Tinotoo ni Ian ang sinabi nito. Dahil kinabukasan, sumisikat pa lang ang araw ay naroon na itong muli sa ospital.
" Good morning, coffee?" alok nito sa akin na may malapad na ngiti sa labi. Nagkatitigan kami. I shyly smiled. Nahihiya akong tumitig sa kanya ng matagal. Naalala ko ang ginawa ko kagabi. I kissed him on the cheeks. Ako na isang N.B.S.B ang siya pang nanghalik. Ian stayed for a while. Nagpapapalam lang na aalis ng papasok na sa trabaho. Pero pagdating ng gabi ay bumalik din.
It went on for days. He would always passed by the hospital every morning to bring me coffee. Then eventually comes back by night with our dinner. Hanggang sa abisuhan kami ng doktor na makakalabas na ang tatay. Nagprisinta pa itong ihatid kami sa bahay pag-uwi. Hindi pa makalakad ng maayos si Tatay. Kaya malaking bagay na nandiyan si Ian. Siya ang naging katuwang ko sa pag-alalay kay tatay. I'm on indefinite leave. Kaya hindi pa ako nakakapasok sa opisina. Kapag nasiguro ko na maayos na maayos na ang lagay ng Tatay ay saka na ako papasok.
" Magandang gabi ho Mang Johnny," mula sa kusina ay rinig ko ang pagbati ng pamilyar na baritonong tinig.
" Oh! Ian, tuloy ka!" Narinig kong pagpapatuloy ni Tatay.
Dali-dali akong nagpunas ng pawis gamit ang bimpo na nakasampay sa balikat ko. Inamoy ko ang sariling damit. Amoy ulam na ako. Binagoongang baboy pa naman ang niluto ko. Nacoconscious ako sa amoy at sa hitsura ko.
" Hi Mallows," narinig kong bati sa akin ni Ian sa bandang likuran ko. Pumasok na pala ito sa kusina ng di ko namamalayan. May bitbit itong plastik ng mga prutas at ang isa ay isang box ng donuts. Nilapag niya 'yon sa lamesa. Tipid ko siyang nginitian. Ang bilis na naman ng t***k ng puso ko. Nakakakaba ang presensiya niya na hindi ko magawang magsalita.
Nanatili lang kaming nakatayo habang nakatunghay sa isa't isa. He looks so damn good on his untucked button down shirt and tight faded jeans with his hair slightly dishiveled. Maghapon na ito sa trabaho pero mukhang mabango at fresh pa rin. Samantalang ako, nanggigitata na amoy bagoong pa.
" Ano 'yang niluluto mo?" kapagkuway tanong niya.
'Tsaka lang ako natauhan at naalalang may niluluto pala ako. Pumihit ako paharap sa kalan at pinatay ang apoy.
" Uy, Binagoongan!" bahagya pa akong napaigtad sa gulat ng magsalita siya sa likuran ko, sa tapat ng batok ko. Pagtingala ko ay muntik pang magtama ang aming mga labi. Nalanghap ko tuloy ang kanyang mabangong hininga. Tila may mga kulisap na biglang nagliparan sa loob ng aking tiyan. Nahigit ko ang sariling hininga at napakagat ng aking labi. He's too close to me.
" Pwede tikman," pabulong at tila ito isang batang paslit na nakikiusap. 'Tsaka lamang ako natauhan. Kumuha ako ng kutsara, sumandok ng kaunti at iniumang dito. Ngunit muli kong nahigit ang hininga ng imbes na kunin ay hinawakan niya ang kamay ko. Isinubo niya ang kutsara at kinain ang laman niyon. Mas lalong bumilis ang pagtahip ng puso ko sa kaba. Nagmukha tuloy na sinusubuan ko siya. Hindi pa niya agad binitiwan ang kamay ko.
" Ang sarap!" tuwang-tuwang puri niya habang ngumunguya.
" Hmp! Bola! Gusto mo lang makikain eh!" may pagsusungit na sambit ko sabay hila sa kamay kong di niya 'ata balak bitawan. Hindi ko kinakaya ang aming pagkakalapit kaya tinungo ko ang lagayan ng mga plato at inabala ang sarili sa paghahain.
Natawa ito sa sinabi ko. " Pwede ba?" pabirong sagot pa nito.
" Sabi ko na!" Tanging nasambit ko. Tawang-tawa naman ito sa naging reaksyon ko.
" Kuya Ian! Pasalubong ko?" tuwang bulalas ng kapatid kong si Otep pagpasok ng kusina. Nakipag-apir muna dito si Ian.
" Siyempre meron! Malakas ka kaya sa'kin," masiglang sagot ni Ian.
" Yown! Kaya boto ako sa'yo kuya, solid!" palatak ng kapatid ko na may kasabay pang palakpak.
" Hoy Otep! Pinagsasabi mo! Alalayan mo na si tatay at kakain na tayo," saway ko sa kapatid na may kasamang taas ng kilay. Ngingiti-ngiting napakamot naman si Otep sa ulo nito.
" Tulungan mo na lang ate mo. Ako na aalalay kay tatay," sansala naman ni Ian sabay labas ng kusina. Tumalima naman si Otep at tinulungan ako sa paghahain.
