isa-isa kaming ipinakilala ni Ian sa lahat. Ipinakilala rin niya ang kanyang ama. Ang bahay pala na ito ay pag-aari ng namayapang magulang ng kanyang ama. Panahon pa ng Kastila naitayo kung kaya't may katandaan na rin ang buong bahay. Namintina at napangalagaan lang ng maayos kung kaya't maayos pang tignan. Ngayon nga ay bahay bakasyunan ng buong angkan ng mga Navarro. Ang ama ni Ian at Ina ni Christina ay magkapatid. Kaya pala magkaiba sila ng apelyido. May sariling bahay sila Ian malapit dito. Pero dito muna sila tutuloy bago magcheck in sa hotel kung saan gaganapin ang kasal sa makalawa. Masayang nagkukwentuhan ang lahat habang nagsasalo-salo. Napakarami ng hinanda nilang pagkain. May bicol express, laing, inihaw na isda, seafoods at may litsong baboy pa. Akala mo fiesta sa dami ng nakahain. " Yown! May palitson. Mamamantikaan na naman ang mga nguso natin," tuwang-tuwang wika ni Francis na kakaupo lang sa katapat ng kinauupuan ko. " Ang sarap! Dapat talaga palaging may kinakasal para laging may litsong," dagdag na wika pa nito. " Ha'mo Kiko! May susunod talagang ikakasal," makahulugan namang bigkas ng ama ni Ian. Sabay-sabay tuloy nagsilingunan ang lahat sa kinauupuan ko. Nahihiyang napangiti na lamang ako. Si Ian naman ay tila hindi pansin ang mga makahulugang tingin ng lahat sa amin at nagpatuloy lamang sa masaganang pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD