Chapter 11

2480 Words
" Ikaw talaga Apolinario! 'Yang bibig mo walang preno," baling ko kay Apol sabay hila sa dulo ng buhok nito. " Arouch! Besh! Ang beauty ko, nasasaktan!" maarteng daing nito habang iniipit sa gilid ng tenga ang ilang hibla ng buhok nito na bahagyang nagulo dahil sa paghila ko. " Ano'ng hinihirit mo diyan kay Sir Ian na mas namimiss ko siya?" iritableng tanong ko sabay halukipkip ng mga braso ko sa ibabaw ng dibdib ko. " Naku Marsha! Kilala kita! Halatang-halata naman na miss mo 'yong tao. Kitang-kita kaya sa kilos mo!" nakataas pa ang kilay na sagot ni Apol habang nakapameywang. " Eh bakit kailangan ka pang magsabi ng ganoon?" pagsusungit ko pa. " So inaamin mo na namiss mo nga si Sir Ian?" pangungulit pa ni Apol sa akin. " Ewan ko sa'yo. Alis na nga! 'Tsupe!" taboy ko sa kaibigan. " Talagang ewan ko sa'yo Marsha! Pakipot masyado. Landi-landi din pag may time. Ang gwapo-gwapo pa naman ni Sir Ian ngayon. Sige ka maunahan ka pa ng iba! Magsisi ka bigla," tatawa-tawang habol pa ni Apol. Salubong ang kilay na sinundan ko na lamang ito ng tingin. Biglang nagring ang telepono sa mesa ko. " HOME Builders, good morning!" Bati ko sa kabilang linya. " H-hello a-ate..." boses 'yon ng kapatid kong si Otep. " Otep? Napatawag ka?" " Ate...kasi, ang tatay..." naiiyak na sagot ni Otep sa kabilang linya. " Anong nangyari kay tatay?" napalakas ang pagkakasabi ko kaya napatingin sa akin si Apol. " Naaksidente po. Sinugod po sa ospital. Bilin po sa'kin ni kuya Jay tawagan kayo, " humihikbing kwento ng kapatid ko. Bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib ko. " Saang ospital? Oh! Sige. Tawagan mo ang kuya Jay mo. Sabihin mo papunta na ako," Nanginginig ang kamay na binaba ko ang telepono. Agad kong kinuha ang aking bag. " Apol, ikaw na munang bahala dito. Ipaalam mo na muna ako kay boss. Kailangan kong umuwi. Naaksidente ang tatay," garalgal ang tinig na paliwanag ko. " Ha! O sige, sige! Mag-iingat ka," gulat na wika ni Apol sabay pihit ko papunta sa pinto. Biglaan ang naging galaw ko kaya sa pag-ikot ko ay tumama ako sa nakasalubong at muntik pang matumba. " Marsha! Are you okay?" si Sir Ian pala ang nakabangga ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat upang hindi ako tuluyang matumba. " Nagmamadali ka, sa'n ang punta mo?" may bahid pag-aalalang tanong niya sa akin. " K-kailangan kong u-umuwi. A-ang tatay naaksidente!" nanginginig na ako sa nerbiyos at sobrang pag-aalala para kay tatay. Kaya ng magprisinta itong samahan ako ay hindi na ako tumanggi. May dala raw kasi siyang sasakyan kaya mas mapapabilis kung doon na ako sasakay. "Jay!" tawag ko sa kapatid ng makita itong nakaupo sa waiting area pagpasok ng emergency room. "Ate!" Agad itong tumayo at sinalubong ako ng yakap. Ngunit nahintakutan ako ng makita ang mga bahid ng dugo sa suot nito. " Ano bang nangyari? Nasa'n ang tatay?" pagkaupo ay agad na usisa ko. " Nasa trauma room pa po at ginagamot. Hindi ko po nakita kung ano talaga ang nangyari? Pero ang sabi po sa terminal ay sinalpok raw ng jeep ang tricycle ni tatay. Nawalan ng preno 'yong jeep kaya ayun! Bumangga sa tricycle ni tatay. Dinala na ng mga pulis sa presinto yong drayber ng jeep ate. Napasugod po ako kaagad sa pinangyarihan ng aksidente ng tawagan ako ng isa sa mga kasamahan ni tatay sa terminal," salaysay ng kapatid ko. Tinukod ko ang aking mga siko sa ibabaw ng aking hita at sinapo ko ang aking ulo. Natatakot ako. Labis ang kabang nararamdaman ko para kay tatay. Napaayos ako ng upo ng may lumabas na doktor at sinambit ang pangalan ng tatay. " Bantay po ni Mister Gatchalian?" ani ng doktor. Agad kaming lumapit ni Jay. " Kami po ang mga anak. Kamusta po ang tatay?" nag-aalalang tanong ko. " Stable naman po ang pasyente sa ngayon. Unconscious nga lang dahil na rin sa epekto ng anestesiya. Natahi na namin ang malaking sugat sa hita niya pati na rin ang ibang galos at sugat na natamo niya sa iba't ibang parte ng katawan. We still need to run some tests though, to check for possible fractures or other injuries. After ay pwede nang mailipat ng kwarto ang tatay 'nyo. I'll let the nurse inform you pag pwede 'nyo na siyang makita at pag nailipat na ng kwarto," paliwanag ng doktor. " Thank you doc," pasalamat ko sa lalaking doctor na sinuklian nito ng isang tipid na ngiti. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Kailangan kong kumalma para makapag-isip ng maayos. " Jay umuwi ka muna para makapagpalit ka ng damit mo. Asikasuhin mo muna sila Otep at Boyet sa bahay. Ako na muna ang bahala dito kay tatay," baling ko sa kapatid. Kinuha ko ang wallet sa bag ko at dumukot ng pera." Bumili ka na rin ng pagkain bago umuwi. Siguradong gutom na sila Otep at Boyet," dagdag na bilin ko. " Okay ka lang ba dito ate? " tanong sa akin ni Jay sabay sulyap sa lalaking katabi ko. May halong pagdududa ang tingin ni Jay dito. Oo nga pala! Nawaglit sa isipan ko. Kasama ko pala si Ian. " Oo Jay. Sige na," tipid akong ngumiti kay Jay. Assuring him that I'm really okay. Tinanguan naman ako nito at nagpaalam na. Nahahapong muli akong naupo. Nakakapanghina ng loob ang magkahalong takot at kaba na nararamdaman ko. Ayoko sa loob ng ospital. Ang alaala ng mga huling sandali ni nanay ang naaalala ko tuwing nakakapasok ako ng ospital. I closed my eyes when flashbacks of how my mother passed away floods my memories. Maraming taon na ang nakalipas pero masakit pa rin sa tuwing naalala ko ang pagpanaw ni nanay. I was still young back then. I was only eighteen when she departed from us. Takot na takot ako noon. Dahil hindi ko alam kung paano na kami ng mga kapatid ko? Paano na ang tatay? At paano na magiging buhay namin pag wala na ang nanay. At ngayon, nandito na naman ako sa loob ng ospital. Ang tatay naman ang naaksidente. Mas matanda at mas may isip na ako ngayon. Pero labis pa rin ang takot na nararamdaman ko. Isipin pa lang na maaring mawala si Tatay sa amin ay nanlalambot na ako. Hindi ko pa kaya. At alam kong kahit kailan, walang anak na handang mawalan ng magulang. Pasimple kong pinunasan ang naglandas na luha sa aking pisngi. Pero nasundan pa ang patak ng luha ko hanggang sa impit na pala akong humihikbi. Ngunit natigilan ako ng iabot sa akin ni Ian ang isang puting panyo. Inabot ko naman 'yon at agad na pinunas sa mukha. " Magiging okay rin ang tatay mo. 'Wag ka ng umiyak. 'Eto tubig. Uminom ka muna para kumalma ka," sabay abot nito sa akin ng isang bote ng mineral water. " Salamat," uminom muna ako bago nagsalita. " Pasensiya ka na Sir Ian, naistorbo kita. Pati tuloy ikaw absent ngayon sa trabaho," hinging paumanhin ko. " Wala 'yon," maikling sagot nito. " Ian na lang itawag mo sa'kin, huwag ng sir." " Salamat talaga," ulit kong pasasalamat at tipid na ngumiti sa kanya. Mataman ko siyang tinitigan. Isang mahabang katahimikan ang dumaan pagkatapos. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Ni hindi ko magawang kumurap habang nakatitig sa mga kulay abo nitong mata. There's something in his eyes that makes me feel so mesmerized. Making it hard for me to let go of his stare. At kahit papa'no kumalma ang puso ko. Naputol ang aming titigan ng may lumapit sa aming nurse. Inabisuhan kami na pwede ng makita si Tatay sa kwartong pinaglipatan dito. Kailangan kong lakasan ang loob ko. Hindi na dapat ako umiyak. Pero ng makita ko ang kalunos-lunos na hitsura ni tatay ay muling bumalong ang luha ko. May benda ito sa bandang ulo. Namamaga pa ang kaliwang pisngi at nakasuot ng neck brace. Nakakaawa ang hitsura ni tatay. Hindi kinakaya ng puso ko ang makita itong nakaratay. Umupo ako sa silyang nasa gilid ng hospital bed at marahang hinawakan ang kamay ng tatay. Kanina may pulis na dumating dito. Tinatanong kung kakasuhan ba namin ang drayber ng jeep na nakadisgrasya kay tatay. Hindi rin daw kasi madadaan sa areglo dahil walang maibibigay na danyos 'yong drayber. Tumanggi ako. Ayoko ng gulo. Sapat na sa akin na buhay ang tatay. Nakakaawa naman ang pamilya ng drayber pag nakulong ito. Napalingon ako sa pinto ng may kumatok at marahang bumukas ito. Iniluwal nito si Ian na may bitbit na mga paperbag sa magkabilang kamay. " Kain muna tayo," yakag nito sa akin. Nagpaalam ito kanina na lalabas muna. Ang buong akala ko nga ay umuwi na ito. Bumili lang pala ng makakain. Sa labis na pag-aalala, hindi ko namalayan ang oras. Lampas ala una na pala ng hapon. Maski gutom hindi ko maramdaman sa samu't saring emosyon na lumulukob sa akin . Lumapit ako sa mesa at naupo sa upuan doon. Isa-isang inilabas ni Ian mula sa tangan na paperbag ang laman nitong pagkain. Inabala ko naman ang sarili sa pagtingin sa laman ng isa pang paperbag. Meron doong alcohol, tissue, bulak at sabon na panghugas ng kamay. Mukhang isinabay nito iyon sa pagbili. Marami-marami rin itong pinamili niya. Nakakahiya. Sinamahan na nga niya ako ay nagastusan pam Babayaran ko agad siya pagkuha ko ng sweldo ko. Agad kumalam ang sikmura ko pagkakita sa nakahaing pagkain. "Kain na," sabi niya sa akin. "Salamat ha," bigkas ko sa pagitan ng pagsubo. " Hindi naman dapat pero tinutulungan mo ako," dugtong ko pa. "Kanina ka pa pasalamat ng pasalamat sa akin. Sabi ng okay lang," nakangiting tugon niya sa akin. Ibinaba ko ang hawak na kutsara at tinidor. Matiim ko siyang tinitigan. " Bakit mo ba ako tinutulungan?" tanong ko. Napatigil rin ito sa ambang pagsubo. " Dahil gusto ko at nakikita kong kailangan mo," " Wala kang hinihintay na kapalit?" salubong ang kilay na muli kong tanong. Marahan itong tumawa matapos ang sinabi ko. " I know I asked you before for a kiss as exchange of my courtesy driving you home. And I'm still waiting for that. Pero no, I'm helping you because I want too and not for something else," nakangiti at sinserong sagot niya sa akin. I pouted my lips. I even tilted my head to see a better vision of his face. " Ang weird mo lang kasi. Ang tagal mong di nagpakita. Tapos ngayon, heto ka! tinutulungan ako," prangka at walang inhibisyong komento ko sa sinabi nito. Nagpakawala muna ito ng isang marahang tawa. " So, namiss mo pala talaga ako?" nanunudyong tanong nito na sa akin. He even move closer to my seat. " Oo! Kasi walang nagbibigay sa akin ng kape," I answered sarcastically earning another laugh from him. " Kala ko pa naman namiss mo na talaga ako! Mas miss mo pala 'yong kape kesa sa'kin. 'Wag kang mag-alala mallows ko. Simula ngayon di na ako papalyang magbigay ng kape mo," dumukwang pa ito at marahang pinisil ang kanang pisngi ko. Mallows ko...Mukhang nakakasanayan na yata nito ang pagtawag ng ganon sa'kin. Hindi ko naman siya magawang sawayin. Bigla ang naging pagtahip ng dibdib ko sa simpleng paghawak niya sa pisngi ko. Ano ba naman 'tong nararamdaman ko? Ang lakas maka high school. Muling tumawa si Ian na nakamasid pa rin pala sa akin. Inirapan ko ito at muling nagpatuloy sa pagkain. "M-marsha..." agad akong napalingon ng marinig ang boses ng tatay. Tumayo ako at dali- daling lumapit sa kinahihigaan nito. Nang tangka itong babangon ay agad ko itong pinigilan. " Tay 'wag po muna kayong gagalaw. Andito po tayo sa ospital," bigkas ko habang inaawat si tatay sa tangkang pagbangon. " Nauuhaw ako," tumalima naman si Ian at iniabot ang bote ng mineral water. Dahan-dahan kong pinainom doon ang tatay. " Bakit ba ako nandito?" sa namamaos na tinig ay tanong ng tatay. " Naaksidente po kayo," at isinalaysay ko dito ang lahat ng nangyari mula sa pagtawag sa akin ni Otep hanggang sa pagsugod sa kanya dito sa ospital. " Nag-alala po ako ng husto para sa inyo 'tay," maluha-luhang bigkas ko matapos magkwento. " Akala ko iiwan mo na rin kami. Akala ko susundan mo na ang nanay sa kabilang buhay." Pagak na natawa ang tatay sa sinabi ko. " Anak, kung nakatakda ng mamatay mangyayari 'yon sa ayaw at sa gusto natin. Hindi ko pa oras kaya di pa ako kinuha ni Lord," medyo hirap na bigkas ni tatay. "Isa pa, gusto ko munang makita kang maikasal. Gusto ko pag nagkita kaming muli ng nanay mo ay maikukwento ko sa kanya kung gaano kaganda habang naglalakad papunta sa altar. Siya na ba mapapangasawa mo?" sabay nguso nito kay Ian na tahimik lang na nakaupo sa sofang nasa tabi ng bintana. " Tay naman! Katrabaho ko lang po si Ian. Nagmagandang loob na samahan at ihatid ako. 'Tsaka ikakasal 'tay? Boyfriend nga po wala ako, pakakasalan pa kaya?" Nakataas ang kilay na alma ko. Natawa na lang ang tatay sa sagot ko. Pumasok ang nurse upang icheck ang vitals signs ng kanyang tatay. May ibinigay rin itong gamot. Kaya matapos kumain ng tatay ay muling nakatulog ito. Sumapit ang gabi ay naroon pa rin si Ian. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ng tatay habang minamasdan ito na nakaupo sa sofa. Mukhang sinsero naman ito sa lahat ng sinasabi sa kanya. Siguro nga tama si Apol na baka panahon na nga para lumandi! Ha? Lumandi talaga? I sighed. Wala naman sigurong masama kung papayagan kung manliligaw ito sa akin. Nag-ingay lamang sa silid ng dumating si Apol kasama ang boyfriend nito. Di paman nagtatagal ay dumating rin si Jay, dala-dala ang mga gamit na kakailanganin ni Tatay at damit na pamalit ko. " Simula kaninang umaga pa kayo magkasama? Hindi pa umuuwi?" nang-iintrigang tanong ni Apol. Umiling ako bilang sagot. " Ay...ang sweet naman ni Sir! Di pa man kayo, super alalay na kaagad. Very supportive!" kinikilig na tugon ni Apol. " Tumigil ka nga Apol! Marinig ka ng tao," saway ka dito na may kasamang irap. Nang magpaalam si Ian na uuwi ay nag-alok akong ihatid ito palabas. Akmang sasakay na ito ng kanyang pick up ng hawakan ko ito sa braso. Nagtatanong na tinignan niya ako. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ko. Matapos ay tumingkayad ako upang magpantay ang aming mukha. Isang mabilis na halik sa pisngi ang iginawad ko sa kanya. Napamaang ito sa gulat. Pero bago pa man siya makapagsalita ay tumalikod na ako. Tatlong hakbang pa lang ang nagagawa ko ay muli ko aoyang nilingon. " Pumapayag na ako," lakaa loob na wika ko. " Pumapayag na akong ligawan mo ako!" Sa mas malakas na tinig ay bigkas ko. Sabay lakad ng mabilis pabalik sa loob ng ospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD