" Ahm...pasok ka muna. Baka gusto mong magkape?" paanyaya ko dito habang iniaabot dito ang helmet na ginamit.
" Parte pa ba yan ng laro natin ang tanong mo?" Nakangiti nitong tanong sa akin.
" Ah...H-hindi. Kung gusto mo lang naman. Sukli ko sa paghatid mo sa akin," bahagya pa akong nautal sa pagsagot.
Mataman niya akong tinitigan. Sa ilalim ng malamlam na ilaw ng poste ay nagkatitigan kami. Ang liwanag mula sa ilaw ay tumatanglaw sa mukha nito. Ewan ko ba pero hindi ko maiiwas ang gumanti sa mga titig nito. May kung ano sa mga mata nito na sa tuwing natititigan ko ay nahihirapan akong bumitaw.
" Eh kung kiss hingin kong kapalit?" seryoso nitong bigkas.
Napatda ako sa sinabi nito. Napalunok ako ng sunod-sunod ng hawiin pa nito ang ilang hibla ng buhok ko na bahagyang tumabing sa mukha ko. Kinakabahan ako sa susunod na mangyayari. Pero ng dahan-dahan itong yumuko at inilapit ang mukha nito sa akin ay napapikit ako.
" Oh! Marsha, nandiyan ka na pala!" boses iyon ni Tatay na nagpamulat sa akin. Napapahiyang napaatras ako sa pagkakatayo kay Ian. Nilingon ko ang tatay. Agad akong nagmano dito ng tuluyan itong nakalapit sa aming kinatatayuan.
" Mano po 'Tay," bigkas ko.
" Napaaga ka 'ata ng uwi ngayon?" tanong ni Tatay sabay tingin kay Ian.
" Si Ian po pala, katrabaho ko po." Maikling pakilala ko. Binati naman ito ni Ian. Pasupladong tinanguan naman ito ni Tatay.
Yumuko si Tatay at pasimpleng bumulong sa akin.
" Magandang lalaki. Binata ba 'yan? Sagutin mo na anak, " wika nito habang nakaakbay sa akin.
" Tatay naman, katrabaho ko lang po 'yan!" Nanlalaki ang matang saway ko kay tatay. Tinawanan lang ako ni tatay.
" Ehem," tikhim ni Ian sa likod namin. Narinig kaya niya pinagsasabi ni tatay. Nahihiyang napatingin ako dito.
" Mauna na ho ako," paalam nito.
" Baka gusto mo munang magkape hijo?" alok ni tatay dito na agad naman nitong tinaggihan.
" Sa susunod na lang ho," sabi pa nito.
" Ayos!may susunod pa," nakangiting bumulong ulit sa akin si Tatay bago na naunanh pumasok sa loob.
" Sige na Marshmallow, pasok ka na. Next time ko na lang kukunin ang sukli ko," 'tsaka ito tumalikod habang sinusuot muli ang helmet nito.
Kumaway muna ito bago tuluyang pinaandar ang motorsiklo nito.
Nangingiti na lang akong nakamasid dito.
" Uy si ate, dalaga na!" nambubuskang bati sa akin ng kapatid kong si Otep na nakasilip pala sa pinto.
" Tse!" masungit na sagot ko.
***
" Good morning, coffee?" Pagpasok ko ng opisina sumunod na araw ay ang nakangiting mukha ni Ian ang bumungad sa akin. Kinuha ko naman ang iniaabot nitong kape.
" S-salamat," tipid ko siyang nginitian. Naglakad na ako papunta sa table ko. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Lalo na ang puso ko ay di maawat sa pagtibok ng malakas.
" Ang sweet naman ni engineer. Laging may pakape. Alam na alam talaga kung pa'no ka pakikiligin 'no?" tila kinikiliti at parang maiihing wika ni Apol paglapit ko sa aking mesa.
" Eh! Ba't mas mukha ka pang kinikilig kesa sa'kin?" nakataas ang kilay na sita ko.
" Esus! So, kinikilig ka nga? Ano na bang score? Nanliligaw na ba sa'yo?" Nameywang pa ito sa harap ko.
" Ligaw ka diyan! Nakikipagkaibigan lang 'yong tao. Isa pa ayoko sa masyadong gwapo. Mukhang babaero,"
" Malay mo naman. Nakikipagkaibigan susunod diyan makikipag-ibigan na! Naku besh, 'wag mo ng snobin ha? Pag talaga 'yan nagtapat sa'yo, oo agad!"
" Baliw! Dun ka na nga sa table mo,"
Tatawa-tawa namang naglakad si Apol papunta sa table nito.
Nagpipigil na ngiti ang tanging nagawa ko ng tumalikod na ito.
Napatitig ako sa hawak na baso ng kape. My mallows- ang nakasulat na name. Tuluyan na akong napangiti. Aaminin na nga ako. Kinikilig ako sa kape. Pero mas kinikilig ako sa mga pinaparamdam sa akin ni Ian. At my age, kahit kelan di pa ako nakaramdam ng ganito. Ngayon pa lang. Siya pa lang.
I feel inspired working that day. Ang dami kong natapos na paperworks. Bahagya pa akong nagulat ng tumayo si Apol at yayain akong maglunch.
Napasulyap ako sa aking pambisig na relo. Fifteen minutes past eleven na pala! May usapan kami ni Ian na sabay ulit magla-lunch ngayon. Tumayo ako para magbanyo. Paglabas ko ay natanaw ko na nakatayo si Ian sa harap ng table ko. Kausap si Apol. Ngunit bigla ang bundol ng kirot sa dibdib ko ng makitang may babae na nakahawak sa braso ni Ian. Si Amanda. Ang isa sa mga architect ng kumpanya. Maganda, sopistikada, sexy at magandang magdamit. Mas bata ito sa akin ng limang taon. Five years naman ito sa kumpanya. Magaling na arkitekto kaya marami na ring naging kliyente. Iilan lamang kaming mga babae na nagtatrabaho sa kumpanyang ito. Dahil construction firm ito, karamihan ng nagtatrabaho dito ay pawang kalalakihan. Ako, dalawa sa accounting, tatlong admistrative aid at si Apol na binabae. Sa tagal ko sa kumpanyang ito, kahit kelan ay hindi ko ito nagustuhan. Bukod kasi sa palaging tipid sa tela ay luluwa naman ang dibdib kung manamit. Tulad ngayon, naturingang nasa opisina pero ang suot na body contour dress ay bukod sa maiksi na ang lalim pa ng cleavage. Akala mo pupunta ng bar kung makapag outfit. May blazer naman pero hindi isinusuot. At sa tuwing may bagong pasok na engineer o architect sa kumpanya ay ito ang laging kumakalantari. Akala mo mauubusan ng lalaki.
" Oh besh! Hinihintay ka ni Sir Ian. Lunch out daw ulit kayo," ani Apol sa kanya paglapit niya sa mga ito.
" Oh! Sabay-sabay na tayo. Wala rin akong kasabay maglunch ngayon. I'm kinda hungry na nga eh," maarteng sabad nito na nagpataas naman ng kilay ko.
" Oh sure! Join na rin ako Sir Ian ha. I'm inviting myself. Para mas masaya," sagot ni Apol na halatang naiirita rin kay Amanda
" Let's go?" Yaya ni Ian pero sa akin nakatingin. Tumango ako. Kinuha ko ang bag ko at nagpatiuna ng maglakad. Nakaangkla pa rin ang isang braso ni Amanda kay Ian. Pero pagdaan ni Apol sa gilid ni Amanda ay pasimpleng hinila nito ang bag nakasabit sa isang braso nito. Dahilan upang mahulog ito sa sahig. Agad kumalat ang mga laman ng bag nito sa sahig.
" Oh my gosh! My branded make ups!" maarteng bigkas nito.
Agad itong lumuhod para pulutin ang mga ito isa-isa.
" Ay! Sorry Amanda," aniya Apol. Lumuhod din ito at nakipulot na rin.
" Tulungan ko na kayo," sabi naman ni Ian sa tabi ko.
" Naku! ' Wag na Sir Ian. Sige na mauna na kayo ni Marsha. Susunod na lang kami ni Amanda," sagot ni Apol. Si Amanda naman ay di na nakuha pang sumagot dahil abala sa kakasuksok sa ilalim ng mesa kakahanap ng mga naghulugang gamit nito.
Hinawakan ako ni Ian sa siko at iginiya na palabas. Bigla naman ang pagdaloy ng tila kuryente sa aking balat dulot ng pagkakadikit ng kamay niya sa siko ko.
" Mamaya, pwede ba kita ulit ihatid?" Nakangiting tanong nito sa akin.
" H-ha?" Tanong ko.
" May kukunin pa akong sukli, remember?" dugtong pa nito.
Oo nga pala! Naku! Hindi pwede! Ayoko! Natataranta ang utak ko.
" Hindi! Ayoko! No!" boses ko.
Napahinto pa ako sa paglalakad. Amused at tawang-tawang nakatingin sa akin si Ian.
" Ayaw mo talaga?" tanong pa nito. Sunod-sunod ang aking naging pag- iling.
Humarap siya sa akin. He even leaned forward before whispering to my ear.
" I win," napasinghap ako ng mapagtanto ang sinabi nito.
" You owe me a kiss last night. Now you owe me a date too, my mallows."