Pagbalik ay akay-akay na ni Ian ang tatay. 'Di pa masyadong makalakad ng maayos si Tatay dahil sa natamong sugat sa hita. Pero kahit paano ay naigagalaw na niya ito.
Tinulungan ito ni Ian hanggang makaupo ito ng maayos. Masaya kaming nagsalo-salo sa hinanda kong hapunan. Buhay na buhay ang hapag habang masayang nakikipagkwentuhan si Ian kay Tatay at sa mga kapatid ko. Tahimik ko silang minamasdan habang kumakain. Di ko napigilan, lihim akong napangiti. Palagay na palagay ang loob ng tatay at ng mga kapatid ko kay Ian. They all have wonderful smiles on their faces while talking to him. Sa sandaling panahon ay akala mo bahagi na ng pamilya ang turing ng mga ito sa kanya.
Siguro kung sasagutin ko ito at maging kami ay tiyak na ikatutuwa ito lalo ng pamilya ko. Pero pag hindi ay baka masaktan lamang sila. Bigla akong nakaramdam ng takot. Ngayon ko na lang ulit nakitang ganito kasaya ang mga kapatid ko at ang tatay. Natatakot akong maudlot ang kasiyahan nila. Kaya sana hindi mangyari ang kinakatakutan ko.
Matapos maghapunan ay nagprisinta na si Jay na siya na lang ang magliligpit ng kinainan. Si tatay at Ian naman ay naupo banda sa sala. Nagpatuloy sa kwentuhan habang nagkakape. Nagpaalam muna akong aakyat ng silid upang makapaglinis ng sarili. Pagkatapos ay bumaba ako. Wala ng tao sa sala. Nakapatay na rin ang ilaw sa kusina. At mukhang nasa kani-kanilang silid na rin ang mga kapatid ko. Pipihit na sana ako papasok ng silid ni tatay ng biglang bumukas ang pinto nito at lumabas mula roon si Ian. He locked his eyes on me. Kitang- kita ko ang paggalaw ng kanyang adam's apple. Ramdam ko rin ang paghagod ng tingin niya sa aking katawan. Isang oversized shirt ang suot kong pantulog na humahakab sa aking pigura. Sleeveless 'yon kaya litaw ang aking mga braso. Komportable ako rito kaya ganito lagi ang suot ko pag matutulog. Dahil nakatingin ako sa kanya kaya kita ko rin ang tila malalim niyang paghugot ng hininga. Malalagkit at mabibigat ang mga titig na ipinupukol niya sa akin. Kung kaya't di ko maiwasang makaramdam ng init mula sa kaibuturan ng aking pagkatao dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. I gulped and try to clear my throat.
" Ahm...ang tatay?" tanong ko.
" Matutulog na raw kaya tinulungan ko ng makapasok sa kwarto niya," sagot nito na hindi pa rin bumibitaw ng titig sa akin.
" G-ganun ba? O-okay." Nauutal ako kaya muli akong tumikhim bago magsalita." Uuwi ka na ba?"
Tumango siya bilang tugon sa akin. Naglakad ito papunta sa pinto palabas ng bahay habang nakasunod ako.
" Salamat pala sa pagbisita. Palagi ka na lang may dalang pasalubong. Naabala ka na namin ng husto," pasasalamat ko.
Hawak na nito ang doorknob at pipihitin na sana ng isang sulyap ang iginawad niya sa'kin.
"Salamat ulit," naasiwang sambit ko. I'm getting more anxious with his every stare. Para kasing may nais ipakahulugan ang mga titig niya na hindi ko mawari.
Napadiretso ako ng tayo ng bigla ay hilahin niya ako. Isinandal niya ako sa nakapinid na pinto at ikinulong sa kanyang katawan. Ang isang kamay niya ay nakatukod sa magkabilang gilid ko. Bigla ang paghampas ng malakas na pintig ng puso ko sa aking dibdib. Matapos ay yumuko siya at inilapat ang kanyang labi sa akin. Nanlalaki ang mata ko sa gulat. Nanigas ako sa kinatatayuan at hindi agad nakakilos. Nakapikit ang kanyang mata habang ako'y kanyang hinahalikan. Marubdob at puno ng pag-aasam na ginagalugad ng labi niya ang aking bibig. It's my first real kiss. I don't know how to kiss back. I could feel myself gasping for air while his kisses is drowning me. I can't cope up with the way his kissing me.. The sensation that it's bringing me is too powerful that my body started to heat up. Sinisipsip habang marahang kinakagat niya pa ang aking labi. Ang kanyang mga kamay na kaninang nakatukod sa gilid ko ngayon ay marahang pumipisil sa bewang ko. A moan escape my mouth. I can't help it. The sensation is getting too much for me to handle.
" I've always wanted to know how would it feels like kissing that sexy lips of yours..." namamaos at hinihingal na bulong niya sa akin.
"Patawad, kung hindi ako nakapagpigil. Sampalin mo ako kung gusto mo. Pero gusto ko ulit matikman ang labi mo." At muli ay inangkin niya ang labi ko. Pinikit ko ang aking mga mata at muling nagpatianod. I don't know how long he kissed me but we kissed, until I found myself copying the movement of his lips. We kissed, until we're both gasping for air. We kissed, until I couldn't even remember when we stopped.