Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan habang pinapakiramdaman ang paligid. Napagawi ang mata ko sa sofa. Bakante na iyon. Kagabi pagkatapos magpaalam ng aking mga kaibigan ay umakyat na ako sa silid. Hinayaan ko na sila Jay ang magligpit. Nakatulog na si Ian sa sofa kung kaya't hinayaan ko na lang din. Siguro umuwi na ng mahismasmasan. Maaga pa kaya baka natutulog pa ang mga kapatid ko. Nagtungo ako sa kusina at nagpasyang maghanda ng lulutuing almusal. Medyo inaantok pa ako. Pero dahil may pasok kaya kailangan ko ng kumilos. Malakas akong napahikab habang nakataas ang mga kamay. Nag-iinat. Nang biglang bumukas ang banyo at iluwal si Ian. Nabitin sa ere ang aking mga braso sa sobrang pagkagulat. My immediately drifted into him. Bagong ligo at tanging isang puting twalya ang nakatapis sa k

