Chapter 14

1610 Words
Pabalibag kong sinara ang pinto ng taxi pagkasakay ko. Sinabi ko agad ang address ng boutique na pupuntahan. Habang daan ay wala akong ibang iniisip kundi ang sinabi ng mga katrabaho. Sabi niya kahapon tatlong araw siya sa Davao. Kung gan'un dapat ay bukas pa ang balik niya. Siguro napaaga siya ng uwi. Pero bakit hindi man lang siya nagsabi? At bakit magkasama sila ni Amanda? Nabubuhay ang magkahalong inis at iritasyon sa dibdib ko sa mga naiisip. Bakit nga ba ako nakakaramdam ng inis at iritasyon? Siguro naiinis ako dahil hindi man lang siya nagsabi na nakabalik na pala siya. At naiirita dahil may kasama itong ibang babae. Bakit naman niya kailangang magsabi sa'yo? At bakit naman niya kailangang ipaalam ang gagawin sa'yo? For your information Marsha, manliligaw mo pa lang 'yon. Hindi pa kayo! Maaring naghalikan na kayo pero hindi pa rin kayo! Sawata ng isip ko. Napapikit ako at napahugot ng isang malalim na hininga. Masyado na yata akong nadadala ng aking emosyon. "Ma'am andito na po tayo," pukaw sa akin ng driver. Sumilip muna ako sa labas ng bintana para tignan kung nasa tamang bababaan ba ako. Matapos ay kumuha ako ng pera sa aking pitaka at iniabot na sa driver. " Salamat ho manong," sabi ko sabay baba na ng taxi. Pagpasok ng boutique ay agad kong nakita si Christina at Arthur na nakaupo sa waiting area ng shop na 'yon. Ang busangot kong mukha ay agad napalitan ng saya pagkakita sa magkasintahan. " Marsha!" tuwang-tuwang bati ni Christina pagkakita sa akin. Masaya kaming nagyakapan. Si Arthur ay lumapit din upang bumati sa akin. " Wala pa 'yong magiging partner mo. Mukhang malelate pa. Gusto mo bang mauna ng magsukat?" tanong sa akin ni Christina. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Tinawag ni Christina ang isa sa mga staff na naroroon. Iginiya ako nito sa isa sa mga maliit na fitting rooms nila roon kung saan pwede akong magpalit ng damit. Pagpasok ay iniabot sa akin ng staff ang isang peach colored infinity dress. Pumasok ako sa loob ng nakabagsak na kurtinang partisyon. Isa-isa kong hinubad ang aking damit. Mabuti na lang at pwedeng gawing strapless ang suot kong bra. It's a floor length infinity dress. Ang malambot na tela nito ay humahakab sa kabuuan ko. Showing off the curves of my body. " Ang ganda-ganda mo naman ma'am!" palatak ng bading na staff pagkahawi ko ng kurtina. "Salamat," ani ko na may kasamang tipid na ngiti. " Nakakainggit ang beywang mo ma'am! Ang liit at ang sexy sexy mo pa. Sana all mukhang barbie! Ako kasi ma'am mukha namang manika, si Chuckie nga lang ang kamukha, " dagdag pa nito na nagpatawa sa akin. I turned around and looked at myself in the mirror on the wall. I smiled at my own reflection. Bumagay ang kulay ng suot ko sa aking balat. Mas napatingkad nito ang aking kaputian. Maging ang kurba ng aking katawan ay litaw na litaw rin. Sino bang mag-aakalang trenta y uno anyos na ako. Napalingon ako sa pinto ng makarinig ng mahihinang katok. Pinagbuksan naman ito ng staff. " Grabe Marsh! Ang sexy mo talaga. Bagay na bagay sa'yo at ang ganda ganda mo! Parang gusto ko ng pagsisihan kung bakit ikaw ang kinuha ko para maging bridesmaid," palatak ni Christina pagbungad nito sa pinto. " Sira! Nagmana na lang ako sa'yo," ganting biro ko habang tumatawa. " Anyway, andito na 'yong magiging partner mo. 'Yong pinsan kong sinasabi ko sa'yo!" Mula sa likod nito ay sumulpot si Arthur. Ngunit nanigas ako sa kinatatayuan ng makilala ang lalaking kasunod nito. " Marsha?" gulat na sambit ni Ian. Matapos ay nasisiyahang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba at hiya. " Magkakilala na kayo?" takang tanong ni Christina. " No!" " Yes!" Magkasabay naming sagot ni Ian. Nalilitong nagpalipat-lipat ng tingin sa amin si Christina. Habang si Arthur ay nangingiti na nakamasid lang sa gilid nito. Maging si Ian ay natigilan sa sagot ko. " We're in the same company," kumpirma ni Ian. Kunot noo na nakatingin si Ian sa akin. Isang matalim na pukol naman ang iginanti ko. " Yon naman pala! Marsha, siya 'yong sinasabi kong pinsan ko. Si kuya Ian," pagpapakilala pa ni Christina. Tipid akong ngumiti. Muling nabuhay ang inis at iritasyong nararamdaman ko kanina. At ngayong napagtanto ko ang dahilan kung bakit siya nandito ay mas lalo akong naiinis. Isang irap ang pinakawalan ko. " Pwede na ba akong magpalit ng damit?" tanong ko kay Christina. " Pwede na. Sandali okay na ba sa'yo yang suot mo. May iba pang designs na nakaready- " Okay na 'to!" putol ko sa sasabihin ni Christina. " Okay hintayin ka na lang namin sa labas," paalam ni Christina. Pero hindi ko na inintindi pa ang sasabihin nito. Tumalikod na ako at tumungo sa nahawing kurtina. Agad ko itong isinarado at nagmamadaling nagsimula na akong maghubad. Naibaba ko na ang kalahati ng suot at nakahantad ang aking dibdib na natatakpan na lamang ng aking itim na strapless bra. Akmang ibaba ko na ang dress mula sa aking beywang ng biglang may humawi ng nakatabing na kurtina. Napatili ako sa sobrang gulat at agad napatakip sa aking dibdib. " Let's talk Marsha," si Ian nahalatang nagulat din sa nakitang ayos ko. Napalunok pa ito ng laway dahil kitang kita ko ang paggalaw ng kanyang Adam's apple. " God dammit Ian! Hindi ka ba makapaghintay. Nagbibihis pa ako," singhal ko dito at bahagya pang napataas ang boses ko. " Tsaka bakit ka ba nanggugulat? Basta ka lang nanghahawi ng kurtina! Do'n ka na nga!" dagdag ko pa. Nanggigil na ako sa sobrang inis. " Mag-usap tayo," sa malambot na tinig ay sagot nito. Hindi pa rin ito umaalis. At mukhang wala talagang planong umalis. Nananatili lang itong nakatayo at matiim na na nakatingin sa akin. Padarag na inabot ko ang nakasabit kong blusa. Tumalikod ako habang isinusuot at isa-isang ibinubutones iyon. Nanginginig ang aking kamay sa dala ng labis na kaba. Hinawi ko muna ang aking buhok bago inabot ang aking palda. Isinuot ko muna ito bago tuluyang hinubad ang infinity dress na suot. Matapos ay lumabas na ako. Hinablot ko ang aking bag na nakapatong sa upuan na naroroon. Akmang lalabas na ako ng silid ng hilahin ako ni Ian. Isinandal niya ako sa pader at agad akong inipit ng mga matipuno niyang braso. " Ano ba Ian? Bitawan mo ako!" palag ko. " Sabi ko mag-usap tayo," anito. " Ayoko!" tanggi ko. " Ano bang problema? Bakit ang sungit-sungit mo?" magkasunod na tanong niya sa akin. Nakatitig siya sa akin at pilit na hinuhuli ang aking mata. "Wala nga! At wala kang pakialam! Bitawan mo ako!" " Wala? Eh, bakit ka nagkakaganyan?" "Ano bang paki mo? Sino ka ba? Pakawalan mo ako! Gusto ko ng umuwi!" " Sabihin mo na nga! Bakit ang sungit mo? Ano bang nangyari?" Halatang naiinis na rin si Ian. Naiiyak na ako sa labis na magkahalong inis at iritasyong nararamdaman. Unti-unting pamumuo ng luha sa sulok ng aking mga mata. I tried to blink to stop it from falling down but a tear escape my eyes and roll down my cheek. " Your crying. Why are you crying my sweet mallows?" he whispered with a voice full of worry. He let go of my arms and cupped my face. Ang kanyang hinlalaki ay marahang humaplos sa aking pisngi at tinuyo ang naglandas kong luha. Ngunit mas lalo lang umaagos ang luha ko sa ginagawa niya. I bit my lips to stop from escaping my mouth. Hinawi ko ang mga kamay niya. Pinalis ko ang sariling luha bago pinihit ang seradura ng pinto. Tuloy-tuloy akong lumabas ng hindi siya nililingon. Ibinigay ko ang hawak na dress kay Christina. " Mauuna na ako, ipadala mo na lang sa bahay 'to," nagmamadaling paalam ko sa kanila ni Arthur. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila. Lumabas na ako ng shop na 'yon. " Marsha!" narinig kong habol na tawag sa akin ni Ian bago pa tuluyang sumarado ang glass door. Nagkunwari akong hindi siya narinig. Agad kong pinara ang unang taxi na dumaan. Ngunit may lulan itong pasahero kaya hindi ito huminto. Muli kong pinara ang sumunod na taxi. Ngunit tulad ng nauna ay may pasahero din ito. Bwesit! Kung kailan kailangan ko ng taxi 'tsaka naman walang humihinto. Hindi pa naman rush hour ah! Kailangan ko ng makaalis rito. Gusto kong makalayo agad sa lugar na 'to. Tinaas kong muli ang aking kamay upang parahin ang isa pang taxing paparating. Ngunit agad isang tila kamay na bakal ang pumigil sa akin. "Let's talk Marsha," anito sa madiin na boses. " Bitawan mo ako!" asik ko dito. Pero ayaw niya akong bitawan kahit anong pagpupumiglas ko. Nakikipaghilahan ako sa aking braso na mahigpit niyang hawak. May mangilan-ngilan pang tao sa paligid na napapatigil at nakatingin sa amin. Maging si Christina, Arthur at ang ilang staff ng boutique shop ay nakita kong nakatanaw sa amin mula sa glass window ng shop. Naglakad ako ng mabilis palayo kay Ian ng sa wakas ay makawala ako sa pagkakahawak niya. Ngunit ayaw niya talaga akong tigilan. Muli niya akong hinaklit sa braso at hinila palapit sa isamg nakaparadang sasakyan sa malapit. Pilit niya akong isinakay dito. " Mag-uusap tayo bago kita pakawalan!" umiigting ang pangang sabi niya bago isinarado ang pinto mg sasakyan. Umikot ito at umupo sa driver's seat. Inayos muna niya ang sariling seatbelt maging ang seatbelt sa inuupuan ko bago nagmaniobra at pinaandar ng sasakyan. " I've only been gone for almost two days and f**k! this happens," iritadong sambit pa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD