Hindi ako agad nakahuma. Nanlalaki ang aking mata habang mariin na nakalapat ang aking labi. Hindi pwede 'to! Ang tagal niyang hindi nagpakita sa akin tapos ngayon basta na lang siya nanghahalik. Sinubukan ko siyang itulak sa kanyang dibdib. Ngunit ang siste! Di pa nakuntento sa paghalik sa akin ay isinandal pa ako sa likod ng pinto. Nagpatuloy ito sa paghalik sa akin. Marahan niyang kinagat ang aking labi ngunit hindi ko pa rin ibinuka ang bibig ko. "Open your mouth please my sweet mallows...I missed you so bad," anas niya sa aking tenga. Nakakaantok ang paraan ng kanyang pagbigkas. Sabayan pa ng kanyang mapungay na mata na unti-unting lumalasing sa aking katinuan. Konting-konti na lang, mapuputol na ang pagtitimpi kong gantihan ang halik niya. Naglandas ang kanyang labi pababa sa

