Chapter 10

1095 Words
Alas onse na ng gabi pero gising pa rin ako. Tatlong oras na akong bangon higa dito sa higaan. Hindi ako makatulog. Kahit antok ayaw akong dalawin. Hindi mawaglit sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Ian. " Payagan mo akong ligawan ka," ulit nito sa sinabi. Napakurap-kurap ako. Matapos ay hilaw na tumawa. " Ikaw, manliligaw sa akin? " tanong ko. " Oo," tahasan niyang sagot. " Eh mukha kang babaero!" asik ko. " Ouch! Hinuhusgahan mo naman ako agad," kunwa'y nasaktan sa sinabi ko at nakangusong bigkas ni Ian. " Seryoso ako, gusto kitang ligawan." " I barely even know you that's why?" sagot ko. " Kaya manliligaw ako sa'yo para mas makilala mo ako," tugon naman nito. Mataman ko siyang tinitigan. Nakataas pa ang kilay na pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. " Kung seryoso ka talagang manligaw, be my ideal guy. Maybe then, I'll let you court me." pasupladang sagot. Sabay talikod dito. Nakita kong lumabas na si Apol ng restaurant kaya agad akong lumapit dito. Di ko na nilingon pa si Ian. Pihadong 'di na 'yon mangungulit sa akin. Imposibleng magseseryoso ang lalaking tulad n'un. Hitsura pa lang nito, malabo ng magtiyatiyagang manligaw. May bahagi ng puso ko ang nakaramdam ng lungkot sa naisip. Muli akong humiga at niyakap ang unan. Hindi pa man pero mukhang wala ng pag-asa na magkakaroon pa ako ng boyfriend. Mukhang tama si Amanda. Imposible ng makahanap ako ng lalaking papasa sa gusto ko. Dapat 'ata iready ko na ang sarili ko sa pagiging old maid. *** Tinanghali ako ng gising kinabukasan. Buti na lang at walang masyadong traffic sa daan kaya umabot pa rin ako sa takdang oras ng pag time in. Pabagsak akong naupo sa aking mesa. Walang Ian na nakaabang na may bitbit na kape. Sabi ko na! Malabong mangyaring magseryoso ito sa akin. Naging matamlay tuloy ang maghapon ko. Lumipas ang halos dalawang linggo ay walang Ian ang nagpakita sa opisina. Biro pa sa akin ni Apol na baka hindi kinaya ang kasungitan ko kaya natakot. Nagkibit ako ng balikat. Bakit parang hinayang na hinayang ka Marsha? Lunes na naman. Panibagong simula ng linggo ko. As usual, maaga na naman akong pumasok. Pero di tulad ng dati, hindi na ako dumaan ng Cafè Aroma. Wala ako sa mood magkape nitong mga nakaraang araw. Para akong tamad na tamad sa buhay. May mangilan-ngilan ng tao sa opisina pagpasok ko. Nilapag ko muna ang bag sa gilid ng aking mesa bago sinulang ayusin 'yon. Sa sobrang kawalan ng gana kong magtrabaho nung mga nakaraang araw ay natambakan na ako ng mga papeles na aasikasuhin. " Good morning besh," bati sa akin ni Apol pagdating nito. " Good morning," ganting bati ko. Pag- angat ko ng folder ay nasagi ko ang pen holder kya nahulog ang mga laman nito. Isa-isa kong pinulot ang mga ito at binalik sa lagayan. Yumuko akong muli ng makitang may sumuksok pa pala sa ilalim ng mesa. " Oh...my...Gwapo!" eksaheradang bulalas ni Apol. Maging ang ibang mga kasamahan sa opisina ay rinig long nagbubulungan. Kunot noong tumayo ako at lumingon sa direksyon ng tinitignan ni Apol. Ganun na lang ang pagkabog ng dibdib ko ng makita kung sino ang tinatanaw ni Apol. It's Ian. Akala mo modelo na naglalakad patungo sa direksiyon ko bitbit sa magkabilang kamay nito ang kape na binili mula sa paborito kong cafè. But there's something in him that change. Wala na ang kulot nitong buhok. Maiksi at malinis ang pagkakagupit ng buhok nito. Halatang nilagyan pa ng gel at maayos na nasuklay. Malinis din ang mukha nitong tignan na halatang bagong shave. Maging ang pananamit nito ay nagbago. Wala na ang porma nitong akala mo ay laging aattend sa gig ng banda. His still wearing his jeans though. Pero ngayon ay isang blue long sleeves polo na ang suot nito na nakatuck in sa black maong pants nito. Ang mga manggas nito ay nakatupi hanggang siko. Tanging isang itim na relo sa bisig ang suot na aksesorya sa katawan. Ang fresh ng awra nito na sinamahan pa ng isang makalaglag panty na ngiti. Sa malayo pa lang ay masasabi mo ng mabango ito. At ng makalapit siya sa akin ay hindi nga ako nagkamali. Dahil langhap na langhap ko ang mabangong amoy ng gamit nitong pabango. Ang puso ko ay nagwawala sa bilis ng pagtibok. Maging ang paghinga ko ay tumigil ng huminto siya sa aking harapan. " Besh! Baka pasukin ng langaw. May umagos ng laway oh!" biro sa akin ni Apol habang tinururo ang bibig ko. Agad kong tinikom ang bibig at pasimpleng tinakip ang kamay sa aking mga labi. Di ko namalayang nakanganga na pala ako habang nakatitig dito. Isang irap ang ginawad ko kay Apol ng malakas itong tumawa. Agad akong umikot sa aking mesa at naupo. Nagkunwari akong abala upang maitago ang kabang nararamdaman. " Good morning my mallows, coffee?" malambing na bati niya sa akin. Hindi ko 'yon inabot kaya nilapag na lang ang kape sa ibabaw ng mesa ko. Isang mabilis na tingin sa kanya ang ginawa ko. " Thank you," pasalamat ko. " Uy, Sir Ian ang tagal mong nawala ah!" si Apol na ngayon ay nakatayo na sa gilid ng mesa ko. Napasulyap ako kay Apol habang nagsasalita ito. " Ah! Oo. Binisita ko kasi mga site sa Ilocos at Davao. Kaya matagal bago nakabalik dito. Namiss mo ba ako?" tugon nito kay Apol pero ang tingin ay nakatuon sa akin. I bit my lips. Bakit pakiramdam ko para sa akin ang tanong niya? " Oo, Sir Ian! Nakakamiss nung wala ka. Walang nanlilibre ng lunch. Pero alam ko 'yong isa diyan, mas miss na miss ka!" sagot ni Apol na hinaluan ng tawa. Kunot noong napatitig ako sa kaibigan. Pero isang nakakalokong ngiti ang dumaan sa mga labi nito. Parang tanga 'to! Kung di lang nakaharap si Sir Ian baka nasapak ko na 'to! " Talaga ba? Sabay ulit tayo maglunch mamaya. Libre ko," yaya pa ni Ian. " Ay di ako tatanggi sir! Gorabels ako diyan," pumapalakpak pang sagot ni Apol. " So, pa'no? Mamaya na lang," sagot nito kay Apol. " Inumin mo na kape mo marshmallows. Di na yan masarap pag lumamig," baling ni Ian sa akin. I glanced at him. Pero agad ko ding binawi ang tingin dito. " O-oo. S-salamat," nauutal na sagot ko. Tumango ito at tumalikod na. 'Tsaka ko pa lang pinawalan ang hiningang kanina ko pa pala pinipigil. Marahan kong hinaplos ang dibdib upang ikalma ang puso kong di maawat sa malakas na pagpintig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD