Ang nakakalokong mukha, nanunuksong tingin at malisyosong ngiti ng mga bisita anng nabungaran ang sumalubong sa amin pagbaba naman ni Ian. Patay-malisyang dumiretso ako sa mesa at nagkunwaring tinignan kung sapat pa ang mga nakahain na pagkain. Si Ian na ang nagpakilala sa sarili niya sa mga ito. Narinig ko pa ang lantarang pagbungisngis ni Apol habang nakikipagbulungan kay Venus. Nang mahagip ko ito ng tingin ay pinukol ko ito ng isang nagbabantang titig. Hindi nakatiis ay tumayo si Apol at lumapit sa akin. "Besh, mukhang nagkabed reconcilliation na ah!" Tinaasan ko ito ng kilay. "Pinagsasabi mo diyan!" masungit na sagot ko. "Kunwari pa 'to! Halata ka na Marsha," makahulugang sambit nito sabay sundot sa aking tagiliran. "Huwag kang tsismoso Apol! Nag-usap lang kami ni Ian," tod

