Chapter 13

1247 Words
" May bago sa'yo. Iba ang aura mo today besh," puna sa akin ni Apol pagpasok kinabukasan. " Hmmm...bago lipstick mo?" anito sa mapanuri at naniningkit pang mata. " Teka! Eh, hindi ka naman mahilig maglipstick ah!" dagdag komento pa nito. " Tigilan mo nga ako Apol. Ang aga-aga ang ingay-ingay mo," saway ko. " Aysus! Ang sabihin mo meron kang hindi sinasabi sa akin. Ikaw ha! nagiging malihim ka na," my himig pagtatampong bigkas ni Apol. " Nililihim ka diyan! Di ba pwedeng mag-eexpire na kasi lipstick ko? Tinry ko ngayon kasi sayang. Doon ka na nga sa table mo! Ang ingay ingay mo di ako makapagtrabaho," muli kong taboy dito. Maya-maya ay lumapit ang guard at may iniabot sa aking paperbag. I smiled when I see a cup of my favorite coffee inside. My phone beeped. A text came in. It's from Ian. Ian: Good morning my mallows. I hope you receive your cup of coffee by now. Mas lumuwang ang aking ngiti sa labi. Umupo muna ako sa aking swivel chair bago nagtipa ng reply. Me: Good morning. Oo, natanggap ko na. Salamat sa pakape. Kagat labing pinindot ko ang send button. Di pa man nagtatagal ay tumunog ulit ito. Ian: Nasa biyahe ako ngayon papuntang Davao. Scheduled site visit. I'll be back after three days. I type for a reply again. Me: Okay. Ingat ka. I put down my phone. Pero segundo pa lamang ang nagdaan ay tumunog muli ito. Ian: Can't wait to see you again. See you in three days my mallows. Kagat labing nagpigil akong ngumiti. Then flashes of what happened last night come flooding my mind. He kissed me. And I kissed him back. We kissed each other until we can no longer breath. Pagkatapos ay nagpaalam na itong umuwi. Naiwan akong nangingiti sa may pinto ng bahay habang nakatanaw sa kanya na papaalis. Hindi ko alam kung anong tumakbo sa isip ko. Pero pumayag ako na mahalikan niya ako. At gumanti rin ako ng halik sa kanya. Maybe it's not my mind that is urging me anymore. Maybe it's my heart that is taking over. Maybe I am finally coming out of my shell and letting myself fall in. Siguro nga. Siguro nga nahuhulog na talaga ako sa kanya. Siguro nga may nararamdaman na ako sa kanya. Imposible namang pag-ibig na agad ang nararamdaman ko para kay Ian. Sandaling panahon pa lamang ang lumilipas simula ng makilala ko siya. At hindi pa nagtatagal simula ng magsabi siyang liligawan niya ako. At mas lalong hindi pwedeng tawaging pagmamahal na agad ang nararamdaman ko. All that is happening and all that I am feeling is all new to me. Ang kainosentihan ko sa mga ganitong bagay sa kabila ng edad ko marahil ang dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Maybe it's all just a natural feeling after all. *** " Ate, nakahanap na ako ng maari mong pasukan dito sa Vancouver. Hindi ka na mahihirapan kung sakaling pumayag ka na dito ka na din sa Canada magtrabaho," aniya ng kapatid kong si Mark. Kausap ko ito ngayon sa video call habang nanananghalian. Wala si Apol ngayon dahil may inaasikaso sa warehouse. Wala din si Ian dahil bukas pa ang balik galing Davao. Wala akong kasabay magtanghalian kaya dito na lang ako sa pantry ng office kumakain mag-isa. Nilalantakan ko ang inorder kong pagkain ng tumawag ito. Kinukulit ako sa pag-aapply ng trabaho sa Canada. " Pero Mark, ayokong iwan sila tatay dito. Lalo na ngayon. Hindi pa magaling na magaling ang tatay," katwiran ko. " Ate pag-isipan mo munang mabuti ang iniaalok ko. Ayaw mo bang magkaroon ng mas magandang buhay? O kahit makarating man lang ng ibang bansa?" pamimilit pa ni Mark. Isang malalim na buntong hininga muna ang aking pinakawalan. Matapos ay nangalumbaba ako. " Hindi naman sa ganoon Mark. Hindi lang ako komportable na maiiwan ko sila tatay," paliwanag ko. " Ate, pansamantala lang naman. In six to eigths months at makaipon ka na, pwede na nating pagtulungan para makapunta na rin dito sila tatay. Maraming opportunity dito para mas maging maganda kinabukasan ng pamilya natin ate," saad pa ni Mark. " Hindi 'yon magiging gan'un kadali," dagdag ko pa. " Naku ate! Hindi magiging gan'un kadali o may ayaw ka lang iwan diyan sa 'Pinas?" nang-iintrigang tanong ni Mark. Napatigil ako sa pag-inom ng tubig. Muntik pa akong masamid sa sinabi nito. " Pinagsasabi mo," paiwas na sagot ko. " Uy! Ang ate, nagdedeny pa! Alam ko namang may manliligaw ka diyan. Nakuwento na sa akin ni tatay. Kung gusto mo naman ng mag-asawa, pwedeng pwede na 'te! Gustong-gusto rin namin ni tatay na mag-asawa ka at magkaroon ng sariling pamilya. Kami na lang palagi mong iniintindi. Paminsan-minsan ate, hindi masamang sundin ang sariling kapakanan. Your not that young anymore. Naunahan na nga kitang magkapamilya. Gusto ko rin namang maging masaya ka. Gusto ko rin tanggalin na sa balikat mo ang pagpasan palagi sa pamilya natin. At kung maibibigay natin kina tatay ang magandang buhay ng mas maaga eh, mas maganda 'yon. Magkakaroon ka ng mas mahabang oras para habulin ang mga naudlot mong pangarap at kaligayahan," mahabang litanya ng kapatid ko. I suddenly became teary eyed. All his words dawned at me and it was all heartfelt. Lahat ng sinabi niya, lahat ng 'yon ay gusto ko rin namang mangyari. " O siya sige na po kuya! Pagdiinan mo pa talagang di na ako bumabata. Gagawin ko na po ang sinasabi mo. Susubukan ko na pong mag-apply," pabirong sagot ko habang pasimpleng pinapahid ang luhang namuo sa sulok ng aking mga mata. " Wag mong subukan ate! Gawin mo! Send ko sa e-mail mo 'yong application form. Fill up mo agad at ipasa," bilin pa ni Mark. " Oo nga po, kulit!" naiiritang sagot niya na nagpatawa sa kapatid. Iiling- iling na nagpaalam na siya dito at pinutol na ang tawag. Hindi ko muna ibinaba ang phone ko. I scrolled down on my social media accounts while I continued on eating my lunch. Christina: Don't forget, be there at 4pm later. See you! Text message iyon na pumasok mula kay Christina. Oo nga pala! Ngayon ang napag- usapan naming petsa para makapagsukat ako ng susuotong gown para sa kasal nito. Hindi kasi ako naka-attend sa date na naunang ibinigay nito dahil nga sa nagbabantay ako kay tatay sa ospital. Hindi rin daw naka-attend ang kapareha ko kaya nireschedule kaming magpartner. Kailangan ko ng matapos ng mas maaga ang report na ginagawa para makapag-out ako ng maaga. Isinilid ko ang phone sa bulsa ng aking pang itaas na uniporme. Tumayo na ako at akmang liligpitin ang kinainan ng pumasok ang dalawa sa mga accounting staff. Si Jean at Ate Wena. " Oh! Marsha, bakit mag-isa ka ditong kumain?" nagtatakang tanong ni Ate Wena. " Wala po kasi si Apol ngayon. Nasa warehouse," nakangiting sagot ko. " Eh, bakit di ka sumabay kina Sir Ian? 'Di ba palagi kayong magkasabay kumain n'on?" tanong naman ni Jean. Napalis ang ngiti ko sa labi, " Si Sir Ian?" " Oo, nadaanan namin sila kanina ni Amanda na magkasama sa isang restaurant diyan sa malapit. Akala ko nga kasama ka nila. Hindi naman na kami lumapit. Aba'y ang sweet kaya ng dalawa, sinusubuan pa ni Amanda si Sir Ian," dugtong naman ni Ate Wena habang sinasalinan ang hawak na baunan ng tubig mula sa water dispenser na naroon. Matapos ay lumabas na ang dalawa. Naiwan akong nakatanga at nag-iisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD